MBS 27
------------
Kumurap si Louise nang maramdaman na hinawakan ni Cayden ang kamay niya sa ilalim ng mesa. Kanina pa siya tulala at nakatingin lang sa mga tao.
“Ang daming tao. Para ka rin nagpakasal sa simbahan.” Aniya rito habang wala itong humpay sa pagsubo ng cake at parang bata na may icing ang sulok ng mga labi.
“Don’t mind them. Mga sira ulo naman ‘yan.” Anito saka sumubo ng isa pa pero biglang tumunog ang mga baso sa paligid kaya napatigil sa pagnguya si Cayden at tumingin sa kanya.
Ang lintik! Ang daming icing sa labi at hahalik pa yata ang damuho.
“Kiss daw, Mimi! Kiss mo raw si Didi!” Utos naman sa kanya ni Blesserie na ipinagtulakan pa siya habang nakaupo ito sa kabilang silya at katabi rin ang asong si Collie na hindi naman nakikisalo at naghihintay lang na subuan.
“Pumihit siya papatingin sa asawa pero malagkit na nguso ang sumalubong sa mga labi niyang nakaawang.
Nanigas na naman siya sa kinauupuan at humigpit ang pagkakahawak sa kamay ni Cayden.
Louise gasps for air when he licks that space in between her lips.
Nang pakawalan siya nito ay natawa pa habang nakatingin sa mga labi niya sa naniningkit na mga mata. Maharot ang walang hiya. Pasimple lang na kumilos talaga pero ang daming kalandian na alam sa katawan.
“Sarap?” he grins but she grabbed the glass of water.
Napainom siya nang wala sa panahon dahil sa mga kaharutan ni Cayden. “Ang landi mo.” Bulong ni Louise sa baso pero pinagtawanan lang siya nito kaya sa kabila ng tensyon ay napangiti rin siya.
Cayden's just so cool. Halatang masaya ito kahit na tatatlo ang miyembro ng pamilya na kasama nila at siya ay hindi maiwasan na maisip ang Papa niya.
Kahit na ba sabihing hindi naman sila nagmamahalan ni Cayden, iba pa rin ang pakiramdam pala ng ikinasal kahit na sa huwes lang. Hinahanap ng parte ng puso niya ang ama at naluluha siya sa kaisipan na hindi na yata siya naaalala niyon.
Napawi ang ngiti ni Louise at napalitan ng paghikbi. Pasimple siyang tumayo at nagpaalam na muna saglit.
“B-Banyo lang a-ako.” Aniya sa gumagaralgal na boses at hindi na rin nagawa pang tumingin sa mga mata ng asawa niya.
Sumunod sa kanya ang aso habang malalaki ang hakbang niya papunta sa comfort room.
Para siyang bata na umiyak sa harap ng salamin habang tinitingnan ang sarili. Ang ganda-ganda niya pero hindi man lang siya nakita ng Papa niya. Kahit naman puno ng hinanakit ang dibdib niya ay hindi naman mawawala ang pagmamahal niya sa lalaking naging instrumento ng Diyos para magkaroon siya ng buhay.
Sana lang nagbago na ang ama niya para sa isang araw na magkikita sila ay baka sakali na napatawad na niya iyon sa pagpapabaya sa kanya at sa pagiging dahilan kung bakit siya nagahasa.
Kinalma niya ang sarili at pinahid ang mga mata. Matapos na huminga nang malalim at kahit paano ay nabawasan ang bigat ng nararamdaman niya marahan siyang naglakad papunta sa pintuan, at laking gulat niya nang sa paglabas niya ay nakasandal na si Cayden sa pader at halatang inaabangan talaga siya.
“You’re sad. Did I displease my wife?” Seryosong tanong nito kaya napaawang ang mga labi niya.
“H-Ha?” Umiling niya. “H-Hindi. Bakit mo naisip ‘yan?” Naalanagan na tanong niya dahil nakatingi ito sa mga mata niya.
“Then why cry?”
Hindi siya nakasagot pero bumalik ang ikinasasama ng loob niya kaya napahikbi tuloy siya.
BINABASA MO ANG
MK1-Spellbound✔️(inc)
RomanceCAYDEN HECTOR - is a wealthy bachelor, handsome and charitable. Wala nang hahanapin pa ang mga babae na pumipila para maging girlfriend niya. But those characterictics can't change the past. He's once a demon and heaven couldn't forgive him for tha...