Chapter Thirteen

2.7K 77 2
                                    

Pagkabukas ko ng condo ko sabay kaming pumasok ni Luke. Naglakad ako patungong direksiyon kung nasaan kinalalagyan ng sofa. Pagod akong napaupo. Mahina akong napabuntong hininga.

Napunta ang mga mata ko kay Luke na prenteng nakatayo malapit sa pinto. Nakapormang ekis ang kanyang braso at nakataas ang gilid ng kanyang labi.

Kakauwi lang namin galing sa pamamasyal kaya sobrang pagod agad ang naramdaman ko pagkarating namin dito sa condo. Nagrequest sa akin si Luke na gusto niyang sumama papunta dito sa condo kasi gusto n'ya raw malaman kung saan na condominium building ang condo ko. Hindi naman ako makatanggi kaya pinagbigyan ko s'ya.

“Nag enjoy ka ba sa pamamasyal natin?” Tanong ko. Marahan lamang s'yang tumango bilang sagot. “Mabuti kung ganoon.” Dagdag ko.

Pinikit ko ng mga ilang segundo ang mga mata ko at agad ding dumilat. Pagkamulat ko ng mga mata ko ay nagtama ang paningin namin ni Luke. Nakipagsukatan ako ng titig sakanya pero sa huli ako ang unang bumaba ng tingin. Umayos ako sa pagkakaupo at tumikhim.

“Gusto mo samahan kita sa paglilibot dito sa condo ko?”

Iyon naman ang pakay n'ya diba? Kung ba't siya sumama sa akin papunta dito sa condo.

“Kaya ko naman at di naman siguro ako maliligaw dito. Diba?” Pabiro n'yang sabi tinawanan ko lamang s'ya. “Pagod ka na rin kasi at kailangan mong magpahinga. Sabi ko na nga ba e. Iyan kasi ayaw nagpaawat sa pagsashopping.”

Natatawang napailing ako. Napahikab ako.

“Osiya! Matutulog na muna ako gisingin mo lang ako pag gusto mo ng umuwi ihahatid kita kasi diba na iwan 'yong kotse mo?”

“Okay.”

Humiga ako sa sofa at ipinikit ang mga mata ko. Hindi nagtagal ay tuluyan na nga akong kinain ng antok.

Nagising ko nang may maramdaman akong tela na ipinatong sa katawan ko. Minulat ko ang mga mata ko. Bumungad sa akin si Luke.

“Luke.” Umayos ako ng umupo. Nagstretch muna ako sandali at tinignan ulit si Luke. “Gusto mo na bang umuwi?”

“Oo,” Maikli n'yang sagot.

“Tara na ihahatid na kita papauwi.” Tumayo ako at hinawakan ang pulsuhan n'ya.

“Huwag na kaya ko na ang sarili ko. Maghahanap nalang siguro ako ng taxi. Baka kasi paghinatid mo ako baka mapahamak ka pa gabi pa naman.”

“Sure ka? Okay lang sa iyo?” Pagsisigurado ko.

“Hmm.”

“Okay. Sasamahan na lang kita sa paghahanap ng masasakyan.”

Lumabas na kami ng condo. Agad ding nakahanap ng taxi si Luke.

“I will just call you later pag nakauwi na ako.” Aniya bago pumasok sa loob ng taxi.

Pagkatapos kong magpaalam sa kanya umakyat na ulit ako sa condo para makaligo na at makatulog ulit. Ginawa ko na ang nigh routine ko.

Napatingin ako sa orasan na nakadikit sa wall. It's 11:00 AM na pero di parin tumawag si Luke sa akin. Nagsimula akong makaramdam ng pag alala. Kukunin ko na sana ang cellphone ko para tawagan si Luke ng kusa itong tumunog kaya napahinga ako ng maluwag.

Pero napalitan ng pagtatakha ang nararamdaman ko ng mapagtanto kong galing sa isang unknown number ang call.

Sino naman kaya ang taong 'to? Maybe kay Luke 'tong number at hindi n'ya nasabi sa akin na nagpalit ulit s'ya ng sim.

Sinagot ko ang tawag.

“Luke?” Agad kong bungad sa kabilang linya.

“Who is Luke?”

Napasinghap ako ng hindi kay Luke na boses ang narinig ko kundi ang boses ni Carl. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

Hindi ko sinagot ang tanong n'ya bagkus tinapunan ko rin s'ya ng isang tanong.

“Saan o paano mo nakuha ang phone number ko?” Tanong ko.

“Tsk. Ako ang naunang nagtanong kaya sagutin mo muna ang tanong ko bago kita sasagutin.” Malamig ang boses na sabi n'ya.

Nagsalubong ang kilay ko ng biglang pumasok sa isipan ko ang mukha ni Carl na naiinis.

“Wala. Akong. Paki. Alam.” Matigas kong wika. “Tatanungin ulit kita saan o paano mo nakuha ang phone number ko?”

Narinig ko ang mahinang pagbuntong hininga n'ya sa kabilang linya.

“I have my ways, Honey.”

Napatampal na lamang ako sa noo ko ng marinig ko ang kanyang sagot. Kahit kailan talaga wala kang matinong makukuha sa lalaking 'to.

“Okay. I end ko na ang tawag na 'to.” Walang kabuhay buhay na wika ko.

Inilayo ko sa tainga ko ang cellphone nang sumigaw ng malakas si Carl sa kabilang linya.

“Wait! Wait! Huwag mo munang i end.”

Nang hindi na s'ya nagsisigaw ay inilapit ko ulit ang cellphone ko sa tainga ko.

“May balak ka bang gawin akong bingi?” Inis kong tanong.

“I'm sorry pero sagutin mo muna ang tanong ko. Who is Luke?”

Nag isip muna ako sandali kung sasagutin ko ba ang mokong na 'to o hindi.

“Luke? He is my cousin. Kakauwi lang n'ya kanina dito sa Pilipinas.”

“Okay.” Naramdaman ko ang kaginhawaan sa boses n'ya. “Goodnight, sleepwell!”

“Goodnight din. Bye,” Sabi ko pagkatapos pinatay agad ang tawag.

Nakatanga lang ako ng mga ilang minuto ng tumunog ulit ang cellphone ko. Nakahinga ako ng maayos ng makita kong si Luke na talaga ang tumawag.

Salamat naman at nakauwi ng maayos si Luke.

Love Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon