Chapter One

9.1K 199 4
                                    

Six years later...

Inilibot ko ang paningin ko ng makalabas ako nang sasakyan. Ngayon lang ulit ako nakatuntong dito. Finally! Nakauwi rin ng Pilipinas.

“Hoy gaga! Anong ginagawa mo d'yan? Feel na feel ang moment huh?! Habang ako rito nahihirapan na dahil sa bwiset na mga maletang 'to!”

Nabalik ako sa diwa ko nang marinig ko ang boses ni France o mas kilala sa tawag na Francesca.

“Hindi ko na 'yan kasalanan. 'Di naman kita inutusan na magdala ng sandamakmak na maleta. Ilang buwan lang naman tayo magbabakasyon dito sa Pilipinas at babalik din naman tayo kaagad doon sa Paris” sumbat ko.

“Kesa bungangaan mo ako d'yan mabuti pang tulungan mo ako rito!”

“Tumahimik ka nga Bakla! Baka nakalimutan mo kung sino ako?”

Tinaasan ko siya ng kilay. Nameywang ako sakanyang harap.

“Paano ko naman makakalimutan kung sino ka, my dearest friend. Ikaw lang naman 'yong babaeng gaga slash nagpakatanga sa isang laki!”

Nang dahil sa sinabi ni Francesca nanumbalik sa'kin ang lahat ng mga alaala ko sa nakaraan. Wala sa plano ko na bumalik nang Pilipinas dahil alam kung 'di maiiwasan na magtagpo ulit ang landas namin, nang taong kinamumuhian ko. Kung 'di lang siguro ako pinilit ni Bakla na umuwi rito 'di na siguro ako babalik ng Pilipinas.

Nabalik ulit ako sa'king ulirat nang singhalan ako ni Bakla. Sobrang ingay talaga ng bunganga ng taong 'to.

“Ano pang tinutulala mo r'yan, Gaga?! Tulungan mo ako rito para makapagpahinga na ako! Bilis!”

“Opo mahal na prinsipe. Kung makautos ang isang 'to hmp!”

“I'm not prinsipe, I'm prinsesa!” reklamo niya. 

Inirapan ko siya dahil sa kaartehan niya.

“Tumahimik ka, Bakla!” pagsaway ko. Ngumuso siya na parang isang bata dahil sa ginawa ko.

Bago palang kami bumili ni Francesca ng isang condominium. Doon namin balak magstay habang nagbabakasyon pa kami rito sa Pilipinas.

Nakarating na kami sa Condo na bagong bili namin. Pagkapasok ko sa'king kwarto ay pagod kong ibinagsak ang aking katawan sa kama.

Salamat naman at makakapagpahinga na rin ako!

Matagal ang panahon na rin ang lumipas bago ako nakatuntong ulit dito sa Pilipinas. Iginulgol ko ang lahat ng panahon ko sa trabaho roon sa paris. Gusto ko kasing makapag ipon at magsimula ng bagong buhay.

Nakatulala ako sa kisame. Nagmuni muni muna ako sandali. Lumipas ang ilang minuto mabuti nalang at dinapuan ako nang antok, bumigat ang talukip ng aking mata, unti unti rin pumipikit ang mata ko. Napadilat ako dahil sa isang ungol ng babae na nagmumula katabi lang namin na condominium.

Mahina akong napamura sa'king isipan. Napatingin ako sa orasan na nasa lamesa na katabi lang ng aking kama. Bakit sa oras pa na 'to nila naisipan na gawin ang—Nevermind! Malapit nang mag 1:00 A.M huh?!

Itinakip ko 'yong unan sa'king tenga nang marinig ko ulit 'yong ungol. Napasigaw nalang ako dahil sa frustration. Nang lumipas ang ilang minuto hindi pa tumigil ang ungol ay tumayo ako at nagsuot ng robe. Lumabas ako sa'king silid.

Siguro tulog na si Bakla!

Pinuntahan ko 'yong katabi naming condo. Hindi ko tinantanan ang kanilang doorbell. Halos masira ko na nga dahil sa kadodoorbell pero wala akong paki dahil kasalanan ng mga taong 'to kung bakit masisira ang doorbell nila. Tumigil lang ako ng may magbukas ng pinto.

Sisinghalan ko na sana 'yong tao na 'yon pero halos maestatwa ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang kanyang mukha.

So s'ya pala? Sino naman 'yong babaeng sobra kung makaungol?

“Babe, sino 'yan?” narinig kong tanong ng isang boses babae.

Kumulo ang dugo ko nang marinig ko ulit ang boses na 'yon. Same woman huh? Hindi pa ba nalalaspag 'yong babaeng 'yon sa kakatalik nila?

“Anong kailangan mo?” malamig na tanong ni Carl. Wala akong kahit isang emosyon na nakita sa mga mata niya.

Maraming nagbago sakanya, mas lumamig ang kanyang mga mata, mas naging mauwtoridad din ang kanyang boses at mas lalong kumisig ang katawan.

“Tapos kanang pagnasaan ako?”

Tumaas ang aking kilay dahil sakanyang sinabi. What the f*ck?

Hindi ko na lang siya pinatulan at dumiretso nalang ako kung ano talaga ang pakay kung bakit ako nandirito.

“Pakisabi nga riyan sa babae mo na, STOP MOANING LIKE A SL*T nakakaistorbo kasi siya ng tao. Kung pwede lang din pasakan mo nang kahit na anong bagay ang bibig niya para tumahimik naman siya! Iyon lang ang masasabi ko”

Mataray kong tinignan si Carl para itago ang totoo kong nararamdaman sa mga oras na 'to. Sobrang bilis kasi ng tibok ng puso ko. Para na nga akong aatakihin dito e.

Inirapan ko siya bago tinalikuran. Nilingon ko ulit siya bago ako pumasok sa condo at sakto namang sumilip 'yong babaeng kinamumuhian ko sa balat ng universe.

I hate seeing that b*tch face

Pagkaupo ko sa kama ay napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko inexpect na sa unang araw ko rito sa Pilipinas ay makikita ko siya pati na rin 'yong babae niya.

Iwinaksi ko na lamang ang iniisip ko. Humiga na ako. Mabuti nalang wala na 'yong ingay kung hindi baka nagpatapon na ako ng isang granada sa condo nila. Makakatulog na rin ako ng maayos sa wakas.

Love Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon