NAGLAHO

78 1 0
                                    


Naglaho
Unspoken Poetry

Ang unspoken poetry na ito ay inaalay ko sa taong iniwanan ng kanilang kaibigan
Nagaasumme kasi tayo na yung pagkakaibigan natin hanggang dulo
Kaya tayo nasasaktan eh...
Ang pamagat nito ay NAGLAHO

Oh aking kaibigan,
Ating pagsasama ay nasaan?
Ang sabi mo sakin
Walang Iwanan
Pero bakit ikaw pa ang gumawa ng dahilan
Para ang pagkakaibigan natin ay putulan

Parang pinutulan ng isang kabanata ang ating istorya
Ang tanong lang dito kung ang ating pagkakaibigan ay pagpapatuloy pa ba?

Isa nga sa pinakamasayang bahagi ng buhay ang magkaron ng kaibigan
Nandon na yung hirap, saya, kalokohan at tawanan
Pero ang problema ko isa lang ang aking tunay na kaibigan
At ikaw yon

Alam ko rin naman na ang pagkakaibigan nating ito'y panandalian lang

Sa dinami-rami ng tao sa mundo
Ikaw pa ang naging kaibigan ko
Pero hindi ko aakalain na pati ako iiwan mo
Yung pagkakaibigan nating 'to unti unti ng naglalaho

Parang dati ikaw lang ang maaasahan ko
Kasama ko kahit saan
Nagdadala ng kasiyahan

Kapag may problema
Ikaw ang lagi kong kasama
Tulong mo'y lagi kong dama
Pati ang pagdamay ikaw ang kasama

Tanggap naman natin ang isa't isa
Pero bakit biglang naglaho ka na?

Naglaho na yung mga pangakong salita
Naglaho na ang turing nmin sa isa't isa
Mas lalong naglaho na ang pagkakaibigan nating dalawa

Ano bang nanggyari?
Parang nakahanap ka lang ng babae
At iyong madadale
Pinagpalit mo na ko sa ganyang babae

Syempre kaibigan mo lang ako
Kaibigan mong umaasa kung maaayos pa ang kakaibigang 'to

Patagal ng patagal
Para na akong nagiging sagabal

Habang ikaw tuluyan mo na kong iniiwan
Nagpasyahan mo na siguro na ako'y kalimutan

Pero para sakin kung ikaw ay babalik pa
Handa ako buuin ulit ang pagkakaibigan nating dalawa

Kasi ang nabuo nating ala-ala
Pati na ang kasiyahan ng isa't isa

Poem and Unspoken Poetry:TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon