Nang tapos na akong suriin ang mga gamit na nasa likod ng kotse napunta ang tingin ko kay Francya. Iyon ang mga gamit na dadalhin ko sa paglipat ko. Seryoso nakatingin sa akin si Francya. Nakahilig ang likod niya sa pinto ng kotse na malapit sa driver seat at nakaekis ang kanyang braso.
“Hindi ka ba talaga sasama sa 'kin? Sigurado kana ba talaga riyan?” malungkot kong tanong. I sighed nang hindi siya umimik at nanatiling nakatingin lang sa 'kin.
“Kahit isang linggo ka lang tumira roon, okay na iyon sa 'kin. Nasa labas ng bansa si Carl may inaasikaso kaya wala siya. Pupuwede kang mag-stay doon kahit lang para may kasama.”
Nagbago kaninang madaling araw ang isipan ko. Napag-isip isip ko na isasama na lang si Francya sa 'king paglipat baka makaramdam lang ako ng pagkabore roon. At isa pa ayaw ko siyang iwan mag-isa sa condo unit, pero kung hindi talaga siya papayag wala na akong magagawa pa.
Bumagsak ang mga balikat ko nang marahan siyang umiling. Mas gusto niya raw roon tumira sa condo unit. Ilang beses ko rin siyang tinanong kanina at ilang beses niya rin akong tinanggihan. Umayos siya ng tayo at naglakad papalapit sa 'kin. Mayroon nang nakahulma na isang ngiti sa labi niya. Nang makalapit na siya sa akin ay niyakap niya ako nang mahigpit.
“Sabing 'wag mo na akong isipin, okay lang naman kasi ako rito. Ang importante ay makakabalik kana rin doon. Kahit hindi mo man aminin sa 'kin ngayon alam kong miss mo nang tumira roon sa mansion, kahit malupit ang sinapit mo dati roon, sa mansion na 'yon. 'Wag kang mag-alala bukas na bukas ay bibisitahin kita. Ichat mo lang sa akin ang address mo ngayong gabi.”
“Pangako 'yan ah?” He nodded and gave me a genuine smile. “Magsi-celebrate tayo bukas, ako na ang bahala sa lahat. Iimbitahan ko rin ang pinsan ko para tatlo na tayo.”
“Mayroon ka palang pinsan?” pabulong niyang tanong na narinig ko naman. “Nevermind, pumasok kana nga lang sa kotse mo.”
Sinunod ko ang kanyang sinabi. Pumasok na ako ng driver seat at agad na binuckle ang seatbelt. Ibinaba ko ang bintana ng kotse para magpatuloy kami sa pag-uusap ni Francya. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti.
“Mag-ingat ka sa pagmamaneho. 'Wag mo akong kalimutan na tawagan pag may mangyaring hindi maganda. Once na lilipat kana 'wag mo na akong alalahanin may mga papsy naman ako rito.”
Mahina akong natawa dahil nagawa pa niya ang maging maharot. Lumayo na si Francya sa kotse ng inistart ko na ang engine ng kotse. Kinawayan ko siya at nag-flying kiss muna sa kanya bago isinara ang bintana ganoon din ang ginawa niya. Binuksan ko muna ang radyo bago nagsimulang magmaneho. Kung hindi traffic ay madali lang akong makakarating doon hindi naman kasi masiyadong kalayuan ang mansion dito sa condo.
Itinigil ko ang aking kotse sa tapat ng isang malaking kulay itim na gate. Nakarating na rin ako sa wakas. Nag-inat inat muna ako sandali pagkababa ko ng kotse. Tinignan ko ulit 'yong gate. Bagong pintura ito pero sa pagkakatanda ko ay ganoon pa rin ang kulay nito noong mga panahon na dito pa ako tumira.
Nag-doorbell na ako, hindi naman nagtagal ay may lumabas na isang ginang galing sa gate sa tingin ko ay nasa 40's na siya. Hinala ko rin ay isa siya sa nagtatrabaho rito sa mansion, mapapansin mo sa kanyang suot na isa siyang kasambahay. Nakangiting lumapit siya sa 'kin kaya ngumiti rin ako.
“Ikaw po ba ang tinutukoy ni Mr.Villanueva na asawa niya?” tanong niya. Tumango ako bilang sagot sa kanyang tanong.
“Totoo nga 'yong kinuwento sa amin dito ni Mr.Villanuea na mayroon siyang sobrang gandang asawa.” Mas lalong naging malapad ang aking ngiti dahil sa kanyang sinabi.
Salamat ang naging tugon ko sa kanyang papuring binigay. Hindi ko inakalang nagawa ni Carl na ikuwento ako sa mga nagtatrabaho rito sa mansion.
“Hinintay po talaga kayo noon ni Mr.Villanueva na bumalik.” Ang akala ko talaga noon ay tuluyan na akong kinalimutan ni Carl at ayaw niya na akong makausap o makita.
“Pasok na po kayo Mrs.Villanuva, ako na po ang bahala sa lahat ng mga gamit mo at ako na rin ang bahalang magpasok sa kotse mo doon sa garahe. Magpapatulong lang ako sa mga kasamahan ko rito.”
“Maraming salamat sa 'yo,” pagpapasalamat ko. Inabot ko sa kanya ang susi ng kotse para tuluyan ng makapasok. Nagpaalam muna ako sa kanya.
Nabuo ang ngiti sa 'king labi nang makapasok na ako sa gate. Dito pa lang sa labas ay mapapansin na ang kagarbohan ng mansion. Malayo pa ang distansiyang lalakarin ko para makapasok na talaga sa loob ng mansion. Malaki ang espasyo rito sa labas at presko ang hangin. Hindi ko na maalala kung kailan 'yong huling kita ko nitong mansion kaya grabe ang pagkamiss na aking nararamdaman ngayon.
Dati walang kabuhay buhay dito dahil kami lang dalawa ni Carl ang nakatira at minsan lang din siyang umuwi kaya minsan ako lang talaga ang mag-isa dito sa pagkalaki laking mansion. Kompara noon na sobrang gloomy ng paligid ngayon ay naging sobrang sigla na lalo pa't may mga hinire na natauhan si Carl.
Pagkapasok ko sa loob dito sa ng mansion ay bumungad sa 'kin ang isang chandelier na sobrang garbo. Nandito ako sa central hall. Nakatiles ang sahig. May pagkancient vibes din dito sa loob ng mansion. Matatagpuan mo sa grand foyer ang twin staircase na may nakalatag na red carpet. Mayroong tatlong palapg itong mansion. Pagkakatanda ko ang lahat ng bilang ng silid na nandito ay dalawampu't lima.
Mayroong sariling theatre room, ballroom, banquet hall, private gym, basketball court, library, office, dining hall at billiard room itong mansion. Bawat bedroom ay mayroon walk in closet at jacuzzi. King bed size ang lahat ng kama sa mga bedroom. Nagpalagay rin ng silid si Carl para sa mga tauhan dito.
Greenhouse ang pinakapaboritong lugar ko rito sa mansion, mahilig kasi ako sa mga bulaklak. Bago ka tuluyan na makapunta doon sa greenhouse makikita mo muna ang isang pond at fountain. Matatagpuan mo ang iba't ibang klase ng bulaklak na may iba't ibang kulay sa greenhouse. May isang malaking puno rin doon. Noon ang paborito kong gawin ay asikasuhan ang loob ng greenhouse.
Bukas pag pumunta sila Francya at Luke dito ay ililibot ko sila sa lahat ng parte rito sa mansion para makita nila kung gaano kaganda itong tinuring kong tahanan.
Napatigil ako sa paglalakad nang mapunta ang mga mata ko sa isang malaking larawan na nakasabit. Hindi ko inakalang nandito pa rin ang larawan na 'to. Wedding picture namin ni Carl ang nakaagaw ng atensiyon ko.
Bago ako tuluyan umalis dito noon binasag ko
'yang wedding picture namin at sinunog dahil sa sobrang galit ko. Nakangiti ako doon sa wedding picture namin si Carl naman ay seryoso lang na nakatingin sa camera.Hindi ko napansin na may tumulong luha na pala sa mga mata ko. Nakatulala lang ako sa larawan na 'yon. Nabalik lang ako sa 'king diwa ng may tumawag sa 'kin.
“Mrs.Villanueva, okay ka lang po ba?”
Naagaw ang aking atensiyon sa isang babae na sa tingin ko ay mas bata sa 'kin. Ang kutis niyang taglay ay may pagkamorena. Maamo rin ang kanyang mukha. Pinahid ko ang aking luha bago siya hinarap. Binigyan ko siya ng ngiti at tinanguan siya bilang sagot sa kanyang tanong.
“Alam mo ba kung saan dinala ang mga gamit ko?” tanong ko. Mabuti na lang at dumating siya para masagot ang tanong ko.
“Dinala po namin ang mga gamit mo sa silid po ninyo ni Mr.Villanueva na nasa ikalawang palapag.”
“Thank you,” pagpapasalamat ko. Ngumiti lang siya at nagpaalam na aalis na. Nawala naman ang isip ko roon sa larawan. Pumunta na ako sa sinabi niyang silid total tapos na naman akong maglibot dito.
Nang makarating na ako sa ikalawang palapag ay laking gulat ko na iyong silid na tinutukoy pala niya ay silid ni Carl. Hindi lang talaga ako makapaniwala noon kasi kahit isang beses ay hindi ko pa nasubukan ang matulog sa silid na 'to. Kahit mag-asawa na kami ni Carl ay hindi niya ako ay hinahayaang tumabi sa kanya. Ang tingin niya kasi sa 'kin noon ay parang germs. Pero atleast ngayon ay nagbago na siya kaya okay na sa 'kin ang lahat.
BINABASA MO ANG
Love Me Back
RomansMasaya ang relasyon nila Krystal Cortes at Drake Carl Villanueva nang nasa college pa lang sila. Pero biglang nagbago si Carl nang magpakasal silang dalawa pero sa kabila ng lahat hindi niya magawang iwan ito. Kahit saktan siya ng paulit ulit nito...