MBS 12
---------------
"Cade!" Bulalas ng isang babae matapos na mapagbuksan sina Cayden at Louise ng pintuan.
Sa isang bahay sa tabi ng isang derma clinic sila pumunta matapos ang ilang minutong pagmamaneho ng binata at siya naman ay tahimik lang na umiiyak sa kinauupuan sa loob ng kotse kanina.
Silence was her best friend, trying to figure out what did she do wrong to make Matt hurt her like that, emotionally and physically. Kahit saang anggulo naman niya tingnan, wala naman siyang maisip kasi wala naman talaga siyang ginawa. Napakalinaw ng usapan nila noon nang sagutin niya iyon na kung hindi rin lang makakapagtiis ay mabuti pang huwag na lang siyang pilitin na maging girlfriend; at buong puso naman iyon na sinang-ayunan niyon.
Hayop ang nakita niya kanina at hindi tao, demonyo at anak ng dyablo. Ang laki-laking lalaki, halos baliin pa ang mga braso niya para lang makuha ang gusto at balak pa siyang pikutin.
"Hi Carrie." Itinukod ni Cayden ang isang braso sa hamba ng pinto at ang isa ay namewang.
Kumurap-kurap si Louise sa nakikitang posing nito at ngayon ay tripleng kagwapuhan ang nakikita niya, hindi dahil sa totoong gwapo ito kung hindi dahil parang utang niya ang puri niya, buhay at kinabukasan dito. Kung hindi ito sumunod ay malamang na mabaliw siya kung totoong nakuha siya ni Matt. Hindi man niya naipagdamot ang halik sa labi, tuluyan naman niyang naisalba ang puri sa hayop na iyon.
Pero masakit pa rin ang kalooban niya. Mahal niya si Matt pero parang hindi na talaga niya kilala ang first love niya.
"My God Cade, kung itinanan mo ang batang 'yan, I'm sorry pero hindi kita kukunsintihin." Umiiling na sabi ng babae na hindi pa naman matanda.
Akma nitong isasara ang pintuan pero hinarangan naman ng isa.
"Don't jump into wrong conclusions, Carrie. I don't have to sneak a woman just to have one, and I know you know that." Kindat nito sa babae kaya napaiwas siya ng tingin lalo na nang parang mamula ang pisngi ng kaharap nila.
Nayakap niya ang sarili at nahimas ang mga braso pero lumapat sa gulugod niya ang palad ni Cayden kaya napatingin siya sa binata na nakatingin pala sa kanya.
"She needs help. Fix her and don't ask why. Bigyan mo ng komportableng damit." Utos nito sa babae pero sa kanya nakatingin.
"Okay. Come in. Maupo muna kayo at aasikasuhin ko lang kung anong pwede akong ipasuot sa kanya." Ngumiti iyon kay Louise kaya ngumiti rin siya kahit na alanganin.
Tahimik siyang pumasok sa loob ng bahay at parang nanlalata pa rin na umupo.
"Tubig," Usal niya kay Cayden nang tingalain ito na nabitin sa ere ang pwet sa pag-upo.
"Water?"
"Please..."
"Sure baby. No biggies." Tumayo ito ulit at naglakad papunta sa isang maliit na kusina na karugtong na rin ng salas pero may naghihiwalay na island counter.
Basta na lang ito nakialam sa mga baso roon at binuksan ang isang refregirator.
"We'll have dinner before we head home." Anito habang kumuha sa pitsel ng tubig pero umiling siya.
"S-Sa bahay na lang po." Aniya naman ay sinulyapan ito sa talukap ng mga mata.
"Po?" Cayden's brows arched as he glanced at her.
Louise had to keep her lips.
"After what heppened, po? Bff na may po at opo at Mister Zaragosa ang tawag?" parang nang-iinsulto nitong tanong kaya napalabi naman siya at parang batang humalukipkip.
BINABASA MO ANG
MK1-Spellbound✔️(inc)
DragosteCAYDEN HECTOR - is a wealthy bachelor, handsome and charitable. Wala nang hahanapin pa ang mga babae na pumipila para maging girlfriend niya. But those characterictics can't change the past. He's once a demon and heaven couldn't forgive him for tha...