MBS 48 - I Am Here

5.7K 283 35
                                    

MBS 48

--------------

“Babe, talk to me! Babe! Please!” Cayden yells from the door of the apartment by the moment he found his steps outside his car.

He looks like a pure mess, disheveled hair, unfixed tie, wet red eyes and broken heart.

“Babe...” Usal niya, at nang bumukas ang pintuan ay natigilan siya nang humarap sa kanya ang babaeng parang isang taon kaagad niyang hindi nakita.

If he looks like hell, Louise looks like a dumped queen from her own palace. She has changed her clothes from her beautiful red skirt and white top to a simple black cotton short and red tank top.

Diretso itong tumingin sa mga mata niya at wala siyang galit na nakikita sa mugto nitong mga mata kung hindi sama ng loob at hinanakit. Parang nagtatanong ang mga iyon kung bakit at mas lalo siyang dinurog dahil doon.

Cayden instantly swallowed his tongue and just stared at her like an idiot. Tulala na naman siya at wala siyang ibang gustong gawin sa mga oras na iyon kung hindi manghalik na lang at mangyakap. Sana nga ganoon kadali pero alam niyang hindi. Hindi kayang pawiin ng ilang libong halik o mahigpit na yakap man ang kasalanan niya.

Wala siyang imik hanggang sa lumapat sa pisngi niya ang palad ni Louise na ikinapikit niya at buong pusong tinanggap.

“For ruining my life!” She cried.

She hits him with the other palm and still he never moved. “For stealing my future from me!”

He blinked and swallowed his tears but another slap landed on his face.

“For leaving me that night like a trash, unable to walk and for all the pain!” She sobs and hits him once more.

Lahat ng sampal tinanggap niya at tinitingnan lang niya ang asawa nang umangat ulit ang kamay nito para samapalin siya ulit.

Tatanggapin pa rin niya basta kausapin lang siya nito at harapin. Kahit na ganoon ang palaging reaksyon nito sa tuwing magkikita sila ay kaya niya basta magsalita lang ito at huwag na basta umiyak na lang nang walang imik.

He had waited for her hand to land on his face and was willing to embrace it but she curtly stopped herself and just cried, shaking her head violently.

“You’re a demon!” She yells instead and slams his chest.

I know, baby. I know.

Tinatagan niya ang pagkakatindig sa may pintuan at tinanggap ang mga palo sa dibdib niya. Kung iyon ang paraan para tumigil ito sa pag-iyak, ibibigay pa niya lahat ng parte ng katawan niyang gusto nitong hampasin.

“Demonyo ka!” Masama ang loob na lalo nitong nilakasan ang pagpalo sa kanya.

“Alam ko baby ko.” Mahinang sagot niya pero parang lalo lang itong nanggigil.

Nagkatinginan silang dalawa at kahit na umiiyak siya ay nginitian pa rin niya ito at tinangkang pahirin ang mukha na puno ng luha pero umiwas si Louise.

“Huwag ka ngang magmabait! Kung mabait ka, hindi mo ako lolokohin! Sana sinabi mo na kaagad pero hindi dahil pinaikot-ikot mo ako na parang trumpo!” Sumbat nito sa kanya at halos mapatidan ng litid sa leeg sa sobrang inis pero siya ay walang kasing baba ang boses na parang normal lang na naglalambing pa rin kahit na sasabog na ang puso niya sa sakit.

“Is it wrong to aim for the woman who fascinated me since the first day I saw her?” Umpisang tanong niya pero umismid ito at parang lalo lang na nasaktan.

“I want you to love me first before I confess. I wanted you. I needed you. I have loved you and I still feel the same.” Amin niya habang hindi maialis ang mga mata sa mukha nito na kahit wala sa kaayusan ang hitsura ay pinakamaganda pa rin para sa kanya.

MK1-Spellbound✔️(inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon