"Hirap Na Ako"
Kung ako'y kikilos bilang tunay na ugali ko
Sasabihin nila sakin tarantado
Kung ako naman ay magpapanggap na hindi tunay na ako
Sasabihin nila sa akin pabebeng taoKapag mababa ang nakuha ko sa test,
Sabi nila ako daw ay bobo
Kapag naman ay mataas ang nakuha ko
Sasabihin nila sakin nandaya at nangopya lang akoKapag kinausap ko ang aking guro
Sasabihin nila sa akin ay pabibo
Kapag hindi ko kinausap ang aking guro
Sasabihin sa akin hindi palakaibiganKapag ako'y nagayos ng aking mukha,
Sasabihin nila sa akin pokpok daw ako
Kapag ako naman ay 'di nag-ayos,
Wala daw akong pakealam sa sarili koKapag ako'y nagiisa
Sabi nila sakin ay wala daw akong pakisama
Kapag ako naman ay madaming kasama
Sabi nila sakin ay malandi naHindi lang iyan ang panghuhusga;
Na sinasabi nila
Madami pang iba
Ngunit hindi ko na iisa isahin paMay panggyayari lang na;
Ako'y nilapitan ng aking mga kaibigan
Dahil daw ay kanilang kinagagalitan at kinaiinisan
Sila ng isa pa naming kaibiganNagulat ako ng kinabukasan;
Ay bigla nila akong hindi sinamahan
Biglaan ding iniwanan
Habang kasama ang kinainisan nila nung isang araw langSabi nila sa akin ay ako daw ang lumalayo
Pero ako na yung taong lumalapit,
Pero hindi nila ako kayang pansinin
Kaya hindi na ako nagpipilitKung ayaw niyo sa akin
Malaya niyong sabihin
Huwag niyong pagsabi sa iba;
At patalikod akong tinitiraSinisiraan sa ibang tao
Kaya sirang sira na ang pangalan ko
Kahit pumunta lang dito
Bagong isyu nanaman ang haharapin koMadami naman akong kaibigan
Ngunit ang karamihan
Hindi man lang ako malapitan
Hindi nga pala sila totoo kaya ako din ay kanila nilang nilisanHirap na ako lumugar,
Hirap na ako maging ako
Hirap na ako magpakatao
Hirap na akong maging parang sundalo kung wala lang lahat ng ipaglalaban koSinusubukan kong magbago
Para sa inyo
Pero bakit ng nagbago na ako;
Ay umaayaw na kayoKaya bumalik ako
Sa dating ako
Pero bakit ayaw niyo?
Padin ang kagaya ko?Ganto na ba talaga sa kasalukuyan?
Lahat nalang ng kilos at galaw;
Isyu, husga, basta may masabi nanaman
Kahit nagkamali lang hindi na kayang patawarinTila'y nawawala na sa ating isipan
Ang sinabi ng bayani ng ating bayan
Sabi niya'y "Kabataan ang pag-asa ng bayan"
Pero bakit hindi natin ito mapatunayan sa kasalukuyan?Siguro kaya hindi natin ito mapatunayan
Dahil tayo'y masyadong nagpapakain sa sistema
Kaya ang iba sa atin ay nahihirapan na
Kailan ba magbabago ang ilan?Hirap na akong kumaibigan dahil isyu nanaman
Hirap na akong magkatiwala dahil ikakalat nanaman
Hirap na akong kumausap dahil husga nanaman
Ang hirap naSaan kaya ako lulugar?