Chapter 59

337 10 2
                                    

The Story Behind

Cloud's POV


"Miss me?"

Mabilis akong napalingon nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Magmula nang magbalik ako sa Pilipinas, ngayon ko lang ulit sya nakita.

"PJ." Bahagya itong napangiti nang banggitin ko ang pangalan nya.

"Sabi ko na dito kita makikita, e. Kailan mo pa nalaman?" Tanong nito na hindi ko nagawang sagutin. Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing pag-uusapan iyon, tila sumasariwa ang sugat sa puso ko. Pero sa tingin palang, alam na nya kung anong sagot sa tanong nya. "Tingin ko few days ago lang. Tama ba ako?" Paninigurado pa nito at tumango lang ako.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita?" I suddenly asked him.

"Kagaya mo, hindi din naging madali para sakin ang tanggapin na wala na sya. Ang totoo nyan, nagalit pa nga ako sa'yo." Nang sabihin nya 'yon ay agad akong napatingin sa kanya. Para bang nagulat ako. But then I've come to realized na wala namang ibang pwedeng sisihin dito kundi ako. Ako ang dahilan ng pagkamatay nya.

"I understand. It's all my fault." Sabi ko naman. "Ngayon nga pinagsisisihan ko na naging kaibigan nya ako, na napalapit sya sakin. Kung hindi nya sana ako nakilala, hindi nya sana ako mamahalin. Hindi sana sya nawala sa mundo. Sana nalaman ko agad para sana nakalayo na agad ako. Kaya lang hindi ko alam. Hindi ko alam na ako pala ang magiging mitsa ng kamatayan nya."

"We have the same thoughts in mind. Sumagi din sa isip ko ang mga bagay na yan kaya nagawa kitang sisihin. Kaya nauna akong umalis ng America that time."

Muli akong napalingon sa kanya sa labis na pagtataka. "Pumunta ka ng America?"

"Yes, I was there. Sinamahan ko si Tammy papunta do'n." Presko naman nyang sagot.

"You were there all along? So alam mo ang plano ni Tammy? Bakit hindi mo sya pinigilan?"

"I guess you badly want to know what really happened that time." Pampabitin na sabi nito. Para akong kinakagat ng langgam at kating-kating malaman ang totoo. Ngunit hindi ko alam kung nananadya ba ito kasi naglakad sya palayo sakin.

"PJ, saan ka pupunta?" Sigaw ko.

"I'll just buy some drinks! Boring ang usapan kapag walang inuman. Don't worry, babalik ako. I promise!" Sigaw naman nya pabalik.

Hindi na ako nakaangal nang tumakbo na ito palayo sakin. Kahit na kating-kati na akong malaman Kung anuman yung iku-kwento nya sakin, natahimik nalang ako at umupo sa lupa.

To think na wala na talaga sya? Hindi ko parin matanggap at hindi ko alam kung matatanggap ko ba. I didn't know that her love for me would come this far. Matagal ko nang tinanggap na maikli lang panahon ko sa mundong 'to. Bagay din 'to na ikinagulat ko nang malaman ko ang tungkol sa sakit ko. I already experienced different symptoms of heart failure before pero isinawalang bahala ko ang lahat ng iyon. Yet, she changed my destiny. Imbis na ako ang mawala, sya 'tong nang-iwan.

I still burst a lot of tears though I know that those tears won't bring her back to life.

Habang malalim kong iniisip ang mga bagay-bagay, hindi ko namalayan na may tumutulo na palang luha sa mata ko. Nagising nalang ang abala kong diwa nang may panyong tumapat sa mukha ko. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si PJ. Tinupad nito ang pangako nya na babalik sya at may dala pa itong plastic bag na naglalaman ng inumin.


"I won't get dry until you wipe it out." Aniya kaya kinuha ko na ang panyong inaalok nya. Nang kunin ko iyon ay naupo na din sya sa tapat ko. Nakakatawa dahil pareho kaming nasa harapan ng babaeng minsan na naming pinag-agawan.



Two Steps BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon