MBS 36
-----------
“Hi Papa!” Bati ni Cayden sa ama na nakaupo sa sofa habang kalong si Bless na humihilot naman sa noo ng lolo.
Pinilit niyang pasayahin ang boses matapos na matitigan ang Papa niya bago siya bumaba sa hagdan, kasama ang asawa niya.
“May masahista na ako.” Natatawang sabi niyon pero malungkot ang mga mata.
Nagkatinginan sila ni Louise at naunang tuluyang bumaba ito at naupo sa tabi ng Papa niya.
His Papa looked at his wife and wrapped his arm around Louise's shoulder while he just stood in front of the center table with his hands inside his pockets, studying his father’s face.
“Okay lang po kayo, Tito?” Louise asked Cayden’s Papa but the old man just rested his chin on her head.
“I’m going to be okay, sweetie. No need to worry about me.”
“Lolo, kapag po ayaw na sa inyo ng wife niyong witch, dito na kayo sa amin nina Daddy. Mommy is not a witch anyway, she’s a queen.” Anaman ng anak niya kaya natawa ang matanda bago sila nagkatinginan na mag-ama.
“I’ll stay tonight, apo. Bukas na ako uuwi at maraming oras para maglaro tayo, but for now, can I talk first to your handsome Dad?” Tumingin ito kay Blesserie na tumango naman kaagad.
“Yes, lolo.”
“Sa kusina na muna ako Cade. Ihahanda ko lang ang dinner kung dito kakain si Tito.” Tumayo na si Louise at tinanguan si Blesserie.
“Call me Papa, Louise. I am your father now, iha.” Paalala niyon sa asawa niya na ngumiti naman at tumango saka inakay si Blesserie pero nang dumaan sa may tabi niya ang dalawa ay kaagad niyang hinarang ang tyan ni Louise gamit ang isang braso niya.
Bless instantly giggles. “Doon na ako sa room ko kay Tata. Magki-kiss na naman kayong dalawa sa harap ni lolo handsome.”
Kurot ang inabot niya sa braso at pandidilat ng mga mata pero kinindatan niya naman ang anak nila na mabilis tumakbo habang tumatawa.
“Mahiya ka naman sa Papa mo. Doon na ako sa kusina.” Pasimpleng bulong nito sa kanya kaya panghinayang pa siyang tumango na lang.
Jeez! How can he even control himself? Hindi niya ugali na magtimpi at hindi niya itatanggi na isa siya mga lalaking may babae sa kwarto gabi-gabi, pero ni minsan ay hindi naman niya inuwi sa bahay niya.
Sa oras na bumigay ang asawa niya sa kanya, baka araw-araw din itong plastado dahil babawi siya.
Habol ng tingin hanggang sa mawala si Louise sa may kusina, saka lang siya lumapit sa Papa niya.
“Wine?” Alok niya pero umiling ito. “So—what’s happening, Papa?”
Marahas na bumuga ng hangin si Isaac at pagod na tumitig sa mga holen sa center table. “Here—” a shrug followed. “Will spend the night here if I am welcome.”
“Oh, of course you are welcome. Kahit dito ka na lang pero alam ko naman na tatanggi ka at maiintindihan ko kung bakit.” Pauna na kaagad niya sa ama.
Ayaw na niyang makadagdag pa sa bigat ng kalooban nito dahil sobra-sobra na nga ang inabot ng Papa niya sa mga anak nito sa tunay na asawa.
“We had a fight. Pinagtulungan ako ng asawa ko at ng Kuya Dawson mo.” Tumingin ito sa kanya at parang naluluha na naman.
He became so worried as well as mad. “Sinaktan ka?” Halos manigas ang mga panga niya.
Ibang usapan na kapag pinisikal ang ama niya. Kahit na sino sa mga kapatid niya ay walang karapatan na saktan ang amang matagal niyang pinangarap na makasama. Doon niya puputulin ang kung ano man na kuneksyon ang meron siya sa mga kuya niya kapag Papa na niya ang nasaling ng mga iyon.
BINABASA MO ANG
MK1-Spellbound✔️(inc)
RomanceCAYDEN HECTOR - is a wealthy bachelor, handsome and charitable. Wala nang hahanapin pa ang mga babae na pumipila para maging girlfriend niya. But those characterictics can't change the past. He's once a demon and heaven couldn't forgive him for tha...