Hindi ko pa din nakalimutan ang nangyari kagabi. Mabuti nalang at nakatulog kaagad ako.
Nakaupo kami ngayon ni Bakla sa sofa. Nagmomovie marathon kami. Wala kasi kaming ibang magawa dito sa condo. Nakatuon ang aking mata sa malaking flat screen na nasa aming harapan habang sumusubo ng popcorn na binili ni Bakla, ganoon din si Bakla.
Nabaling ang paningin ko kay Bakla ng bigla itong magsalita.
"Nakakainip naman dito" pagrereklamo niya. Inismiran ko lamang siya at agad ibinalik ang aking paningin sa aming pinapanuod
"Punta kaya tayong bar?" pagsasalita niya ulit kaya muli na namang nabaling ang paningin ko sakanya.
"May gana kapa talagang pumunta ng Bar..." huminto muna ako at inirapan siya. "Sa pagkakatanda ko nung last tayong nagpunta ng bar may nakaaway ka," sarkasmo kong sinabi.
"Sa pagkakatanda ko din nasa Pilipinas tayo at wala sa States" pagbabara niya sa akin. Napabuntong hininga nalang ako. Wala din naman akong laban sakanya e.
"Okay fine" pagsuko ko.
Agad namang tumayo si Bakla. Pero bago siya umalis tinignan niya muna ako.
"Maliligo na muna ako. Para pagdating natin sa bar fresh na fresh ako. Sayang naman iyong lumalapit na baby boy's para lang masilayan ang kagandahan ko" pagmamalaki niya. Tinawanan ko lamang siya.
"Iyong mga lalaki pa talaga ang lalapit sa'yo? Sa pangit mong 'yan?" pagbibiro ko.
Hindi naman talaga pangit si Bakla, kung hindi mo siya kilala sigurado akong hindi mo siya mapagkakamalang bakla. Dahil sa kanyang pananamit at itsura. Gusto ko lang talaga siyang asarin.
"Infairness nahurt ako" naasar na sinabi ni Bakla sabay lakad paalis. Natawa nalang ako sa inakto ni Bakla.
Pumunta na din ako sa aking silid para makapaghanda na. Pagkatapos kong maligo ay naghanap ako ng masusuot. Lumabas na ako ng tapos na ako lahat.
Nakita ko si Bakla na nakaupo sa sofa at inip na inip na naghihintay. Napailing nalang ako. Pag talaga Bar na ang pupuntahan namin sobrang excited si Bakla.
"Bakit ang tagal mo?" pagtatanong nito sa akin ngunit hindi ko 'yon sinagot.
"Tara na nga" naiirita niyang sinabi sa akin.
Tumayo siya galing sa pagkakaupo at naunang naglakad palabas. Tahimik lamang akong sumunod sakanya. Agad kaming nakarating sa bar, iyong kotse ni Bakla ang ginamit namin. Nang pumasok na kami sa bar ay usok at amoy ng alak ang sumalubong sa amin. Pumuntang Bar Counter si Bakla habang ako ay nasa likod niya lang at nakasunod lamang sakanya.
"Bakla paalala ko lang sa'yo. Huwag kang magpakalasing dahil hindi kita bubuhatin papuntang sasakyan mas pipiliin ko pang iwan ka dito," sinabi ko sakanya ng makaupo na kami.
Inirapan niya ako ngunit hindi ko iyon pinansin.
"Sobrang killjoy mo talaga," sambit ni Bakla sa mahinang boses.
"Hindi ko kasalanan kung bakit mo ako sinama dito"
Hindi umimik si Bakla sa sinabi ko.
"Can I have one tequila, please?" baling ko doon sa bartender.
"Gusto mong sumayaw?" tanong sa akin ni Bakla. Inilingan ko siya bilang pagtanggi. Pumuntang dance floor si Bakla at nakikipagsayaw sa mga iba't ibang lalaki. Habang ako ay naiwang mag isa. Nakaupo lamang ako at nakatingin sa mga taong sumasayaw doon sa dance floor.
Nabaling ang atensiyon ko doon sa lalaking naglalakad papalapit sa inuupuan ko. Nangunot ang aking noo ng bigla itong tumabi sa akin at kinalabit ako.
"Long time no see, Krystal"
BINABASA MO ANG
Love Me Back
RomanceMasaya ang relasyon nila Krystal Cortes at Drake Carl Villanueva nang nasa college pa lang sila. Pero biglang nagbago si Carl nang magpakasal silang dalawa pero sa kabila ng lahat hindi niya magawang iwan ito. Kahit saktan siya ng paulit ulit nito...