MBS 21 - Bless' Gift

6.2K 291 19
                                    

MBS 21

--------

Napatigil sa pagpasok ng kwarto si Louise at sinenyasan si Patty na huwag ituloy si Blesserie dahil may naririnig siyang boses ng isang babae na madaldal at galit na galit. Sinilip niya ang pintuan at isang matandang babae ang nakikita niyang nagsisisigaw sa loob at umiiyak.

Nilapitan niya ang anak at kinausap. "Baby, may witch sa loob. Nangangain ng batang mataba. Mamaya sasabihan ko na lang iyong mga kuya na magbabantay sa iyo na dito ka ihatid pagkagaling sa eskwela ha. Don't argue. Daddy King will not get better if you won't follow Mommy's rules." Aniya rito na malungkot na tumango.

"Okay Mimi. I'll wait until it's time to go home so I can see Daddy. Bye-bye. Kiss mo siya ant sabihin mo na kiss ko ito ha para gumaling na siya." Hinalikan siya nito sa pisngi. "This one's for you." Lumipat sa kabila ang mga labi nito kaya ngumiti siya kahit tensyon ang nararamdaman niya.

"I love you Liempo." Paalala niya sa bata na yumakap sa batok niya.

"Pakihatid mo na muna sa eskwelahan, bff ha."

"Sige bff, ako ang bahala. Bye." Inakay na ni Patty si Bless pabalik kasusunod ang dalawang tauhan ng Papa ni Cayden.

Pumihit ulit siya at lumapit sa pintuan. Hindi niya alam kung papasok siya kasi mukhang kapamilya ang babae na nagwawala sa loob at galit na galit.

"I can't believe that you will do this to our sons, Isaac! Nagpakaama ka sa isa pero hindi ka nagpakaama sa dalawa!" Iyak niyon. "Mas pinili mo pa ang bastardo mo kaysa sa mga legal na anak!"

"Damn it Violeta! Walang bastardo, walang legal! Galing sila lahat sa semilya ko, sa dugo ko at sa laman! I am only teaching them a lesson they will never forget! Jesus! After all this time, they made me such a fool! Santo sila sa harap ko pero demonyo sa likod!" Galit na ganti rin ng Papa ni Cayden na nasilip niya sa siwang ng pinto.

Alam ni Louise na mali ang ginagawa niya pero tsismosa talaga siya kahit noon pa. Kahit na sa usapan ni Mother at ng mga bisita ay nakikinig siya kaya siya pa ang mas nauunang makaalam kung may aampunin o wala.

"Ikaw ang demonyo! Ang bastardo mo sa labanderang makati ang demonyo! Ilalabas ko ang mga anak ko sa kulungan at sasabihin ko na patayin na ang lalaking 'yan!"

Sukat doon ay dumapo ang malaking kamay sa pisngi ng babae kaya napasinghap siya nang halos tumilapon iyon sa may lamesa at dinaluhan naman ng isang umiiyak na babae.

"Dad!" Namiyok ang babae na mukhang kapatid ni Cayden.

"Subukan mo at ikaw ang papatayin ko. Walang awa sa akin ang mga anak mo, Violeta. How could they hurt their own brother for the benefit of that stupid brotherhood?! They thought I would never find out but now that I did, fooling time is finally over! Iuwi mo na ang Mommy mo, Jamaica at baka hindi lang sampal ang abutin niyan!" Mabalasik na sabi ni Isaac kaya napalunok siya ng laway.

"Hindi pa tayo tapos, Isaac." Banta ng matandang babae sa asawa tapos ay binalingan ang tahimik na si Cayden.

"Ikaw na hampaslupa ka," Gigil na duro niyon sa binata kaya natutop ni Louise ang dibdib.

He's not uttering any word but his eyes are too strong to handle a consistent stare at the woman's face.

"Salot talaga ang ina mo at ganoon ka rin."

"Mommy, tama na nga po." Pumiksi ang batang babae pero iwinaksi ng ina ang mga kamay nito na nakahawak sa braso.

"Huwag kang makuntento dahil lahat nf meron ka, pag-aari ng mga anak ko. Ang meron ka lang, kapal ng mukha at tapang ng sikmura na humarap bilang Zaragosa kahit na isa kang dakilang bastardo! You're a bastard and being the CEO of my husband's company can't change that reality! You're a trash and someone must put you where you really belong! Ako iyon, bastardo! Ako!" hinampas niyon ng bag si Cayden na hindi naman gumalaw.

MK1-Spellbound✔️(inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon