MBS 24
-------------
Looking at Louise, Cayden can’t even concentrate while his legal counsel is discussing some sort of things in front of them. They’re making a Prenup Agreement but it’s quite different. Hindi tungkol sa mana o conjugal properties ang laman ng kasulatan kung hindi mga batas na gusto niyang ipagawa habang nasa loob sila ng kasal ni Louise.
“We will never consummate our marriage.” Anang abogado na nagbabasa sa mga ginawa nilang kasunduan.
Nagkatinginan sila ni Louise at sa simpleng kaisipan tungkol sa nilalaman ng batas na iyon ay pasimple rin na umigkas ang kanyang pagkalalaki.
Parang gusto niyang burahin ang lintik na mga salitang iyon. Hindi niya kaya. Baka isa o dalawang araw pa lang na kasal ay mabikti na siya sa paglabag sa unang batas na na iyon.
Nagpalit-palitan ang abogado sa kanila ng tingin. “Sigurado kayo rito?” Tanong ni Attorney Rich Daniels.
Thank fucking Christ his lawyer asked.
“No.” Mabilis na sagot niya kaya napakagat labi si Louise at yumuko.
He can’t live without sex. Jesus, it’s his fuel anyways.
“Talagang no iho. Babae siya at lalaki ka. Maganda siya at gwapo ka. Mahilig ka sa babae kaya imposible ito. Why not put it this way? If both individuals are willing and open, completing the marriage by having sexual intercourse is allowed.”
Bwisit na abogado. Inilaglag pa siyang babaero siya.
“What do you think, baby?” Tanong niya sa dalaga na parang gusto ng tumago sa ilalim ng sofa.
“A-Aba malay ko. E-Ewan ko.” Nalilitong sagot nito kaya halos mapangiti siya habang nakatitig sa namumula nitong pisngi.
“You think it’s possible? Hindi ba ako mabibikti kapag may nangyari?” Tuluyan siyang napangiti nang makita niyang tinaasan-baba siya ng mga kilay ni Atty. Daniels.
Ninong niya ito at best friend ng Papa niya. Ito ang pinakapinagkakatiwalaan nila pagdating sa negosyo, pagtatago ng sikreto at mga bagay na maselan. Ito rin ang abogado ni Louise sa attempted rape case laban kay Matteo.
Alam niya na may ipinagawa rito ang Papa niya bago pumunta sa bahay niya at maski na pilipitin ang dila nito ay hindi ito magsasalita, sigurado.
Pero ang nasilip niya sa briefcase ay isang last will na sulat kamay ng Papa niya at pirmado rin. Hindi niya lang nabasa ang laman pero alam niyang may kinalaman sa kaso ng mga kapatid niya ang biglaang pagpapagawa ng ama niya ng last will.
“Ewan ko nga!” Inis na niyakap ni Louise ang unan at nag-iwas ng paningin. “Mamaya pwersahin mo ako o di paano? Tapos sasabihin mo kay Attorney na willing ako.” She even rolled her eyes which made him laugh.
Nakita niyang nakangisi rin ang Papa niya sa bar at umiinom na mag-isa.
“Why would I even do that? Go on Attorney, put it that way; the one you’ve said. It’s fine.” Aniya kaya sumunod naman ang abogado.
“Paano ang mga mana mo at mga sweldo mo sa kumpanya? Hindi mo ba ipalalagay kay Attorney na dapat ay sa iyo lang iyon kapag naghiwalay tayo?” Tumingin na sa kanya si Louise at mabilis na umiling si Cayden.
“No. What’s mine is yours and no separation of properties even when it’s parting time.” Seryosong pahayag niya.
And I will see to it that there’ll be no fucking parting time.
Hindi siya papayag na magkaroon ng annulment kahit na magka-letse letse ang buhay niya.
Tumango ang Papa niya at ganoon din ang abogado.
BINABASA MO ANG
MK1-Spellbound✔️(inc)
RomanceCAYDEN HECTOR - is a wealthy bachelor, handsome and charitable. Wala nang hahanapin pa ang mga babae na pumipila para maging girlfriend niya. But those characterictics can't change the past. He's once a demon and heaven couldn't forgive him for tha...