Nasa Starbucks ako ngayon. Hinihintay ko si Bakla na bumalik, umorder pa kasi siya. Habang naghihintay ay inaliw ko muna ang sarili ko, nagfacebook muna ako, pampalipas oras lang. Nakatuon lamang ang aking mga mata sa cellphone ko. Nang mapansin ko na pabalik na si Bakla ay itinigil ko muna ang pagfafacebook at umayos ng upo.
"Here's your order, Ma'am. Have a great day!" sabi ni Bakla sa sarkasmong boses. "Ginawa mo pa talaga akong waiter,"
Minsan talaga nakakabaliw intindihin ang baklang 'to. Siya 'yong nag insist na umorder tas ngayon magrereklamo.
Hindi na lamang ako umimik. Pinili ko na lamang tumahimik kesa makipagtalo sakanya. Baka kasi mahighblood ako ng wala sa oras, mahirap na!
Tinulungan ko siya sa kanyang mga dala. At nang maayos niya nang mailapag ang mga inorder niya ay umupo na siya.
"Baka nakalimutan mo, Gaga! May atraso ka pa sa'kin? Nasan na 'yong paliwanag na sinasabi mo?" nakahalukipkip niyang sabi.
"Oo na!"
Sinimulan ko nang ikuwento sa kanya ang mga nangyari kagabi. Pagkatapos ko ng maikuwento lahat ay nagulat nalang ako ng biglang tumili ng malakas si Bakla.
"Omyghad!"
Napatakip ako ng tenga.
"Gusto ko talagang makita 'yang asawa mo, gwapo ba siya? hot ba siya?"
"Ay landi mo" pabiro kong sabi sakanya. Bigla itong tumayo at nameywang.
"AY ANO KA BA! SINO BANG HINDI MAGIGING MALANDI KUNG SA GWAPO ANG PAG UUSAPAN!"
"Tigilan mo nga 'yang pagsisigaw mo, Bakla! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao..." suway ko kay Bakla.
Nagpalingon lingon siya sakanyang paligid. Bigla itong naglakad papalapit sa akin at umupo sa aking tabo. Dumikit siya sa tabi ko."Kaloka naman 'to!" aniya."Uwi nalang kaya tayo at magchikahan doon sa condo?" dugtong niya pa.
"Tumigil ka nga diyan. Kakadating lang natin dito, tas uuwi agad tayo? Nagsasayang kalang ng enerhiya kung ganoon"
"Hays pero gwapo ba talaga 'yang asawa mo?"
"Tumahimik ka nalang, Bakla. Tignan mo, hindi mo pa ginalaw iyang kape at cake mo. Baka lumamig na 'yang kape mo,"
"Okay, fine!"
Pagkatapos naming kumain doon sa Starbucks ay dumiretso kami sa isang boutique para bumili ng mga damit at pupunta pa kaming watson.
"Bagay 'to sayo te"
Ibinigay sa akin ni Bakla ang isang itim na dress na backless.
"Wag 'to. Expose masyado skin ko at isa pa ang eksi nito.."
"Parang sayo 'yan bagay, Bakla" pang aasar ko.
"Ayaw ko nga! Kahit bakla ako hate ko ang magsuot ng damit pambabae"
"Ay kalorka ka talaga, Bakla" sabi ko sabay tawa.
Iniwan ko muna sandali si Bakla para maglibot libot. Napatigil ako sa paglilibot ng may isang damit na nakakuha ng atensiyon ko.
Simple lamang ito pero sobrang eleganteng tignan. Nilapitan ko 'yong damit. Kukuhanin ko sana ng may isang kamay din na kinukuha 'yong damit.
Napatingin ako sa taong 'yon. Bigla akong nakaramdam ng pagkainis ng makilala ko kung sino ang taong ngayon ay balak na namang mang agaw.
"Hi, long time no see!" malamig kong sabi doon sa babaeng hindi ko makakalimutan ang pagmumukha.
Siya lang naman kasi iyong babaeng kas*x ng asawa ko. Siya din iyong taong trato sa akin isang basura, kaya oras na para siya naman ang pagmumukain kung basura.
"Who are you?" pagtatanong nito sa akin.
Nakataas ang kanyang mga kilay, hindi din naman ako nagpatalo. Tinaasan ko din siya ng aking kilay. Tumayo ako ng maayos.
Chest out, stomach in.
Sino ba siya para ipamukha sa akin na isa lamang akong basura? Kung nagawa niya noon ngayon hindi na.
"Amnesia ka, Girl? Hindi mo na agad ako naalala? Ano ka ba?! Ako lang 'to iyong asawa ng nilandi mo"
"O, the pathetic wife. Bakit nga pala naghanap ng iba 'yong asawa mo? Ay! Boring ka nga pala,"
Hindi ako nagpatinag sakanyang mga sinabi. Tumawa ako na parang isang demonyo.
"Atleast ako original. Hindi katulad mo na isang kabit!"
Nagpipigil lamang ako. Ang totoo niyan ay gusto ko na talagang suntukin siya sa mukha.
Biglang nag iba ang timpla ng kanyang mukha. Namula na din siya sa galit. Parang ano mang oras ay sasabog na siya.
Sasampalin na sana niya ako sa mukha ko ngunit napigilan ko ang kanyang kamay. Marahas kong binitiwan ang kamay niya.
"Attention seeker ka talaga e! Dito ka pa talaga gagawa ng skandalo? Hindi kita papatulan dahil ayaw kong madungisan ang pangalan ko ng dahil lang pumatol ako sa isang babaeng hindi ko naman kalevel"
"At isa pa subukan mong tangkaing sampalin ulit ako. Baka pag uwi mo durog na 'yang peke mong mukha"
"How dare you?!"
"O, ano? Wala ka nang ibang masabi? Common na 'yang english mo pakipalitan naman!" I said and smirk. "Makaalis na nga dito! Nagsasayang lang ako ng oras"
"Itong damit pala, muntik ko nang makalimutan" wika ko sa mataray na boses.
Itinapon ko sakanyang mukha 'yong damit. At sapol!
"Sa'yo nayan! Total mang aagaw ka naman. Baka kasi lumuhod ka pa sa harap ko habang nag mamakaawa na ibigay ko sa'yo 'yang damit!"
Tinalikuran ko siya. Naghairflip ako pagkatalikod ko. Sinadya ko talagang patamaan siya ng buhok sa mukha. Ngumisi ako ng matagumpay.
Serve you right, whore!
Binalikan ko si Bakla. Mabuti nalang at hindi pa ito tapos sa pagpili ng mga damit kundi pagbubunganga na naman niya ang maabutan ko.
"Saan ka nanggaling?" pagtatanong sa akin ni Bakla.
"Naghahanap ng malandi para patayin"
"Huh?" pagtataka niya.
"I mean, naghahanap lang ng damit"
"Okay"
"Tapos na ako. Tara punta na tayong cashier"
Pagkatapos bayaran ni Bakla ang kanyang pinamili ay dumiretso kami sa watson para bumili ng mask. Wala na kasi kaming stock ng mask doon sa condo, ubos na.
"Anong plano, pagkatapos nito?" tanong ko kay Bakla.
"Edi, umuwi sa condo. Para naman makapagpahinga tayo. Ano may balak ka pang mamasyal?"
Umiling ako bilang sagot sa tanong niya.
"Ganun naman pala. Tara na bayaran na natin 'to. Sobrang dami naman ng mga 'to!"
Napanguso ako. Ee, siya lang naman 'yong pumili ng lahat ng 'yon e.
"Bakla, mukhang uulan pa"
Tumingin si Bakla doon sa labas.
"Ay! Oo nga. Tara na bilisan na natin"
Umuwi na nga kami sa condominium. Mabuti nalang at hindi kami naabutan ng ulan.
BINABASA MO ANG
Love Me Back
Любовные романыMasaya ang relasyon nila Krystal Cortes at Drake Carl Villanueva nang nasa college pa lang sila. Pero biglang nagbago si Carl nang magpakasal silang dalawa pero sa kabila ng lahat hindi niya magawang iwan ito. Kahit saktan siya ng paulit ulit nito...