MBS 51 - Her Love

13.7K 401 86
                                    

MBS 51

---------

Alas kwatro pa lang ay pumunta na si Louise sa ospital para makita ang Papa niya. Iniwan na muna niya si Blesserie kay Patty dahil ayaw niyang gisingin ang anak na mahimbing pang natutulog.

Nagpaalam lang siya saglit sa ama na may aasikasuhin lang at babalik siya bago mag-alas dos para sa operasyon niyon.

Hindi siya sanay na nagsasabi sa ama niya pero nagpatiuna na si Ismael na tanungin siya kung kumusta at nauwi sa iyakan ang isang salita na iyon.

Nagkwento siya at napangaralan. Naliwanagan siya lalo kaya nabuo ang pasya niyang umuwi na sila sa araw na iyon.

Iba pa rin talaga ang may magulang na nakaagapay kahit na sa paglaki. Gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing may naririnig siyang payo sa kanya at mas lalo niyang nabuksan ang isip at puso nang ang ama mismo niya ang nagsalita sa kanya.

She’s now decided and willing to take chances. Kagabi pa lang naman ay buo na ang desisyon niya pero ngayon ay mas dumoble ang determinasyon niyang makausap ang asawa at magkapaliwanagan sila bago pa man mahuli para kanila ang lahat. And besides, they’re adults. The consequence will dramatically fall on Blesserie if they will never fix the mess right away.

She doesn’t want a broken life for her only daughter. It is time to give her child the only prayer Bless keeps on saying, to have a Daddy and a happy family.

Pagbaba niya sa taxi ay mabilis na siyang humakbang papasok sa gate ng apartment pero isang boses na naman ang nagpalingon sa kanya.

“Louise.” Ani Matteo na kaagad niyang nilingon at buong lakas na sinampal sa pisngi.

Natutop niyon ang mukha at nakita niyang bumalasik ang anyo, isang bagay na hindi niya nakita sa mukha ng asawa niya kahit na sinuntok na niya at pinagsasampal.

“Sasaktan mo rin ako? Sige at ng magkapatong-patong na ang kaso mo. Ang sampal na ‘yan ay sa kamuntikan mong pagsira sa pamilya ko. Mabuti na lang at hindi pa ako ganoon kagaga para maniwala sa intensyon mo, Matteo. Kaaway pa rin kita kahit ilang beses mong ipamukha sa akin na rapist ang ama ng anak ko. Compared to him, you never even reached the tip of his hair. And know what, I realized that every single thing in this world has its own beginning. My daughter’s not just acceptable but the important thing is it had brought a real blessing. Tantanan mo na ako at sa korte na tayo magkita sa mga susunod na hearing ng attempted rape case mo.” She scornfully scowled at the lawyer.

Parang nalulon nito ang dila at mataman lang siyang tiningnan na parang nasaktan din.

Sa wakas yata at tinablan ito ng sakit.

“Stop stalking me. Kahit na ilang libong taon ang gugulin mo sa pagsunod sa akin, hindi na kita gugustuhin kailanman. I found a man who never mistreated me despite the mistake he had committed.” Namuo ang mga luha niya sa pagkakaalala sa lahat ng kagandahan na ipinakita sa kanya ni Cayden.

“Mahal ko siya at masaya ako sa kanya. Kung ikukumpara sa dalawang taon na pinagsamahan natin, ang halos isang buwan na pagsasama namin ni Cade ay milyong milya ang layo sa mga panahon na inubos ko sa pag-intindi sa mayabang mong pagkatao.” Patuloy na daldal niya at wala naman itong kaimik-imik.

“Umalis ka na Matteo. Wala ka ng aasahan pa.” Louise raised her left hand, showing the bond of her marriage with Cayden—her wedding ring.

Sibil man iyon at hindi simbahan, ganoon din ang halaga niyon para sa kanya dahil isa iyon sa mga bagay na bumubuo sa pagkatao ng anak niya at mga magiging anak pa kaya pahahalagahan niya bilang isang asawa at mas lalo bilang ina.

MK1-Spellbound✔️(inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon