Chapter Eleven

3.5K 79 2
                                    

Carl's Point of View.

It's 12:00 A.M already and I'm still here sa condo ni Krystal. Hindi ako umuwi ng condo ko dahil gusto ko pang manatili dito at ang dahilan ay gusto kong makasama ng matagal si Krystal. Kung pwede lang sana dito nalang ako tumira.

Tulog na siguro 'yon?

Nanuod muna kami saglit ng movie pagkatapos naming kumain kanina. Pagkatapos nun ay nagpaalam na siya sa'kin na matutulog na raw siya kaya heto naiwan akong mag isa rito sa sala.

Hindi ako dinadapuan ng antok dahil na rin siguro sa dami ng iniisip ko. 'Di ko maiwasan na isipin 'yong mga ginawa ko noon at pagsisihan, kung pwede lang sanang ibalik ang oras.

May isang rason ako kung bakit ko 'yon nagawa kay Krystal pero alam ko sa sarili ko na mali pa rin 'yong nagawa ko kahit bali baliktarin man ang mundo.

Humiga ako galing sa pagkakaupo nagbabakasakaling makatulog na ako. Pinilit kong matulog pero heto dilat na dilat pa rin ang mga mata ko at gising na gising pa rin ang diwa ko. Iniba ko na 'yong posisyon ko pero wala pa rin.

Napaupo nalang ako dahil sa inis.

"Damn,"

Inis kong ginulo ang buhok ko.

Tumayo ako at nagtungo sa silid ni Krystal. Pinagsabihan niya ako kanina na 'wag pumasok sa kanyang kwarto pero hindi ko mapigilan ang aking sarili. Gusto ko lang silayan 'yong mala-anghel niyang mukha baka pagkatapos neto makatulog na ako.

Nakarating na ako sa tapat ng pintuan ng kanyang kwarto. Dahan dahan kong pinihit ang doorknob para di makagawa ng anumang ingay. Mabuti nalang at hindi naka lock ang pintuan ng kanyang kwarto. Nang makapasok na ako ay dahan dahan akong naglakad papuntang kama niya. Tahimik akong umupo sa gilid ng kanyang kama.

Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanyang mukha. Hinding hindi ako magsasawang tignan ang mukha ng babaeng 'to kahit buong araw ko man siyang tignan sa mukha.

I realize something.

Narealize ko kung gaano ako kagago para saktan ang isang katulad niya. Nagpakain kasi ako sa galit.

Kaya kong maghintay ng ilang buwan o taon pa man 'yan para lang mapatawad mo ako. Gagawin ko ang lahat lahat para lang bumalik ka sa'kin. Mahal na mahal kita, Krystal.

Hinalikan ko siya sa bawat parte ng kanyang mukha: sa ilong, pisnge, noo, baba at labi.

“Mahal na mahal kita, Krystal. Maghihintay ako kung kailan ka handa na at kung kailan kaya mo na akong mahalin muli.”

Hinalikan ko siya sa noo bago napagdesisyunan na lumabas na sa kanyang kwarto. Bumalik na ako sa sala at pumuntang couch.

Krystal's Point of View.

Gusto ko sanang matulog ng matagal kaso itong si Carl napakakulit kaya napilitan tuloy akong gumising. Hindi ko maintindihan ang isang 'yon ang hilig mang asar kay aga aga.

Nagugutom na daw siya kaya niya ako ginising. Ewan ko sa lalaking 'yon, marunong namang magluto pero ba't ako ang paglulutuin niya? Sa totoo nga n'yan e mas masarap siyang magluto kesa sakin.

Pumunta muna ako sa banyo para maghilamos at magsipilyo. Pagkatapos kong magsuklay ay bumaba na ako. Pumunta muna ako sa sala para tignan kung nandoon ba si Carl, tatanungin ko lang sana kung ano ang ipapaluto niya pero wala siya roon kaya dumiretso na akong kusina.

Kahit ano nalang siguro!

Pagkarating ko ng kusina ay naabutan ko si Carl na nagluluto. Napanganga ako ng makita ko ang itsura niya. Topless siya habang naka apron. Pero agad rin namang akong nakabawi sa reaction ko.

“Anong na naman 'tong trip mo, Carl? Ginising mo pa ako ng maaga para palutoin tas gan'to? Ginagago mo ba ako?”

Napalingon siya sa'kin. Tinaasan ko siya ng kilay at pinaymewangan. Agad din n'yang binalik ang kanyang paningin sa niluluto niya.

“Sagutin mo'ko!” inis kong singhal ng 'di niya ako pinansin.

“Naglalambing lang eh,” narinig kong mahina niyang bulong.

Pinatay niya yung stove at lumapit sa'kin. Nabigla ako ng bigla n'ya kong hinalikan sa labi ng walang paalam. Nanlaki ang mga mata ko. Naramdaman ko rin ang pag init ng pisnge ko.

“A-Ano 'yong ginawa mo?” wala sa sariling tanong ko.

Ngumisi siya sa'kin. Habang ako ay nakatulala lang sakanyang mukha

“Hinalikan ka,” straight to the point niyang sagot.

Nagulat ako ng bigla akong niyugyog sa balikat ni Carl. 'Di ko napansin na nilipad na pala ako ng sarili kong isipan.

“Let's eat,” aniya.

Tumango ako sakanya bilang sagot. Nauna ako papuntang lamesa para ihanda 'yong plato, kutsara etc. sakto namang pagkatapos ko ay tapos narin si Carl sakanyang ginagawa ko.

“Kain na tayo!” sabi ko.

Nagdasal muna kaming dalawa bago nagsimulang kumain. Tahimik lang kami habang kumakain. Kanina ko pa napapansin si Carl na sulyap ng sulyap sa'kin pero hinyaan ko na lamang siya. Napatingin ako sakanya kaya nagtama ang paningin naming dalawa.

“Carl, may tanong ako” pagbasag ko ng katahimikan.

“What is it, Honey?”

“Noong una tayong magkita magkasama pa kayo nung babae mo—” pinutol ko muna 'yong sasabihin ko pagkirot ng aking puso. “May nangyari pa nga sa'nyo nung time na 'yon tapos kinabukasan nun ay nagbar ako tas bigla ka nalang sumulpot at pinigilan ako, may sinabi ka rin sa'kin nun na nakakapaglito sa'kin. Ano nga ba talaga ang totoo, Carl? Pinaglalaruan mo nga lang ba ako?”

“Hindi,” diretsang sagot niya. Nangilid ang mga luha ko.

“P-Pero ba't ganun? Pakiramdam ko pinaglalaruan mo lang ako. 'Di ko na maintindihan, Carl”

Napabitaw na lamang ako sa pagkakapit sa kubyertos. Di ko na mapigilan ang aking sarili tuluyan na nga akong napaiyak.

Tumayo siya at umupo sa katabi kong upuan. Pinaharap niya ako sakanya.

“Look at me, Honey” napatingin ako sakanya. “I'm sorry kung ganyan ang naiisip mo. Yes, aaminin ko na noong una tayong nagkita pumasok sa isip ko na maghigante sa ginawa mong pag iwan sa'kin pero nawala na 'yon sa isipan ko ng mapagtanto kong totoong mahal talaga kita. Gusto kong huminge ng patawad sa'yo ng paulit ulit at hindi ako magsasawang gawin 'yong hanggang sa mapatawad mo ako.”

Mas lalong nag uunahan 'yong mga luha ko. Mahina na lamang akong napahikbi.

Pinunasan niya ang aking mga luha gamit ang kanyang hintuturo. Napapikit ako ng halikan niya ako sa mata.

“Hindi ko gustong makita kang umiiyak” wika niya.

“Huwag ka nang umiyak, Honey. Please? Kain nalang tayo, please?” parang batang dagdag niya pa.

Mahina na lamang akong napabuntong. Sana nga totoo 'yang sinasabi mo. Sana nga totoo na 'di mo ako pinaglalaruan dahil ayaw ko nang masaktan ulit.

Love Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon