Basta Ako

24 1 0
                                    

Basta Ako

Ano nga ba tayo?
Tayo yung magkaibigan;
Magkaibigan na nagkakaintindihan
Tayong dalawa lang

Alam mo sabi nila sakin
Ayaw na nila sayo dahil sa ugali mo,
Kaya ako yung nagtiyaga sa'yo
Kahit ganyan ka pa katarantado

Basta ako yung taong nagtitiis sa'yo
Basta ako yung taong iniintindi ang problema at buhay mo
Basta ako yung taong susuportahan ka sa gusto mo
At ako yung taong nandito para sa'yo kahit sa dulo ito ay komplikado

Ako'y magmamahal kahit paulit-ulit ng nasasaktan
Bilang kaibigan ay nagkaron ng kaunting pagmamahalan

Pero walang malisya
Sadyang binigyan lang ng isyu ng taong nakapaligid na hindi naman alam ang tunay na istorya;

Kaya ako'y;
Aasa kahit walang pag-asa
Dahil alam ko sa bawat kabanata ng ating istorya
Matatapos na

Pero umaasa ako
Kung sakaling tutuparin mo yung pangako mo,
Na ngayon ay pakong pako
Bakit ganito?

Umaasa ako na baka sakaling ako piliin mo
Bilang kaibigan mo
Dahil pagkakaibigan ito, ako yung nandito para sayo
Hindi mo ba makita ang halaga ng isang tunay na pagkakaibigan sa isang tao?

Kasi kung alam mo yung tunay na kahulugan ng halaga
Dapat nakita mo na
Hindi yung nag-iisip ka lang na nahihirapan ka na
Pero yung totoo mawawala ka na

Hindi ko ba alam kung sadyang inuutusan ka lang niya
O’ baka naman sadyang ayaw mo lang sakin diba?

Puwede ding may iba ka pang dahilan
Maari mo namang sabihin basta magpakatotoo ka lang

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob na sabihin sa'yo
Yung nararamdaman ko
Kasi kung alam mo pati ako nahihirapan at nasasaktan
Kung alam mo lang na hindi ko kakayanin

Simula pa nung sinabi mo sa akin;
Na kailangan medyo maglalayuan
Dahil nga sa tao na iyong sinisinta,
Wala na ba akong kwenta? Bakit kailangan maglayuan pa?

Pero ako'y mananatili kahit hindi pinili
Dahil kung sakaling pati ako'y lumisan, wala ng taong gustong manatili sa'yo
Alam ko naman na hindi mo ko kayang piliin dahil mag kaibigan lang naman tayo
Kaya kahit para akong tanga na nagpaalam sana hindi ka tanga na ako'y papabayaan nalang, sadyang hindi ko kakayanin kasi nahihirapan na ako

Nahihirapan na ako sa sitwasyong ito
Magkaibigan tayo
Close tayo
Pero bakit ganito?

Nagkaayos kayo
Tapos lilisanin mo ulit ako?

Kasi in the end ganito din naman ang manggyayari;
Siya ang pipiliin mo
Pero ako yung nanatili para sayo
Tapos yung pagkakaibigan natin wala na finish na kasi nga tinapos na

Basta ako;
Iiniintindi ko kahit wala na akong maintindihan,
Iniintindi kita tuwing may masama na nararamdaman ka, kahit ako'y walang karapatan,
Iniintindi kita sa lahat kahit hindi ko na kaya,
Iniintindi kita tuwing may problema ka,
Ang dami kong pag-iintindi pero hindi ko na maintindihan

Ganyan ako
Basta kaibigan ko
Basta sa ikakasaya mo
Masaya na din ako

Kahit na masakit ang nadarama ko
Kahit na ganto ka sa kagaya ko

Apat na pangungusap ang laging magpapatanda sa akin sayo;
Magmamahal kahit paulit-ulit ng nasasaktan,
Umaasa kahit walang pag-asa,
Mananatili kahit hindi pinili,
Iniintindi kahit walang maintindihan

Basta ako ganyan ako
Kahit na masasaktan ako
Kaya sana naman intindihin mo
Bilang kaibigan mo

Kahit pagkakaibigan natin ang kapalit ng pagpaparaya ko
Kahit masasaktan ako
Kahit nahihirapan na ako
Basta ikakasaya mo

Ikakasaya mo para sa inyo ng taong mahal mo kahit wala na yung pagkakaibigang ito...

Basta masaya ka,
Masaya na din ako...

~binibining rhea

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Poem and Unspoken Poetry:TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon