Sabay kaming naupo ni Francya at Luke sa sofa. Kakatapos lang naming kumain. Dinala ko ulit sila dito sa living room at bago kami kumain kanina ay tinour ko muna sila rito sa mansion. Sa tingin ko ay nabusog naman sila. Sino ba naman kasi ang 'di mabubusog kung ang lahat ng putaheng nasa harapan nila kanina ay ang mga paborito nilang dalawa.
Nasa katabing sofa nila ako nakaupo. Sila namang dalawa ay magkatabi. Tinignan ko sila at tinaasan ng kilay.
“Ipaalala ko lang sa inyo na 'di ko nakalimutan ang ginawa niyong kalakohan sa 'kin kanina. Ikuwento niyo nga kung paano niyo nakilala ang isa't isa,” ani ko.
Naunang nagbukas si Luke sa kanyang bibig pero 'di siya hinayaang magsalita ni Francya. Tinakpan ni Francya ang bibig ni Luke gamit ang index finger nito. Hinayaan na lamang ni Luke si Francya at piniling manahimik.
Mahina akong natawa nang napansin ko ang palihim na pag-irap ni Luke. Maattitude laban sa maattitude, susme ko. Sa tingin ko may nanalo na. At iyon si Bakla, nga naman walang makakatalo sa maattitude na 'yan. Except na lang siguro sa 'kin, pero hindi ako maattitude ah, hindi tulad ng dalawang iyan.
“Ako na ang magkukuwento sa 'yo.” Insist ni Francya. Tinignan niya si Luke. “Kaya easy ka lang diyan Luke. Sa japan ko unang nakita si Luke, diba roon siya nagtatrabaho sa Tokyo Japan?” I nodded.
Parehong kami ni Luke na tahimik na nakikinig kay Francya. Napapansin kong pasulyap sulyap si Luke direksiyon ko pero binaliwala ko lamang iyon. Itinuon ko ang buong atensiyon ko kay Francya
“Like what you did when we met, he also help me. Dahil makulit akong nilalang hindi ko siya tinigilan sa pangungulit. Gusto ko kasing makipag kaibigan sa kanya para pasalamatan siya. Pero hindi lang 'yon ang rason, dahil gwapo rin siya.”
Napatingin ako kay Luke. Natatawang umiiling siya habang nakikinig sa kuwento ni Francya. Hindi ako makikipagtalo sa sinabi ni Francya na gwapo si Luke, totoo naman kasi. Madami ngang naiinlove riyan sa pinsan ko pero 'di ko alam kung nagkajowa naba ang isang 'yan o hindi pa.
“Alam mo bang sobrang hirap ng dinanas ko para lang maging kaibigan ang isang 'yan?!
Para siyang tigre dahil sa sobrang hirap paamohin, ang masaklap pa ay hindi man lang ngumingiti ang tao na 'yan.” Umiirap siya habang nagkukuwento.Natatawa na lang ako dahil automatic na naging shower ang bibig ni Francya. Dahil sa sobrang excited niya pati ang kanyang laway ay nakisama na. Mabuti na lang talaga at mabango ang hininga ng isang 'to kung hindi, nako, nako!
“Pero naging masaya naman ako sa resulta, dahil nagtagumpay akong kaibiganin siya at ngumingiti na rin siya sa 'kin ngayon,” pagpapatuloy niya.
Napasimangot na lang ako nang tapos nang magkuwento si Francya. Hindi ko alam pero naiinis ako sa Lokong Luke na 'to. Kasi naman, hindi man lang iyan ngumingiti sa akin. Tapos, minsan, mapapaisip na lang din ako kung magpinsan ba talaga kami. Baka sila talaga ni Francya ang magpinsan kasi parehong maattitude. Nakakagigil ang kumag na 'to.
“Umamin ka nga sa 'kin Luke, may galit ka sa 'kin, noh?” Pinangsikitan ko siya ng mata pero iniwasan lang ako ng tingin at inirapan. Ito talagang shokoy na ito. Kay Francya na nga lang ako makikipag usap.
“Paano ka naman napunta sa Japan?” tanong ko kay Francya.
“Baka nakakalimutan mong mahilig akong magtravel?” Napakibit balikat na lang ako. Mahilig talagang magtravel ang tao na iyan pero ang rason niya talaga ay hanapin ang magiging forever kuno niya. Sabi ko nga sa kanya itry niyang pumunta ng ibang planeta baka nandoon talaga ang forever niya. Mas maganda iyon kasi magkakaintindihan sila ng mahahanap niyang forever doon.
BINABASA MO ANG
Love Me Back
RomanceMasaya ang relasyon nila Krystal Cortes at Drake Carl Villanueva nang nasa college pa lang sila. Pero biglang nagbago si Carl nang magpakasal silang dalawa pero sa kabila ng lahat hindi niya magawang iwan ito. Kahit saktan siya ng paulit ulit nito...