Chapter Five

5.8K 127 8
                                    

Nang hindi pa ako tuluyan nakalayo sa swing ay may biglang humatak sa aking braso. Bigla akong nakaramdam ng inis doon sa taong bigla bigla nalang nanghahatak. Nilingon ko ang taong 'yon.

Hindi agad ako nakapagsalita ng matitigan ko ang mukha ng taong humatak sa braso ko.

"Krystal,"

Pinagkunutan ko siya ng noo. Inirapan ko muna siya bago nagsalita.

"What do you want?" sabi ko sa malamig na boses. Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay binato niya din ako ng isang tanong.

"What are you doin here?"

"It's none of your business, Carl"

"Krystal, let's talk please!"

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa aking braso. Walang emosyon ko siyang tinignan sa mga mata. Nakita ko pa ang paglunok niya. Para siyang nasindak sa aking titig.

"Wala na tayong dapat pang pag-usapan, Carl. Klaro na ang lahat sa ating dalawa. Tinapos ko na ang namamagitan sa'tin. Oo, asawa pa kita pero sa papel lamang ang 'yon. Ano pa ba ang gusto mo?"

Nakita ko ang lungkot sa kanyang mata. Ngunit hindi ko 'yon binigyan ng pansin. Nakipagsukatan ako ng titig sakanya pero ako parin ang unang nag iwas ng tingin.

"Kahit kailan hindi ko ginusto na tapusin mo ang kung ano ang namamagitan sa ating dalawa. Aaminin kong naging gago ako, pero Krystal 'tong gagong 'to..." turo niya sakanyang sarili.

"Mahal ka nito! Hinihiling ko sa'yo ang isa pang pagkakataon. Para patunayan sa'yo ang pagmamahal ko at para pagbayaran ang mga kasalanan ko."

Sa sandaling 'to biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nanghina din ang mga tuhod ko pero pilit ko 'tong nilalabanan, gusto na ding tumulo ng luha ko pero akin itong pinigilan. Ayaw ko ng magpakita ng kahinaan sakanya kahit kailan.

"Ginugulo mo lang ang buhay ko, Carl! Oo, mahal kita, pero noon 'yon hindi na ngayon."

It's a lie. I know I still love him deep inside pero ayaw ko nang bumalik sa pagiging tanga at mahinang Krystal.

"I know, pero Krystal humihingi parin ako ng isa pang pagkakataon sa'yo hindi man siguradong babalik ka pa sa piling ko pero ang kapatawaran mo ay sapat na. Mahal kita Krystal at nirerespeto ko ang desisyon mo sa buhay. Pagnaibigay mo na ang isa pang pagkakataon sa'kin at hindi mo parin ako kayang patawarin. Sige! Hindi na kita guguluhin pa"

Ramdam ko ang lungkot sakanyang boses. Hindi ako umimik sakanyang sinabi, yumuko lamang ako. Ayaw ko siyang tignan sa mata baka kasi madala ako sa emosyon niya at masabi ko pang mahal ko parin siya.

"Gusto mo ng umuwi? Baka nilalamig kana," Pag iiba niya sa usapan. Napatingin ako sakanya ngunit ibinaba ko agad ang aking paningin ng magtama ang aming mata.

"Uuwi na ako," mahinang sabi ko. Lumapit ito sa'kin pero hindi gaanong kalapit.

"Sabay na tayo,"

Naramdaman ko ang paglagay niya ng jacket sa aking balikat. Hindi ako nagreact at hinayaan lang siya.

Nang maramdaman ko ang kanyang kamay na yumakap sa balikat ko ay napalayo ako ng kaunti. Hindi ako sanay sa ganito. Noong panahon na mag-asawa pa kami ay hindi niya ito ginawa sa'kin. Nandidiri nga siya kapag lumalapit ako sakanya.

Habang naglalakad kami patungong building ay napansin ko na maraming kababaihan na sumusulyap sakanya. Mapapatingin ka din talaga kay Carl dahil nakasleeveless lamang ito at sobrang bakat pa sa tiyan niya kaya kita ang abs doon.

Hanggang sa narating namin ang building ay wala ni isa sa amin ang nagsalita. Hanggang sa dumapo kami sa second floor ay tahimik lang kami.

Nang makita ko na ang pinto ng aking condo ay dali dali akomg naglakad patungo doon. Hindi ko siya nilingon sa aking likuran hanggan sa tuluyan na akong makapasok. Nakaramdam ako ng ginhawa ng masirado ko na pintuan. Napaupo ako sa sahig at napapikit. Nasapo ko ang aking noo.

'Anong nagawa kong katangahan?

Pinauuntog ko ang aking ulo sa pintuan. Tumigil lang ako ng mahilo ako. Tumayo ako.

"Makaligo na nga lang,"

Pumasok ako ng banyo. Hinanda ko na 'yong hot shower. Maybe it can relaxe my mind.

Nang matapos akong maligo ay dumiretso ako sa aking kwarto. Wala din naman akong gagawin siguro magpipinta nalang ako.

Hilig ko ang pagpinta simula ng bata ako. Ito nga ang naging inspirasyon kong makatapos ng pag aaral dahil gusto kong maging painter. Pero hindi ako nagtagumpay sa pangarap ko dahil hindi gusto ng mga magulang ko. Natigil ako sa pagpinta ng magpakasal kami ni Carl. Naalala ko pa ang sinabi niya sa akin noon ng makita niya akong magpinta.

"Wala na namang kwenta 'yang ginagawa mo! Kailan ka ba titigil sa pagpipinta mong 'yan? Hindi ka din naman uunlad diyan dahil sobrang pangit ng gawa mo."

Lubos akong nasaktan sakanyang mga salitang binitawan kaya nagdesisyon akong tumigil nalang sa pagpinta kahit labag sa kalooban ko. Wala din namang sumusupporta sa'kin, siguro tama sila na hindi ako nababagay sa pagpinta.

-------

A/N: Short update lang po tayo ngayon. Hindi ko kasi natupad 'yong sinabi ko kaya minadali ko na ngayon, sorry. Thank you din pala mga bituin for reading The Wife.

Love Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon