MBS 6
---------
Kumakabog pa rin ang dibdib ni Louise hanggang sa mga oras na iyon kahit na ilang minuto na ang lumipas nang haklitin siya ng lalaking iyon sa baywang.
That man is speedy fast. No one ever touched her like the way how that man in red did, and no doubt that he’s quite playful and sensual. Mukhang may pagkabastos iyon pero bakit hindi naman bastos ang dating sa kanya ng ginawa niyon? That man is just so confident and she will never wonder why. Ganoon iyong umasta kasi mayaman at may sinasabi sa madla, kaya lang kung ibang mata ang titingin ay bastos pa rin.
Hindi niya alam ang hitsura ng sino man sa iyon dahil dumating ang mga lalaki sakay ng tatlong itim na limousine at mga posturado na at may takip ang mga mukha.
And those eyes…those eyes belong to her daughter. Hindi siya pwedeng mag-isip ng masama. Pwedeng magkatulad lang ang mga mata ng anak niya at ng lalaking iyon. Imposible ang sumagi sa isip niya na iyon ang lalaking nakialam sa kanya.
Nagha-hallucinate na yata siya na sobra dahil sa pagod at puyat. Sayang ang fifty thousand na bayad sa service niya kung hindi niya kasi magagawa nang maayos ang event.
“Uy,” Siko sa kanya ni Pat habang nakatulala siya kay Gordon na siyang emcee at ang isa pang babae na kasamahan nila.
Nakatulala siya pero lagpasan ang tingin niya na para bang may nakikita siyang mga ligaw na kaluluwa.
“Grabe sa the moves si Mr. King ano? Mukhang kursunada ka pa bestfriend.”
Umiling si Louise at dismayadong ngumiti. “Hayaan mo at bobombahin ko ng katotohanan na may anak na ako para manahimik na.” aniya naman kaya napahagikhik si Patty.
“Pero aminin mo, halatang natakot ka na naman kanina ano.”
Tumango siya at tumingin sa kaibigan. “Palagi naman. Minsan kay Matt nga gano'n din kahit na dalawang taon na kaming mag-on. Nilalabanan ko lang na pilit kasi hindi pwede na parati akong tumakbo sa klase ng propesyon na napili ko. Kasali rito palagi ang makisalamuha sa mga tao.” Aniya naman na ikinatango ng kaibigan.
“Eh si Mister Zaragosa, nagte-text pa ba?” ukikil pa ni Pat saka ngumisi.
Oo nga pala. Kahapon pa siya inuulan ng text ng lalaking iyon pero hindi niya nire-reply. Ayaw niyang pagmulan ng away nila ni Matt ang lalaking iyon at alanganin din naman na i-block niya ang number dahil nahihiya siya. Ayaw naman niyang magmukhang asyumera na type pa siya ng Mr. Zaragosa na iyon kasi mukhang palikero ang walang hiyang lalaking iyon. Sabagay, lahat yata ng gwapo ay palikero, baka si Matteo lang ang hindi.
“Hindi ko pa nati-check ang cellphone ko. Alam mo naman na para tayong lagari rito. Nasa kwarto natin dati rito ‘yong cellphone. Baka nga pati si Matt tumatawag na, hindi ko pa alam.”
“Mabuti na lang nga kamo at absent ang bf mo, kung hindi baka nag-ala miron na naman ang abogadong ‘yon dahil sa ginawa ni Mister Red sa’yo kanina.”
“Huwag kang pakakampante, baka sumulpot ‘yon maya-maya lang.” Louise looked around, trying to find if there’s a trace of Matt’s presence.
Madalas kasi na sasabihin niyon ay busy at may gagawin pero malalaman na lang niya na nakatago sa may ‘di kalayuan at parang binabantayan ang kilos niya. She’s quite happy at firat when he told her that he’s only checking if she’s doing okay, but lately, it’s been his bad habit to come around without her notice. Nagkaroon siya ng pakiramdam na mukhang hindi naman niyon inaalam kung totoong maayos ang lagay niya pero tinitingnan kung nanlalalaki siya. Minsan na kasi iyong nadulas sa ganoong salita pero naayos naman nila kaagad ang tampuhan. Nanghihinayang din naman kasi siya sa dalawang taon na pinagsamahan nila kaya pilit na lang niyang inuunawa at saka napag-aralan na rin niyang mahalin ang mga hindi kagandahang ugali ni Matteo. Iyon kasi ang madalas niyang marinig kahit noon pa. Kung minamahal ang isang tao, dapat na palaging hindi lang magagandang katangian ang magustuhan kung hindi dapat ay pag-aralang tanggapin ang mga negative attitudes. No one is perfect anyways and so as she. Hindi siya perpekto, madalas na parang katulad din siya ng anak niya na bata kung mag-isip kasi pakiramdam niya ay nawala iyon sa kanya kaya ngayon na masaya na siya ay lumalabas ang ugaling bata na ‘yon nang hindi sinasadya, pero tanggap naman siya ni Matt. He still worked so very hard for three years just to gain her attention. Sinusuklian lang niya ang effort na iyon at hindi na lang iniintindi ang mga kasalanan niyon kung minsan. Those were just mild mistakes most of the time, hindi naman gaanong mabigat at mga simpleng tampuhan lang na hindi maiiwasan.
BINABASA MO ANG
MK1-Spellbound✔️(inc)
RomanceCAYDEN HECTOR - is a wealthy bachelor, handsome and charitable. Wala nang hahanapin pa ang mga babae na pumipila para maging girlfriend niya. But those characterictics can't change the past. He's once a demon and heaven couldn't forgive him for tha...