MBS 18
----------
Louise is permanently gazing at Cayden's face. Tulog na ang binata at malalim na ang paghinga. Maga lang naman ang mukha nito at maraming pasa pero pasasaan ba at alam niyang babalik din ang dati nitong hitsura. Dermatologist naman ang tiyahin nito kaya alam niyang kung ano-ano yatang ipapahid dito ni Carrie para mawala kaagad ang mga mantsa sa balat nitong mas makinis pa yata sa balat niya at mas maputi pa sa kanya.
She's tan and Cayden is fair skinned-pinkish tone to be precise. Parehas ito ng kutis ni Blesserie at malamang na masasabi niyang parehas ng kutis ng ama ng anak niya.
Napatingin siya sa kamay niyang hawak nito at aminin man niya sa hindi, natatakot siya sa kaligtasan nilang mag-ina. Kaya niyang lumaban pero kapag nadamay na ang anak niyang babae, hindi niya alam kung kakayanin pa niya. She was kidnapped, got raped but nobody cried for her, and now that she's already a mother, it will kill her if Bless will experience what she's been through. Yes, she needs protection for her daughter but is marriage the right solution? Isang kasal sa lalaking kailan lang niya nakilala at hindi niya alam kung may mga tagong ugali pa ba?
Pero malinaw naman ang sabi ni Cayden na magkakaroon sila ng kasunduan at sa oras naman na hindi tumupad iyon ay pwede niyang sirain ang lahat; at kung ikukumpara naman ito kay Matt ay hindi hamak naman na mas mabuti itong lalaki. Hindi pa ba sapat na patunay ang gustuhin siya nitong nasa tabi lang kahit na halos mamatay na sa bugbog?
Natigil ang pag-iisip ni Louise nang pumasok si Carrie sa kwarto at ngumiti sa kanya. Pawis ito at mukhang galing sa gyera. Bitbit nito ang mga pagkain saka inilapag sa mesa.
"Hoo Diyos ko! Anong hirap magkapamangkin na gwapo na-sobrang bait pa." Iiling-iling na sabi ni Carrie kaya napangiti siya at sumulyap sa tulog na si Cayden.
Hawak pa rin nito ang kamay niya at kahit na gusto na niyang bawiin ay hindi niya magawa. Iyon man lang ay gusto niyang makabayad sa kamuntik nitong pagbubuwis ng buhay para sa kanya.
"Dinumog ng kababaihan ang lintik na ospital dahil sa lalaking 'yan. Nag-aaway-away doon at lahat daw girlfriend, samantalang wala naman 'yan ni isang ipinakilala sa amin. Mabuti pa nga ikaw na hindi girlfriend ay nabibit sa bahay ko. If I know, they're all Cade's one night affair." Kwento ng duktora na parang pagod na pagod pa.
"Baka mahal nilang lahat si Cayden." Simpleng sagot naman ni Louise na tinanguan ng babae.
Saglit iyon na lumingon sa kanya habang inihahanda ang mga pagkain. "Mismo. Many women wanted to marry my nephew. Of course, magandang lalaki ang unang dahilan, pangalawa ay yaman at pangatlo ay ang proteksyon na kaya niyang maibigay, at plus na rin ang kasikatan. Kahit naman bastardo 'yan, legal iyan na Zaragosa. Ay meron pa pala-" mabilis na dagdag nito. "Malaki ang kwan at magaling daw sa kama."
Susmi! Nasamid bigla si Louise kaya natawa si Carrie sa kanya.
"Kasama po ba talaga iyon Duktora Carrie?"
"Para sa mga babaeng iyon, malamang na ang rason na iyon ang number one sa listahan nila. Sabi ni ate, baby pa lang 'yan ay pinagkakaguluhan sa ospital ng mga nurses na babae dahil malaki raw nga ang kwan na parang abnormal pero normal naman pala sa mga may dugong foreign." Anito at siya naman ay parang hiyang-hiya.
Palibhasa duktora kaya yata walang pilo ang bibig na magsalita at magkwento ng mga bagay na ganoon.
Marahas siyang umiling. "C-Change topic." Aniya na ikinahagikhik nito. "Na-Nasaan na po pala si Sir Isaac?"
"Pumunta sa presinto. Unluckily, baka mamatay ng maaga si kuya sa kunsumisyon sa tatlo niyang anak sa legal na asawa. Kasama si Philip at Morgan sa mga lalaking bumugbog kay Cade." Awa ang sumungaw sa mga mata nito nang tumingin kay Cayden.
BINABASA MO ANG
MK1-Spellbound✔️(inc)
RomanceCAYDEN HECTOR - is a wealthy bachelor, handsome and charitable. Wala nang hahanapin pa ang mga babae na pumipila para maging girlfriend niya. But those characterictics can't change the past. He's once a demon and heaven couldn't forgive him for tha...