Sobrang bilis ng takbo ng panahon. Hindi namin napansin ni Francya na isang linggo na pala ang lumipas simula ng umuwi kami ng Pilipinas.
"Bilisan mo diyan!" galit na singhal niya sa akin. Hindi ko 'yon pinansin at pinagpatuloy lamang ang aking ginagawa.
Naghihintay sa'kin si Bakla sa labas ng aking silid. Hindi pa kasi ako tapos mag-ayos. Sasamahan ko kasi siya papuntang airport. Lilipad siya papuntang London, may importante lang daw siyang gagawin.
Kanina pa iyon singhal nang singhal. Bakit sobrang bagal ko raw magbihis. Nababagot na siguro kakahintay sa'kin si Francya.
Pagkatapos kong makapag ayos ay lumabas na ako. Nakabusangot na mukha niya ang nadatnan ko paglabas ko.
"Tapos ka na?!"
Nakataas ang kanyang mga kilay. Hindi ko siya sinagot bagkus ngumuso lamang ako sakanya.
"Baka ikaw pa ang magiging dahilan kung bakit madedelay 'yong flight ko. Ikaw na siguro ang reyna ng kabagalan"
Mas lalong humaba ang nguso ko. Ba't ba?! Gusto ko lang naman maging kaaya-aya sa mata ng mga tao.
Dumiretso kami sa parking lot. Kotse ko ang gagamitin namin papuntang airport. Ako din ang magmamaneho. Utos kasi ni Madame Francya.
Tahimik lamang kaming dalawa sa biyahe. Nang nasa gitna kami ng trapik ay binasag ko ang katahimikan na namamagitan sa'min..
"Magtatagal ka ba roon?" pagbabasag ko sa katahimikan. Sinulyapan ko siya. Busy ito sa pagkakalikot sa kanyang cellphone.
"Hindi ko rin alam. Depende rin kasi sa ipapagawa sa'kin"
"Okay"
Balik ulit kami sa tahimik. Hanggang marating namin ang airport ay tahimik lamang kaming dalawa. Nang makapasok na kami ay nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Francya.
"Mamimiss kita ng sobra. Huwag kang magpapalipas ng gutom. At pagbalik ko, ipakilala mo na ako sa asawa mo"
Natawa naman ako sa huli niyang sinabi. Gusto niya talagang makilala iyong asawa ko. Tinanguan ko lang siya. Kumawala na siya sa pagkakayakap sa akin. Umakto pa siyang pinapahid ang kanyang invisible na luha.
"O.A mo talaga! Doon kana, baka di ka pa makaabot at maiwan ka"
"Fine! Bye!"
Nagsimula na siyang lumayo. Bago siya tuluyan maglaho sa paningin ko ay kumaway muna siya sa'kin. Nang mawala na ng tuluyan si Francya ay nakaramdam ako ng lungkot dahil ako nalang ang mag isa. Magiging okay lang naman siguro ang lahat kahit ako lang mag isa. Umuwi na ako sa condo.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Pagkatapos kong maligo naghanda muna ako ng breakfast ko bago magbihis. Balak ko kasing magjogging ngayon. Hindi nadin kasi ako nakapag exercise this past weeks.
Doon lang siguro ako sa malapit na park tatakbo. May malapit lang kasi na park dito at ayaw ko rin namang lumayo. Bakit pa ako lalayo kung may malapit naman, diba?
Pagkarating ko sa park ay nagsimula na akong tumakbo. Hindi ko ininda ang init. Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa mapagod ako kaya nagpahinga muna ako saglit sa isang bench. Ininom ko 'yong tubig na dala ko.
Habang nakaupo sa bench ay may nakita akong isang pamilya na nagtatawanan kaya nakaramdam ako ng inggit bigla. Kung minahal lang siguro ako ni Carl noon, siguro ganyan din kami ngayon.
Napapikit ako dahil sa aking naisip. Iwinaksi ko na lamang ang nasa aking isipan.
"Ano ba naman 'yong naiisip ko?" parang baliw na tanong ko sa aking sarili.
"Huwag kanang mag expect, Krytsal. Dahil kahit kailan walang pamilyang mabubuo sa inyong dalawa ni Carl." pagkakausap ko sa'king sarili."Hays! Nababaliw na ako!"
Tumayo ako sa pagkakaupo at nagsimulang tumakbo ulit. Hindi nagtagal ay huminto ako sa pagtakbo at naisipang umuwi na. Tinatahak ko ang daan pauwi sa condominium ng may makita akong isang swing kaya napatigil ako sa paglalakad.
I remeber something or someone.
Lumapit ako sa swing na aking nakita at umupo doon. Gilanaw ko ang swing at napangiti ako. Parang bumalik ulit ako sa pagkabata. Nagsimulang bumabalik sa'kin iyong alaala sa nakaraan.
Galing ako sa grocery store at papauwi na sana ako ng may makita akong isang swing. Kaya lumapit ako roon sa pinaglalagyan ng swing at umupo. Hindi ko na napansin ang oras dahil nag enjoy ako kapapanuod sa mga batang masayang nagtatakbuhan.
Siguro someday magkakaanak din kami ni Carl. Hindi man ngayon pero may panahon na mangyayari 'yon.
Napatingin ako sa aking wristwatch para tignan kung anong oras na.
Patay! Hindi ko napansin na natagalan na pala ako dito. Nakalimutan ko kasi 'yong oras. Siguro dumating na si Carl?
Tumayo ako at kinuha iyong pinamili ko. Halos takbuhin ko ang daan patungo sa amin makauwi lang ako. Nang makarating ako ay tinignan ko kaagad ang backyard namin kung nandoon na ba ang sasakyan ni Carl at pasalamat ko na wala pa.
Pagbukas ko ng pinto ng aming bahay ay nabitawan ko ang pinamili ko ng makita ko si Carl na nakatayo malapit sa pinto. Sobrang galit niya habang nakatingin sa akin.
"Saan ka nanggaling?!" malamig niyang tanong.
"B-Bumili lang a-ako... I mean pumunta a-akong grocery s-store...Wala na kasi tayong stock." nagkandautal utal kong paliwanag. Sobrang kinakabahan kasi ako dahil sa awra ngayon ng asawa ko.
"Wag kang magsinungaling sa'kin! Baka may kinikita ka ng ibang lalaki?! Hindi mo lang maamin!" galit niyang singhal. Bigla naman akong nagtaka dahil sakanyang mga sinabi.
"Huh? Hindi ako nagsisinungaling, Carl! At anong lalaki?! Kahit kailan wala akong ibang minahal kundi ikaw, tas ngayon sasabihin mong may lalaki ako?"
Hindi ko na napansin na nataasan ko napala ng boses si Carl.
"Sinungaling ka talaga!"
Bigla niyang hinigit ang buhok ko.
"Aray ko, Carl! Nasasaktan ako! Bitawan mo nga ako!" pagpupumiglas ko ngunit hindi nakinig sa'kin si Carl.
Hindi ko maiwasan mapaluha dahil sa sobrang sakit. Parang makakalbo pa yata ako.
Kinaladkad ako ni Carl patungong labas. Nang makaladkad niya na ako sa labas ay marahas niya akong tinulak.
"Huwag kang pumasok ditong babae ka! Napakasinungaling mo!"
Pumasok na siya. Habang ako ay naiwan dito sa labas. Pinagsaraduhan pa niya ako ng pinto. Kumatok ako ng kumatok sa pinto hanggang sa mapagod ako kaya napaupo nalang ako sa sahig.
Hindi ako pinagbuksan ng pinto ng aking asawa hanggang sa umulan nalang. Hindi ko maiwasan umiyak dahil sa nangyari sa akin ngayon.
Nabalik ako sa aking diwa ng may isang batang lalaki na kumilabit sa'kin. Kumaway ito at ngumiti.
"Hello po, Ate!"
Napangiti naman ako. Sobrang cute naman ng batang 'to.
"Nasan 'yong parents mo?" tanong ko sa bata. Imbis na sagutin ako ay humahagikhik lamang siya. Bigla siyang tumakbo palayo.
Mabuti nalang talaga dumating 'yong batang 'yon kundi patuloy parin ako sa pag alala sa aking masakit na nakaraan.
BINABASA MO ANG
Love Me Back
RomanceMasaya ang relasyon nila Krystal Cortes at Drake Carl Villanueva nang nasa college pa lang sila. Pero biglang nagbago si Carl nang magpakasal silang dalawa pero sa kabila ng lahat hindi niya magawang iwan ito. Kahit saktan siya ng paulit ulit nito...