Late na akong natulog kagabi kaya hindi maganda ang gising ko. Okay na rin iyon atleast nagawa ko pang makatulog kahit four hours lang ang tulog ko. Kainis kasi ang Carl na iyon ba't pa kasi tumawag iyon tuloy 'di ako nakatulog ng maayos.
Oh ba't mo naman sinisisi ang isang 'yon?tanong ng isip ko.
“Siya naman talaga ang may kasalanan e.” Pag uusap ko sa sarili ko.
Bumangon na ako galing pagkakahiga sa kama. Nagstretching muna ako saglit bago ginawa ang dapat gawin.
I'll go out for a jog kaya nagsuot ako ng damit na pangjogging. Pagkatapos kong magsuot ng sapatos ay naglakad ako patungong full length mirror para tignan ang sarili ko. Nang makontento na ako sa ayos ko ay lumabas na ako ng condo.
Inilagay ko muna ang dala kong airpods sa magkabila kong tainga bago nagsimulang tumakbo. Nakatuon lang ang atensiyon ko sa tinatakbuhan ko ng may biglang humarang sa akin.
Nagtaas ako ng paningin para tignan ang mukha ng taong humarang sa akin. Napataas na lamang ako ng kilay ng makita ko na ang pagmumukha n'ya. Sinuyod ko siya ng tingin paa hanggang ulo. Napabuntong hininga na lamang ako. Mukhang mas lalo pang masisira ang araw ko dahil sa taong ito. Letse naman oh!
Nang magtama ang paningin namin binigyan ko lamang s'ya ng isang walang ganang tingin. Gusto siguro ng isang malakas na sampal ang babaeng ito para matauhan naman siya at tumigil.
Pinatay ko ang music na pinakinggan ko para marinig ang kanyang sinasabi.
“Ows! What a coincidence. Nagkita na naman tayo well, long time no see.” Mapang-asar niyang wika.
Napataas ang gilid ng nguso ko. Hindi na ako magugulat pa kung gagawa na naman ito ng iskandalo dito ikaw ba naman ay isang attention seeker at bruhang kulang sa pansin malamang iyon din ang gagawin mo.
“O? Ba't di ka nagsasalita?” She said in a sarcastic tone. Mas lalong tumaas ang kilay ko.
“Magsasayang lang ako ng laway kapag ikaw ang kausap ko kasi nonsense lang naman lahat ng lumalabas sa bibig mo kaya— nevermind.” Walang gana kong sabi. Nang 'di siya umimik nagsalita ulit ako. “If you don't mind may I go now?”
Binigyan niya ako ng nagtatakang tanong. Hindi ko siya hinintay na sumagot dahil parang wala naman siyang balak na sagutin ako. Nagsimula ulit akong tumakbo pero natigil ulit ako ng marinig ko ang kanyang sinabi.
“Matanong lang kita. Kamusta na pala kayo ng asawa mo? Ay mali. Correction lang, soon to be ex husband pala.” Naririndi na ako sa boses ng babaeng ito. “Alam mo bang nagkita kami kahapon?”
What is her purpose? Ba't niya sinasabi sa akin ito? Is she trying to make me jealous? Or gusto niyang magkagalit ulit kami ni Carl? Or let say both.
Kung ganoon nagtagumpay siya sa part na pagselosin ako pero hindi ko hahayaang mahalata niya na nagseselos nga ako.
Mariin akong napapikit. Dumilat ako at humingang malalim. Nilingon ko siya nang magtama ang paningin naming dalawa binigyan ko siya ng malamig na titig.
“Really? Okay, ito lang masasabi ko tungkol diyan.” I gave her a sarcastic smile. Naglakad ako palapit sakanya nang makalapit na ako sakanya at ilang inches na lamang ang layo naming dalawa inilapit ko ang aking bibig sa tainga niya para bumulong.
“Pakihanap ng paki ko.” Matigas kong bulong sakanya. Lumayo ako sakanya ng kaunti.
“Kung gusto mo talaga si Carl edi kuhanin mo. Kahit isaksak mo pa siya riyan sa baga mo wala pa rin akong pakialam.” Inirapan ko siya at pagkatapos ay tinalikuran.
BINABASA MO ANG
Love Me Back
RomanceMasaya ang relasyon nila Krystal Cortes at Drake Carl Villanueva nang nasa college pa lang sila. Pero biglang nagbago si Carl nang magpakasal silang dalawa pero sa kabila ng lahat hindi niya magawang iwan ito. Kahit saktan siya ng paulit ulit nito...