Chapter 52

315 12 12
                                    

Sa mga nag-abang at hanggang ngayon ay sumusuporta parin sa kwentong ito, para sa inyo ko ide-dedicate ang kabanatang ito. Thank you so much... kpopislove_14, KodjeAviValejueza109, and ShineRabanes....

----------------------------------------------------------


The Reason Behind


Tammy's POV

Few days ago, nasa loob ako ng isang silid. Tahimik at tanging ilaw lang mula sa maliit na lampara sa mesa ang nagsisilbing liwanag para makita namin ang isa't isa. We were supposed to be having some fun outside but we were locked up inside this room because of a stupid dare. Gusto kong batukan si Kean dahil sa pakana nyang ito pero maging ang utak ko ay sumusuko na sa hilo dahil sa alak na ininom ko. I'm weak when it comes to alcoholic drinks pero dahil birthday ni Jiro, pinagbigyan ko nalang sila at ang sarili ko.

I promised a friend na magiging okay ako ngayong araw na 'to but I don't think I am. Nasa sahig ako at nakasandal sa kama habang ang kasama ko ay nasa kabilang bahagi. Hindi lang ito basta 'kasama', ito yung taong matagal ko nang mahal at hanggang ngayon ay minamahal ko parin.

I don't know how to react at this state. Should I be happy? Dapat ba akong kabahan? Hindi ko alam, naguguluhan ako. But one thing for sure, nahihirapan akong huminga sa lugar na ito kasama sya.

Tumayo ako at kinatok ang pinto. Nagbakasakali akong maawa sila sakin at bawiin na nila ang dare. "Kean! Jiro! Buksan nyo na 'tong pinto!" Sigaw ko mula sa loob.

"You're just wasting your energy. Hindi nila bubuksan yan." Bigla namang sambit ni Cloud kaya napatigil ako sa ginagawa ko.

"Ayaw mo pa bang lumabas dito?" Takang tanong ko sa kanya kasi parang komportable lang itong nakaupo sa kinauupuan nya.

"My girlfriend is waiting for me outside. Kahit garambulin ko 'yang pinto, kahit magsisigaw pa ako, no matter how badly I want go outside, hindi parin nila bubuksan yan. Because a dare is a dare." Kalmado nitong sabi habang nakatingin sa nakabukas na bintana.

Masakit mang marinig, pinilit ko nalang ngumiti. Napatingin ako sa bintana kung saan sya nakatingin ngayon. Lumapit ako do'n at sumilip. "Ano kaya kung dumaan nalang ako dito?" Pabiro kong tanong, pero hindi direkta sa kanya.

"You're not that crazy, are you?" Malamig na tanong nito habang nananatili sa kanyang pagkakaupo.

Hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon. Kasama ko sya at nasa iisang kwarto kami. Subalit ang silid na ito ay nababalot ng lamig at pait na nararamdaman namin para sa isa't isa. I still love him, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na nagawa kong aminin iyon, sa harapan nila at lalo't higit sa kanya. And I guess, I will do always love this man infront of me.

Kahit wala nang matinong balanse ang lakad ko, pinilit ko paring lumapit sa kanya. Nag-indian sit ako sa harapan nya, sa mismong malapit sa kanya. Nagulat at napaangat sya ng tingin sakin. My eyes can't help it but to look at his face. His whole damn face that I was attracted to.

"Sige!" Sigaw ko. "Since sabi mo wala naman tayong magagawa para pilitin silang buksan ang pinto, ang mabuti pa mag-usap nalang tayo."

"I don't have time for this." Tanging sagot nya nang iwasan nya ako ng tingin.

"Then please, lend me some of your time." Seryoso kong sabi. Hindi ko din alam kung bakit ko nasabi 'yon o kung bakit gusto ko syang kausapin.

"Anong gusto mong pag-usapan?" Ngunit binawi nya ang desisyon nya at pumayag sa hiling ko.

Two Steps BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon