Chapter 25

313 7 0
                                    

Tammy's POV


Hindi parin ako makapaniwala na nakagawa ako ng ganung klaseng desisyon na hindi ko man lang muna pinag-iisipan. Sa kagustuhan kong wakasan ang gulo namin, nagdesisyon akong umalis at lumayo sa kanila. Parang wala ako sa sarili ko nang sabihin kong magda-drop out ako sa university. Pero wala na akong magagawa. Nandito na 'yon, e. Nakapagdesisyon na ako and it's final.

"Saan ko naman nakuha ang tapang ko para mag-drop out? Tsss." Natatawa kong tinanong ang sarili ko. Tila isang baliw ako na naglalakad sa kalsada habang kinakausap ang sarili ko. Ang masama pa, tumatawa ako. "What's wrong with me? Haha." Sambit ko pa habang pinipigilan ang mga luhang nagbabadya sa aking mga mata.

Pamula sa school, nilakad ko ang daan patungo sa bahay namin. Kahit malayo, tiniyaga ko parin. Hindi na ako dapat nagtatagal sa school. Sooner aalis na din ako. In fact, wala na namang rason para manatili pa ako do'n diba?

Nakayuko akong naglalakad. Hindi ko namalayan na malapit na pala ako sa bahay namin. Isang pamilyar na tao ang nakita ko sa pag-angat ko ng aking ulo. Nakaupong-nakaupo ito sa labas ng bahay namin. Pansin ko ang mga mata nyang nakatingin sakin habang hinihintay akong lumapit sa kanya. Just a few steps away, tumayo ito at lumapit sakin.

"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" Pambungad na tanong nya sakin.

"H-Ha? N-Naka-silent mode ang phone ko." Sinabi ko iyon kahit ang totoo, kanina ko pa naririnig na tumutunog ang phone ko. Alam kong sya 'yon kaya hindi ko sinasagot.

Maya-maya pa'y nilabas nito ang phone nya at ini-angat. May pinindot syang kung anong dito. Hindi ko iyon nakita pero nagulat ako nang biglang tumunog ang phone ko. I took my phone out of my bag and saw his name on the screen. Na-realize ko lang na sya pala yung tumatawag.

"This was not the first time you lied to me. Tammy, kaibigan mo pa ba ako?"

Tumagos sa puso ko ang tanong nyang 'yon. Para akong sinaksak at sa sobrang sakit, gusto ko nalang maluha. Hindi ko magawang sagutin ang tanong nya. Dahil maging ako, hindi alam kung kaibigan pa ba ang turing ko sa kanya. I saw Cloud not just a friend. I also see him as a man at alam ko sa sarili ko 'yon. I'm aware of it. I'm aware of my feelings for him.

"Bakit ba parati ka nalang umiiwas?" Dagdag pa nito.

Huminga ako nang malalim at matapos ay tumingin sa kanya.

"Cloud, look at me. Hindi ka ba nandidiri sakin? Nakalimutan mo na ba yung nangyari satin? Baka nga tama sila. Malandi nga ata ako. Kasi sarili kong kaibigan, pinatulan ko. I'm a slut, Cloud." Sabi ko sa kanya.

"May kasalanan din ako. 'Wag puro sarili mo ang sisihin mo sa nangyari. I'm also responsible for that." Katuwiran naman ni Cloud. "Kung ikaw man o si Nicole ang kasama ko, dapat hindi ko hinayaan na mangyari ang nangyari. Sana nagpigil ako. Ako ang may kasalanan, Tammy! Naiintindihan mo ba? Ako ang may kasalanan!" Nabigla ako sa pagsigaw nito. Minsan lang 'to mangyari. Kapag seryoso talaga sya.

"Nangyari na ang nangyari, Cloud. Hindi na mahalaga kung sinong may kasalanan. Ikaw man o ako, it doesn't matter anymore. Hindi na natin mababago 'yon. We have to move on, please. Kaya nga ako lalayo, diba?"

"And you think staying away from us is the way? Tingin mo yung pagda-drop out mo sa school ang solusyon?" Tanong nito sakin.

"That's the only way I know."

Ramdam ko ang inis ni Cloud sa bawat pagbagsak ng hininga nito. Napahilamos sya sa kanyang mukha bago lumapit sakin. Hinawakan nito ang tigkabilang braso ko.

"Tammy, kaibigan kita. Hindi ko hahayaang iwasan mo nalang ako nang basta-basta!" Saad nito habang marahang niyuyugyog ang katawan ko.

"Kaibigan ba ang tingin mo sa taong muntik nang makasira ng relasyon nyo?" Nang tanungin ko sya nito, dahan-dahang bumitaw ang kamay nya sakin.

Two Steps BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon