Chapter Sixteen

2.4K 65 0
                                    

A/N: Errors ahead.

__

“May isa pa tayong pupuntahan kaya tara na.” Nakangiting sabi ni Carl.

Akmang tatayo na sana siya pero hinawakan ko ang kanyang kamay at agad itong binitiwan. Binigyan niya ako ng nagtatakhang tingin.

“Let's stay for a while may sasabihin lang ako.”

Umayos siya ng upo. “What is it?”

Ilang beses akong napabuntong hininga bago nakapagsalita. Hindi ko alam kung tama ba na sabihin ko ito sa kanya o hindi pero buo na ang desisyon ko kaya ipagpatuloy ko na lang. Tumikhim ako.

“Ganito kasi 'yan...”


FLASHBACK

Wala akong masiyadong gagawin ngayong biyernes dahil ginawa ko na lahat ang dapat gawin kahapon.

Magbibihis na sana ako dahil kakatapos ko lang maligo kaso biglang tumunog ang selpon ko na nakalagay sa ibabaw ng aking kama. Nilapitan ko ito at kinuha.

Binuksan ko ito ng makitang message iyon na galing kay Luke.

From Luke:
Krystal, are you busy? Magpapasama sana ako.

To Luke:
Where?

Umabot siguro ng isang minuto bago n'ya sinagot ang reply ko.

From Luke:
Bibibili ako ng bagong laptop dahil naiwan ko sa Tokyo ang laptop ko.

Si Luke ay nagtatrabaho doon sa Tokyo, Japan bilang isang nurse. Hindi niya naman kailangan pang magtrabaho o lumuwas pa ng ibang bansa para magtrabaho dahil may kompanya naman sila dito at isa pa mayamaman na naman sila. Ang gusto nga ni Tito na siya mismo ang maghandle ng sarili nilang kompanya pero hindi siya pumayag sa gusto ni Tito. Mas pinili pa niyang magnurse kesa sa maging CEO ng isang kompanya at sa pagkakaalam ko ang pansamatalang namamahala sa kompanya nila ay ang nakakatandang kapatid niyang babae.

To Luke:
Saktong sakto kakatapos ko lang maligo. Magbibihis lang ako ta's pupunta na ako riyan sa condo mo.

Pagkatapos kong masend ang reply ko kay Luke ay agad akong nagbihis.


Itinigil ko ang aking kotse sa parking lot ng condominium building na tinitirhan ni Luke. Kinuha ko ang susi at lumabas na ng kotse.

Makailang hakbang pa lang ako sa paglalakad ay nahinto ako nang parang may taong nakatingin sa akin. Inilibot ko ang paningin ko pero wala akong nahagip na isang tao man lang dito sa parking lot. Malamang ako lang ang mag-isang nakatayo rito. Napayakap ako sa aking sarili ng biglang umihip ang malakas na hangin. Ipinagsawalang bahala ko na lamang 'yon at nagsimula ulit maglakad.

Nakarating na ako sa palapag kung nasaan ang condo ni Luke. Nag-doorbell agad ako ng nasa pintuan na ako ng kanyang condo. Nang pinagbuksan niya na ako ng pinto ay tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at pinangsikatan ko ng mata.

Ngayon ko lang siya nakitang hindi nakausot ng long sleeve, ganoon style lang kasi ng damit ang palagi niyang suot samantalang ngayon ay nakasuot siya ng isang itim na polo na pinaresan niya ng faded blue jeans.

“Ba't parang nag-iba ang style mo ngayon ah?” I wiggled my eyebrows.

“Tsk.”

Napaismid na lamang ako dahil sa kanyang tugon. Naglakad ulit siya papasok nang akmang papasok na rin ako ay pinigilan niya ako.

“Huwag ka na lang pumasok kukunin ko lang sandali ang wallet ko.”

Love Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon