Palaging bumibisita si Carl dito sa'king condo at sa tuwing bumibisita siya ay hindi niya nakakalimutang hindi magdala ng isang bouquet of roses at madaming pagkain. Pero tuwing weekend lamang siyang umuuwi sa condo niya. Usually kapag pumupunta siya dito sa condominium building ay ako talaga 'yong sadya niya. Ang alam ko lang sa dati naming bahay siya nakatira dahil malapit lamang 'yon sa kanyang kompanya.
Patagal ng patagal din hindi ko na napapansin na mas lalo akong nahuhulog sa kanya pero hindi pa ako handang umamin tungkol d'yan natatakot kasi ako sa kahihinatnan nitong nararamdaman ko.
This past few weeks i felt something strange para kasing may sumusunod sa akin kahit sa'n man ako magpunta. Parang may mga matang nanonood sa bawat kilos ko pero wala naman akong napapansin na taong may kakaibang galaw sa paligid ko kaya hindi na ako masiyadong lumalabas ng bahay. Hindi naman ako nabobored dito dahil nga bumibisita naman si Carl.
Kaninang hapon tumawag si Carl sa'kin at inaya akong lumabas agad akong pumayag sa imbitasyon niya dahil gusto kong sabihin sakanya ang tungkol doon. Hindi tungkol sa nararamdaman ko ah! Kundi tungkol sa kakaibang nangyayari sa paligid hindi ko alam kung paranoid lang ba ako o sadyang may sumusunod talaga sa akin pero mabuti na 'yong may nakakaalam.
Saktong alas siyete nang gabi ng matapos akong mag-ayos. Nakasuot ako ng isang casual dress na kulay black at may disenyong dot, backless din 'to. Ang pagkatapos ko ay siya ring pagdating ni Carl. Naglakad na ako papuntang pintuan at pinagbuksan siya ng pinto.
Napangiti ako ng nakita ko kung ano ang dala niya. Maingat niyang ibinigay sa akin ang dala niyang isang bouquet of roses.
Ningitian ko siya at ngumiti rin siya pabalik sa akin. “Thank you for this.”
“You're welcome.” Tugon niya sa pasasalamat ko. Ilang sandali pa ay muli siyang nagsalita. “You're so gorgeous.”
Mas lalong lumapad ang ngiti ko sa labi dahil sa kanyang sinabi.
“Same as you.”
Naging paboritong bulaklak ko na ang rosas dahil ito ang palaging ibinibigay sa'kin na bulaklak ni Carl. Kahit paulit ulit na ganitong bulaklak ang kanyang ibigay hindi ako magsasawang tanggapin 'to.
“Let's go?” Tinignan ko siya at ngumiti sakanya ulit bago tumango bilang sagot.
Inilagay niya ang kanyang isang kamay sa'king bewang. Nagsimula na kaming maglakad. Napatingin ako sa mukha ni Carl. Sobrang seryoso nito habang naglalakad. Bago niya pa ako mahuli na tinitignan siya ay binaba ko na ang aking tingin.
Nakarating na kami ng parking lot. Pinagbuksan muna niya ako ng pinto ng kotse bago siya pumasok ng kotse. Napangiti ako dahil sa kanyang ginawa.
Hindi ko napansin na hindi ko pala nilubayan ng tingin si Carl nabalik nalang ako sa'king sarili ng may maramdaman akong humalik sa pisngi ko.
Naramdaman kong uminit ang pisngi ko at para ring may paru-parong naglalaro sa tiyan ko nang mapagtanto kong si Carl ang humalik sa pisngi ko. Tinignan niya ako at umiling habang nakangisi.
“Hindi ako makapagsimula sa pagmamaneho dahil hindi tinantanan ng titig mo. You know what, Honey. Nawawalan ako ng konsentrasyon sa mapang-akit mong tingin.”
Para na siguro akong kamatis sa sobrang pula. Pahamak naman 'tong Carl na 'to grabe magpakilig. Nang magtama ang paningin naming dalawa ay agad akong nag iwas ng tingin.
“Ano ba kasi 'yang iniisip mo?” Tanong niya pa. Napatulon ako ng laway ng wala sa oras dahil sa kanyang tanong.
Marahan akong umiling. “Nothing,” Pagsisinungaling ko. Nagkibit balikat lamang siya at hindi na muling nagsalita.
BINABASA MO ANG
Love Me Back
RomanceMasaya ang relasyon nila Krystal Cortes at Drake Carl Villanueva nang nasa college pa lang sila. Pero biglang nagbago si Carl nang magpakasal silang dalawa pero sa kabila ng lahat hindi niya magawang iwan ito. Kahit saktan siya ng paulit ulit nito...