Chapter Eighteen

2.6K 59 5
                                    

Hinahabol ang aking hininga at pinagpawisan akong napabangon sa kama. Napahawak ako sa 'king dibdib at pinikit nang mariin ang aking mga mata. Ramdam na ramdam ko ang sobrang lakas na pagtibok ng puso ko.
Nang maayos na ang paghinga ko ay tumayo ako at naglakad papuntang banyo para  makapaghilamos. Natigil ako sa paghuhugas ng aking mukha at napatingin sa 'king repleksiyon sa salamin. Mahina akong napabuntong hininga.

Hind ko alam pero kinakabahan ako sa panaginip na 'yon. Sa palagay ko kasi may mangyayaring hindi maganda, pero sana naman wala. Ayaw ko na maulit ang noon. Isa lang 'yong panaginip, kaya 'wag mo masiyadong isipin ang tungkol doon, Krystal.

Ilang minuto rin akong nakatulala dahil sa mga bagay na tumatakbo sa isipan ko. Sumasakit na tuloy ang ulo ko. Mahina kong iniling ang aking ulo. Nang makabalik na ako sa 'king diwa ay pinagpatuloy ko ang paghihilamos. Pagkatapos kong maghilamos at magsipilyo ay kinuha ko ang tuwalya na nakasabit sa gilid ng balikat ko. Pinunasan ko na ang basa kong mukha at bumalik na sa loob ng kuwarto.

Kinuha ko ang selpon ko na nakalagay sa gilid ng unan. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding. Ngayon ko lang napansin na mahaba pala ang oras na tinulog ko. Saktong pagkahawak ko sa selpon ay biglang tumawag si Francya. Sinagot ko ito.

“Nasaan ka na bang gaga ka?! Kanina pa 'ko naghihintay sa 'yo rito! Ano na?! Wala ka bang balak na sunduin ako dito?! Hindi ka talaga sisipot?! Hoy sumagot ka! Naiistress na tuloy ang kagandahang taglay ko.”

Singhal agad ang binungad sa 'kin ni Francya na nasa kabilang linya. Mabuti na lang at nailayo ko kaagad ang selpon sa tainga ko. Nakalimutan ko tuloy n may susunduin pa pala ako. Nadistract kasi ang pag-iisip ko tungkol sa panaginip na 'yon. Maiintindihan naman siguro ni Francya kung bibigyan ko lang siya saktong rason.

“Pa'no ako makakasagot kung sobrang bilis mong makapagsalita?” pabalang na sabi ko.

“P-Pero... ano na?! Hihintayin mo pa bang puputi ang uwak bago mo 'ko sunduin dito? Bilisan mo nga riyan at pumunta ka na rito. Haist.” I sighed. Sana naman hindi magagalit si Bakla. Babawi na lang siguro ako sa susunod.

“Sorry kung pinaghintay kita ng matagal. Hindi siguro kita masusundo biglaan kasing sumama ang pakiramdam ko. Kaya ngayon ko lang din napaalam sa 'yo na hindi kita masusundo. Sorry talaga, Francya.”

Inilayo ko kaagad ang selpon sa tainga ko. Alam ko kasing grabe na naman makapagreak ang isang 'to. Kahit kailan talaga oa ang Francya na 'to.

“Huh?! Pakiulit nga 'yong sinabi mo.”

Napakamot na lamang ako sa 'king ulo. Minsan gusto kong ipatapon ang isang 'to sa Mars dahil nakakabuwesit kausap. Kahit narinig niya naman 'yong sinabi mo gusto talagang ipapaulit. Hindi ko inulit ang sinabi. Nang masense niya naman na wala akong balak ulitin 'yon ay nagsalita ulit siya.

“Argh! Okay, okay, okay. Mabuti na lang talaga alam ko ang daan papunta riyan sa condo mo. Wait ka lang sa'kin. Hahambalusin talaga kita kaagad ng kagandahan ko pagdating ko diyan.”

Pinatay niya na agad ang tawag laya hindi na ako nakatugon sa sinabi niya. Natatawang naiiling na lang ako dahil sa kadaldalan ang kahinginan ni Francya. Kagandahan his face.
Mas dumaldal yata ang isang 'yon. Sana naman matitiis ko ulit ang bibig ng Francya na 'yon.

Nang akmang ilalagay ko na sana ang selpon sa mesa na pinaglalagyan ng lampshade ay may tumawag na naman. Hindi na si Francya iyong tumawag kundi si Carl.

“Hi,” pagbati niya pagkasagot ko ng tawag.

Mahahalata sa boses niya ang pagod. Pakla na lang akong napangiti. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin para mapawi kahit kakaunti ang pagod niya.

Love Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon