Decision
Cloud's POV
Hindi pa man natatapos yung party ni Kean, nagdesisyon akong umuwi na. Naging lutang ako sa mga oras magmula nang kinausap ako ni PJ. Hindi nawala sa isip ko ang bawat salitang sinabi nya. I was right all along. May gusto nga sya kay Tammy. And he's right. I'm always mad at him whenever he's near her.
Was that even a jealousy? I don't know.
Sa ngayon, nasa malawak na hardin ako ng bahay namin. Dama ko ang lamig ng simoy ng hangin habang pinapanuod ang video na binayaran ko ng limang libo kay Calvin. Sapph had that video pero alam kong hindi nya din ito ibibigay sakin kahit na Kuya pa nya ako. Ganun sila ka-close ni Tammy. Nagkakasundo sila sa lahat ng bagay.
Sa bawat linya ng kanta, parang gusto kong isipin na ako ang iniisip nya habang kinakanta nya iyon. I guess this is how she feels habang kinikimkim nya ang nararamdaman nya para sakin. But of all the men, bakit ba kasi ako ang nagustuhan nya?
At kung talagang mahal nya ako, bakit hindi nya sinabi? Natatakot din kaya sya na baka masira ang samahan namin kapag pumasok kami sa romantikong relasyon?
Napapatingala nalang ako sa kalangitan na puno ng mga kumikinang na bituin. Ganito siguro kakinang ang mga mata ko habang tinitingnan ko si Tamary. Sabi narin naman ni PJ.
"Cloud?"
Bumaba ang tingin sa taong tumawag sakin. Nakita ko si Dad na kakapasok lang ng gate. Kakauwi lang siguro nito galing sa trabaho.
"Dad." Tawag ko naman sa kanya.
Simula ng tumigil si Dad sa pag-aartista, nagsimula ito ng sarili nyang business. Naging maayos ang pagpapatakbo nito kaya lumago ito nang lumago.
"Anong ginagawa mo dito sa labas?" Tinanong ako nito habang naglalakad sya papalapit sakin.
"Nagpapahangin?" Hindi sigurado kong sagot. Hindi ito kumbinsido sa sagot ko kaya naupo sya sa aking tabi. Hindi ko na din napigilang sabihin ang totoo. "May iniisip lang ako, Dad."
"Mind if you share your thoughts? Baka makatulong ako." Ani Dad. Napangiti lang ako. At a time like this, alam kong si Dad lang ang makakatulong sakin.
"Dad.... Bakit ganun? Bakit ang gulo-gulo ng buhay?" Tanong ko sa kanya na pati sya naguluhan din.
"Paano naging magulo? Teka, love life ba 'to?"
Tumango ako. "Ba't ganun, Dad? Kapag nakilala mo ang isang tao, akala mo sya na yung mamahalin mo at magmamahal sa'yo ng totoo. But most of the couples broke up through different reasons. Why must we meet someone na hindi naman talaga para satin?" I bursted out all the thoughts in my mind.
"Son, listen to me. Lahat ng relasyon na napapagdaanan ng mga tao, plano yan lahat ng Diyos. Every relationships, even break ups, will made you realize of something important. An important lesson, I guess. Hindi naman porke sya na yung una mong nakilala, sya na yung makakasama mo habangbuhay. Sa case nyo ni Nicole, may dahilan kung bakit kinailangan nyong maghiwalay. Maybe God will give you someone better. Siguro yung espesyal talaga ang nirereserba nya para sa'yo." Paliwanag nito.
"Pero bakit kayo ni Mom? Si Mommy yung una mong nakilala, diba? Sya yung first and last love mo."
"Naghiwalay kami ng Mom mo nang mga panahong dinadala ka nya sa sinapupunan nya. I lost my memory that's why naging kami ng Tita Trixie mo. Yet, my love was still there. Gumawa ng paraan ang tadhana para bumalik kami sa isa't isa. Kapag kayo talaga ni Nicole, God will do everything to get you two back together. But if she's really not for you, you'll have to accept it. I'm sure you'll find love for someone else."