Pwede Ba?
Ginoo pwede bang matanong kung may nagmamay-ari na diyan sa puso mo
Kasi kung wala ay pwede nalang ba ako?
Baka matipuan mo kasi ako
Kay tagal tagal ko na rin nagpapansin sa iyoUnang araw na makita kita
Gusto na kita makasama
At lalong makilala pa
Kahit may mahal ka pang ibaKahit maging pangalawa lang ako diyan sa puso mo
Baka sa susunod
Ako na rin ang magmamayari ditoPangatlong hiling
Sakin manggaling
Sana ako'y iyo ding ibigin
Kung sakali tuparin ang aking mithiinPangapat na beses mo ng naikwento sakin;
Ang babaeng iniibig mo
Ang swerte niya sa iyo
Ano bang meron siya na wala ako?Pero sa limang beses ka na umiyak dahil sa kanya
Ako'y nandito para sa'yo
Kaya tinatagan mo ang loob mo
Sabay sabi sakin na “salamat kahit ang tanga tanga ko”Pinagkumpara mo kaming dalawa
Anim na ugali ang wala ako na meron siya
Pero nagkaron ako ng kaunting tsansa
Dahil ang sabi mo't mas deserve at naappreciate mo ang pagmamahal ko diba?Pito, pito ang pampaswerteng numero
mo
Pero akalin mo yun
Sa pitong araw na lumipas
Umamin rin ako sa iyoWalong beses man ako masaktan
Basta ipaglalaban ko ang aking nararamdaman
Kaya kung sakali man lang naman
Ako rin ay ibigin moPangsiyam na beses ko ng pinangarap
Na makita mo rin ang halaga ko
Gusto ko lang naman kung
Pwede ba ako nalang?Kay tagal ko ng pinapangarap pinapangarap na makasama ka
Kay tagal ko ng pinapangarap Pinapangarap na ako na ang iniibig moSampung beses ako nakikinig
Sa iyong tinig
Kahit anong manggyari ang buhay ko'y iaalay ko sa iyoKaya pwede ba?
Ang ating damdamin ay ating ipaglaban
Alam ko namang parehas lang tayong dalawa na nagtataguanAyoko na maglaro
Hindi na tayo mga bata para itago ang nararamdaman
Natin sa isa't isa
Kaya kung sana lang naman...Pwede ba??