Secrets
PJ's POV
Natigilan ako sa paglalakad nang marinig ko ang tawag nya. What did she just call me?
"What the f*ck are you saying?" Hanggang ngayon naiinis parin ako sa pagkukunwari nya. Nung una, parang hindi nya alam na may relasyon kami. Ngayon naman sinasabi nyang hindi sya si Nicole. Ano ba talagang problema nya!?
"The truth. Ang katotohanan lang ang sinasabi ko sa'yo, PJ. Hindi ako si Nicole. Hindi ako ang girlfriend na sinasabi mo." At inulit nya muli ito.
"And you expect me to believe that?" I asked sarcastically.
"Wala naman akong sinabing maniwala ka. Basta sinabi ko na sa'yo, hindi ako si Nicole." May paninindigan talaga sya sa sinasabi nya. Sa kalokohang sinasabi nya.
Who would believe that stupid excuse?!
It's been how many years simula nang magkagusto ako kay Nicole. Sumali ako sa mga events and sports kagaya ng basketball para lang mapansin nya ako. I used to be her friend, her bestfriend actually. Ako yung parating nasa tabi nya. I'm the one who laughs and cries with her. Akala ko mababago ang pagtingin nya sakin. Na hindi lang ako pang-bestfriend, 'cause I think I deserve more than that. Masaya kami. Not until Cloud came. Sumali din sya sa parehong sport kung saan ako kasama. Ganun nalang kalaki ang nai-ambag ni Cloud sa team namin kaya madalas kaming manalo sa mga basketball league, regional and national tournaments. Sya narin ang hinirang na team captain, ang posisyon na dapat ay para sa akin kung hindi lang sya dumating.
Naging malapit ako kay Cloud, lalo pa nang tumagal sya sa team. We became friends. Kagaya ko, sumikat din sya but he's way more popular than I am. Isama mo pa ang pagiging anak ng dating teen star nya at dati din syang artista. Marami ang nagkagusto sa kanya. I'm aware of how handsome, intelligent, appealing and talented he is pero hindi ko natanggap nang pati si Nicole ay nabihag nya.
Sinabi iyon sakin ni Nicole. About her feelings towards Cloud. She even asked me to set them up on a date. However, I kept on refusing and making excuses para lang hindi mangyari 'yon. Ngunit gumawa parin sya ng paraan para mapalapit kay Cloud. Ini-stalk nya ito at parating sinusundan. Parati din syang pumupunta sa mga practice at sa mismong laro namin. Not to support me but to support Cloud.
Masakit pero sinubukan kong tanggapin. Nalaman ko nalang na sila na pala dahil tinulungan sya ni Tammy, ang bestfriend ni Cloud. Naging masaya sila habang ako nagtatago sa lungkot na aking nadarama. Nawalan na sya ng oras sakin dahil madalas si Cloud ang kasama nya. Nawala ang halaga ko sa kanya. Pero ayos lang sakin noon. Makita ko lang na masaya ang babaeng minamahal ko, masaya narin ako. Kahit masakit, sa bawat halik at yakap na binibigay nya kay Cloud, gayon narin sa mga oras na sinasadya nya dito.
I thought everything was okay. But two years after being with Cloud, nakikita ko na syang umiiyak. Madalas nyang iniinda sakin ang malimit nyang pagseselos sa bestfriend ni Cloud. Na mas sweet ito kay Tammy, mas maalaga at mas protective. Nang mga panahong iyon, hindi ko napigilan ang sarili ko sa galit na nararamdaman ko. But that's the time when Nicole saw my value for her.
Tinanong nya ako kung paano kung ako nalang ang pinili nya. Paano kung ako nalang ang naging boyfriend nya. Pero sadyang mapanukso ang tadhana. Who am I to refuse her question? So asked her, 'who don't you try?'
I started courting her kaya madalas akong wala sa mga practice at trainings namin. Wala akong pakialam kung madalas man akong pagsabihan ng coach namin basta ang alam ko, masaya ako. Napapansin ko rin ang pagiging masaya ni Nicole kapag kasama nya ako at ang pangungulila ni Cloud dahil sa hindi pagsipot ni Nicole sa mga date nila. I know I'm selfish but I'm happy. Sa wakas nakuha ko narin ang gusto ko kahit na alam kong pinagsasabay kami ni Nicole. We kept our relationship a secret. But who cares anyway? Mahal mo naman, diba? I don't know if I should thank Cloud because of what Nicole and I have right now.