Napatalukbong ako sa comforter ng tumama ang liwanag ng araw sa mga mata ko. Sinong nagbukas ng kurtina sa pagkakaalam ko sinirado ko iyon kagabi. Ilang minuto akong nanatiling nakatalukbong sa comforter bago nagdesisyon na bumangon na.
Ginawa ko ang usual kong morning routine. Dumiretso ako sa banyo para maghilamos at magsipilyo. Inaantok pa akong naglalakad papuntang banyo.
Nang matapos na ako ay bumaba na ako at pumuntang kusina para makapagluto na ng umagahan. Sumasayaw at kumakantang bumababa ako sa hagdan. Kahit kulang ako ng tulog ay maganda pa rin ang mood ko.
“Hit me baby one more time!” Kanta ko.
Dapat maaga ako ngayong araw dahil marami pa akong gagawin. Mag iimpake pa ako ng mga damit ko. Sabi kasi sa akin kahapon ni Carl ay dapat makalipat na ako sa dating bahay namin bukas na bukas. Ngayon din ang araw kung kailan uuwi si Francya at ang baklang iyon inutusan akong sunduin siya sa airport mamayang alas tres ng hapon.
Umikot ako ng makababa na ako ng tuluyan sa hagdan. Patalon talon akong naglakad papuntang kusina. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat ng makita ko si Carl na prenteng nakahilig sa kitchen counter at diretsong nakatingin sa akin.
Wala siyang suot na pang itaas at tanging apron lamang ang kanyang suot niya na tumatabon sa kanyang malaman niyang six pack abs. Napatulon ako sa aking laway ng wala sa oras. Ba't may nakatabon pang apron? Charot lang.
“A-Anong g-ginagawa mo d-dito?” Nauutal kong tanong na tinawanan lamang niya.
Naglakad siya papalapit sa akin. Pumunta siya sa likod ko at hinawakan ang magkabila kong balikat. Mahina niya akong tinulak papuntang kitchen table. Hinayaan ko lamang siya at nagpatulak sa kanya.
“I cooked you a breakfast. Bago ako lumipad papuntang Japan gusto muna kitang maipagluto.” Napangiti ako.
“Salamat dahil nag-effort ka pa.” Tinignan ko ang mga putaheng inihanda niya.“It's all your favorite food.” Aniya.
Napangiwi ako ng mapagtanto kong sobrang dami pala ng kanyang niluto malamang hindi namin ito mauubos ng kami lang dalawa. Nang akmang uupo na ako para makakain na kaming dalawa ay pinigilan niya ako.
Nakakunot ang noong tinignan ko siya.“What's the matter?”
“Nasaan ang good morning kiss ko?” Sabi niya sabay nguso.
Nanlaki ang mga mata ko.
“H-Ha?” Wala sa sariling tanong ko.
Kunwari wala akong narinig. Umiling iling siya na may tunog na para bang may mali akong nagawa.
“Tsk.”Nabigla ako ng halikan niya ako. He doesn't mind at all when he just kissed me while my mouth is open. Paulit ulit niya akong hinalikan pero peck lamang ang halik niya mabuti na lang at kumalam ang tiyan ko kaya natauhan ako. Lumayo ako sa kanya.
“Abuso ka na ah!”
Tinawanan niya lamang ako. Umupo na kaming dalawa nagdasal muna kami bago nagsimulang kumain. Pagkatapos naming kumain ay agad nagpaalam si Carl na aalis na siya dahil alas diyes ng umaga ang flight niya.
Hindi niya ako pinayagan na samahan siya papuntang parking lot dahil ayaw niya raw akong mapagod kaya sa pinto ng condo ko na lamang siya hinatid.
“Goodbye, I love you.” Sabi niya sa malambing na boses.
“Take care, I love you too.”
Napapikit ako ng hinalikan niya ako sa aking noo. Naglakad na siya papaalis. Hindi ako aalia sa kinanatatayuan ko kung hindi pa siya mawawala sa paningin ko. Nilingon pa niya ako at kinawayan kaya kumaway rin ako pabalik sa kanya. Nang makapasok na siya sa elevator ay sinirado ko na ang pinto at pumasok sa loob.
Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding at alas nuwebe pa naman kaya mag-iimpake lang siguro muna ako. Madali lang akong natapos sa pag iimpake. Pumunta akong sala para manood ng movie mahaba pa naman ang oras ko. Mamayang alas tres ko pa susunduin si Bakla at mamayang gabi naman ako lilipat.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nanonood ng movie. Saktong alas dose ng tanghali ako nagising. Tumayo na ako galing sa pagkakahiga sa couch para makaligo na.
Maglalakad na sana ako papuntang banyo ng may biglang nag-doorbell. Sinilip ko sa peephole ang taong nag-doorbell pero wala naman akong nakitang tao. Siguro pinagtritripan lang ako ng kung sino. Maglalakad na sana ulit ako papuntang banyo ng may nag-doorbell ulit.
Sa pagkakataong iyon binuksan ko na ang pinto. Tinignan ko ang magkabilang hallway pero wala man lang akong nakitang kahit isang tao. Napatingin ako sa ibaba ng may bagay akong nabangga sa aking paanan. Mabuti na lang at hindi ko naapakan.
Nagsquat ako para tignang mabuti ang bagay na iyon. Isa itong maliit na basket na may nakatabong pulang tela sa loob at may puting sobre na nakapatong sa pulang tela.Kinuha ko iyong sobre at inilagay sa tabi ng basket. Tinanggal ko ang pulang tela at napasigaw na lamang ako dahil sa aking nakita. Isang pugot na ulo ng isang pusa. Napaatras ako sa takot natigil ako sa pag-atras ng maalala ko ang puting sobre. Naglakas loob akong kinuha ito sa tabi ng basket. Nanginginig ang mga kamay na binuksan ko ito. Isa iyong letter na walang nakalagay kung kanino galing.
It's my gift for you. Nasindak ka na ba sa maliit kong surpresa? Huwag muna dahil hindi pa riyan nagtatapos tumingin ka sa itaas.
Napatingin nga ako sa itaas ko at parang tumigil ang mundo ko ng biglang bumagsak ang pulang likod sa buong katawan ko. Napaiyak ako sa takot at kaba. Pinilit kong tumayo para tawagan si Carl kung hindi si Luke.
Nanginginig ang buo kong katawan na naglalakad papuntang kuwarto kahit sobrang hina ng tuhod ko ay pinilit kong makarating ng kuwarto. Hindi matigil ang luha ko sa kakatulo.
Agad kong kinontak ang numero ni Carl ng makuha ko na ang aking selpon. Mariin akong napapakit sa aking mata at tahimik na nagdadasal na sana ay sagutin niya ang tawag ko. Nakahinga ako ng maayos ng sinagot niya ang tawag ko.
“Ca—” Hindi ko natapos ang aking sasabihin ng hindi boses ni Carl ang narinig ko kundi boses ng isang babae. Alam na alam ko kung kaninong boses iyon. Para akong pinagsukloban ng langit at lupa sa oras na ito. Tinakpan ko ang aking bibig para pigilan ang paghikbi ko.
“Wasakin mo lang siya ulit Carl at wala na tayong problema. Puwede na tayong magsama ng walang kahit ano mang sagabal sa ating pagsasamahan. Dahil sa oras na mawasak mo na ulit siya ng pino ay ako mismo ang papatay sa kanya.”
“Babe, don't worry about that I can handle it. Hindi magtatagal mawawala rin sa mundong ito ang Krystal na iyon.”
Narinig ko pang naghalikan silang dalawa bago namatay ang tawag. No! No! No! Hindi totoo ang lahat ng ito. Isa lamang itong panaginip, diba?
Napahagulgol ako ng iyak. Ba't nangyayari sa akin ito? Hindi ko deserve lahat ng ito. Napatingin ako sa vase na nakadisplay sa desk na malapit sa aking kama na kinalalagyan din ng lampshade. Binasag ko ito. Kumuha ako ng isang basag na parte na naging matulis dahil sa pagkabiyak. Napapikit ako at hinawakan iyon gamit ang dalawa kong kamay. Unti unti ko itong itinaas.
Hindi ko alam kung anong ginagawa ko dahil sa mga oras na ito sobrang blanko ng isip ko. Ito na siguro ang huli kong araw. Itinarak ko iyon sa aking dibdib. Bumagsak ang aking katawan sa sahig.
“KRYSTAL!” Sigaw ng isang boses lalaki.
Nagawa ko pang idilat ang aking mga mata para tignan ang taong sumigaw bago ako malagutan ng hininga. Naramdaman kong tumulo isang butil na luha sa mata ko.
“L-Luke.” Iyon ang huling katagang lumabas sa bibig ko bago tuluyang dunilim ang aking paningin.
BINABASA MO ANG
Love Me Back
RomansMasaya ang relasyon nila Krystal Cortes at Drake Carl Villanueva nang nasa college pa lang sila. Pero biglang nagbago si Carl nang magpakasal silang dalawa pero sa kabila ng lahat hindi niya magawang iwan ito. Kahit saktan siya ng paulit ulit nito...