MBS 39
-----------
“S-Sa tabi na, Cade.” Louise gently holds Cayden’s arm when she noticed that familiar lamp post in front of their house.
Kagigising lang niya mula sa isang oras pang byahe at nasa Mabini na sila nang magmulat siya ng mga mata at ngiti ng asawa niya ang una niyang nakita.
At first she was hesitant to stare back at him but she managed to gather herself and stand with her words as well as stand with what she feels.
Nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang lumang Spanish house, kaagad na naging emosyonal siya habang nakikita iyon sa labas ng bintana ng forward. Nothing changed. Balot pa rin ng mga halaman ang labas ng bakuran na nagsisilbing isang bakod at sa loob ay ang malawak na carpeted na lupa, laruan niya noong bata pa siya. Naroon pa rin ang isang open na kubo at sa tabi niyon ay ang swing na ipinagawa niya sa Papa niya.
That swing served as her happy zone white the hut is a memory of her bitter past. Doon madalas na naglasing ang mga kainuman ng ama niya. Doon din siya nilasing at doon nagsimulang masira ang kanyang kinabukasan.
Nang tumingin siya kay Cayden ay nakatungo ito sa may manibela at parang may malalim na iniisip.
“Okay ka lang ba?” Hinagod niya anh likod nito kaya nag-angat ito ulit ng ulo.
“Yeah. Don’t mind me. Familiar lang sa akin ang lugar at may naalala ako. Paglabas ko sa Batangas, naaksidente na ako at doon na nawalan ng alaala. Nagka-amnesia ako at kailan lang bumalik ang lahat.”
Tumango siya. Noon niya naalala na may warehouse nga pala ang mga Zaragosa malapit sa Mabini at hindi niya alam kung bakit parang naaaninag niya sa isip ang lugar na iyon na sarado na naman. It’s weird anyway but she doesn’t pay attention to it anymore.
“Go ahead and meet your Papa. I’ll just wake Bless up and we’ll follow. Don’t forget that I am here. I have your back, baby.” Anito sa kanya.
“I know; and I have yours, too. Pwede kitang damayan sa mga bagay na hindi mo pa masabi sa ngayon.” Paalala rin niya rito kaya tumango si Cayden at ngumiti.
Bumaba siya nang walang imik sa sasakyan at kinakabahan na humakbang papasok ng malawak na bakuran.
Walang nagbago sa bahay nila, malaki pa rin at luma pero bakit tahimik at parang walang tao? Nagkakalat ang mga bunga ng rambutan sa lupa at mukhang walang naglilinis. Nasaan na ang mga stepsisters niya at ang madrasta?
Lumingon siya at nakita si Cayden na nakasunod na habang karga si Blesserie. Mag-a-alas seis na ng gabi at nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Halos wala na rin tao sa kalsada at tahimik na pero maliwanag pa naman.
Pumasok siya sa silong ng bahay at umakyat sa kahoy na hagdan diretso sa mataas na balkon papunta sa main door. Sa pagbungad niya sa pintuan ay nakita niya ang bulto ng isang lalaki sa malawak na kusina at mag-isang nagluluto. Walang ibang tao liban sa lalaking iyon na parang namayat. Hindi niya maramdaman ang galit. She had thought that rage eaten up her system but at that moment, she feels longing after all.
Louise knows the built of the man and it belongs to no one except to her father. Nang humakbang iyon papunta sa isang gas range ay nahabag siya nang makitang pilay iyon at hindi pantay ang paglakad. Bakit ganoon na ang dating matikas niyang Papa?
“Papa—” mahinang tawag niya at natilihan iyon sa pagkakatayo sa harap ng lutuan at hindi man lang lumingon.
“Pa,” Her voice cracks as she forbids not to sob.
Bumalik ang sakit na naranasan niya pero ramdam niya sa puso na mas matimbang pa rin ang pagmanahal niya sa ama na pinabayaan siya.
Akala niya ay hindi na darating ang araw na makakapa niya sa puso ang pagpapatawad pero sa isang iglap ay namatay lahat ng galit niya at hinanakit. Iba pa rin kapag totoong nakaapak na siya sa lugar kung saan siya nagkaisip, kaharap ang ama niya.
BINABASA MO ANG
MK1-Spellbound✔️(inc)
RomanceCAYDEN HECTOR - is a wealthy bachelor, handsome and charitable. Wala nang hahanapin pa ang mga babae na pumipila para maging girlfriend niya. But those characterictics can't change the past. He's once a demon and heaven couldn't forgive him for tha...