Chapter 11

302 7 0
                                    

Prohitibed


Tammy's POV

Naging masaya ako sa araw ko ngayon. Iyon ay dahil sa mga sinabi ni Cloud. Abot langit ang ngiti ko habang may pag-jog na naglalakad papunta sa town house ni Tito Patrick, kung saan kami nakatira ngayon ni Nicole. Hindi ko malimutan ang bawat salitang sinabi nya kanina kaya ganun nalang ako kung makangiti at kapag minsan, bigla nalang akong napapatawa.

May ilaw na sa loob ng bahay kaya sigurado akong nandun na si Nicole. Pumasok ako at matapos ay isinara ang gate. Sa pagbukas ko ng gate, naabutan ko si Nicole na nakaupo sa sofa sa living room habang hawak-hawak ang isa sa mga notebooks ko sa major subjects. Nang marinig nya ang pagsara ng pinto ay agad nya akong nilingon.

"Oh thank God you're here, Tammy. Hindi ko maintindihan 'tong lecture nyo sa pag-aaral nyo ng spanish. Pwedeng paki-explain sakin?" Tinanong ako nito habang pinapakita ang parte ng lecture na hindi nya maintindihan.

"Sige." Matipid kong sagot. Isinantabi ko muna ang mga nasa isip ko at ipinaliwanag kay Nicole ang mga kailangan nyang malaman. Hindi man agad nito nakuha pero naintindihan nya din sa huli. "Sige, magbibihis lang ako." Paalam ko.

Pagkahakbang ko ng sa isang baitang ng hagdan, bigla naman nya akong tinawag. "Tammy, sandali." Aniya at lumingon naman ako. "I heard na sabay daw kayong nag-lunch ni Cloud. Is it true?" May paghalukipkip nitong tanong.

Sa una, nag-alangan pa akong sabihin sa kanya ang totoo pero naisip ko na dapat nya din namang malaman. "Oo, pasensya ka na."

Bumuntong hininga ito bago muling tumingin sakin. "Akala ko ba nagkaliwanagan na tayo? Diba ang usapan natin, as much as possible, iiwasan natin si Cloud para hindi sya magduda kung sakali?"

"Alam ko naman yun. Kaya lang naipit ako kanina. Tinext nya ako para sumabay sa kanya sa pagkain pero tinanggihan ko sya. Ngunit paglabas ko ng classroom nyo, nandun sya. Wala akong choice. At tsaka kilala mo naman si Cloud, hindi yun makakakain nang wala syang kasama." Sinubukan kong paliwanagan si Nicole pero sa itsura nya, alam kong hindi sya kumbinsido.

"Of course you had a choice. He also texted me para sumabay ako ng lunch but still, I refused to do so. Pero anong ginawa mo? Sumama ka parin sa kanya." Ramdam ko na ang pagkairita sa boses nito. Alam ko mali ang ginawa ko. Pero anong magagawa ko? Hindi ko matiis yung kaibigan ko. "Paano nalang kung magduda sya sa'yo bilang ako? Cloud knows me so well. Isang maling galaw mo lang at malalaman nya ang totoo." Katuwiran pa nito. "Cloud has a lot of friends kaya kahit tumanggi man tayo sa kanya, may malalapitan parin sya. Tandaan mo yan."

"I'm sorry." Wala na akong ibang nagawa kundi ang humingi ng despensa. May punto rin naman si Nicole. At iyon ang kailangan kong intindihin. "Hindi na mauulit."

"I hope so. I'm trying my best here para iwasan sya kahit na miss na miss ko na ang boyfriend ko. Sana ganun ka rin. Hindi natin pwedeng lapitan si Cloud hangga't hindi natin naso-solusyunan 'tong problema natin. Hangga't hindi tayo nakakabalik sa sarili nating katawan. Naiintindihan mo ba ako?" She asked and I nodded. Lumapit ito sakin at hinawakan ang dalawang kamay ko. "Please lang, tulungan natin ang isa't isa kagaya ng sinabi ni Mr. Reyes. Here, you can have my phone, too. Kapag inaya ka nya bilang ako man o bilang ikaw, tanggihan mo. We need to do this." Mula sa kanyang bulsa, inilahad nya sa palad ko ang cellphone nya. Tumango lang ako bago nya binitiwan ang kamay ko. Ngumiti sya at umakyat sa taas. Narinig kong bumukas-sara ang pinto ng kwarto nya. Wala pang dalawang minuto nang muli itong bumaba.

"Oo nga pala, I forgot to give you this." Inabot nya sakin ang isang kahon na naglalaman ng bagong sapatos.

"Para saan?" Litong tanong ko.

Two Steps BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon