Buhay Guro

33 1 0
                                    

Buhay Guro

Minsan sa aking buhay tinanong ko sa aking sarili kung "Ano nga ba trabaho ng isang guro?"
Siyempre magturo sa mga mag-aaral at humubog ng kinabukasan kasama natin sa pagbuo
Pagbuo ng ala-ala mula sa nakaraan at sa pagbuo ng ating kaalaman
Tumutulong rin sila para sa ating kinabukasan

Sa isang papel na ito na pinagsusulatan natin
Bakit hirap natin gamitin kahit magsulat man lang ng mga aralin
Kung ang guro nga natin
Nagpapakahirap mapaunlad lang ang kaalaman natin

Ang bawat guro natin ay may papel
Hindi man bagay ngunit papel na ginagampanan sa ating buhay, kumunidad o lipunan
Nagtuturo sa paaralan
Pero sa bahay ay iba na ang kanilang ginagampanan

Ang chalk na ito ay unti unting nauubos
Unti unting nauubusan ng pisi sa pagintindi sa atin
Kaya minsan ay napupuno rin sila at tayo'y napagsasabihan
Pero sana hindi natin sila alipustahin, sisihin, at husgahan

Minsan sa aklat sila bumabase
Bumabase ng bago nating matutunan
Batayang aklat na isang sistemang pagsasaayos ng paksang-aralin
Para sa isang tiyak ng asignatura at antas na tatahakin

Ang indeks card na minsan na rin nating kinatakutan
Bubunot ng isang pangalan;
At sasagot sa karamihan
Hindi pa nga sigurado sa sagot at tila nagiging kahihiyan

Madaming kagamitan ang isang guro; Ngunit hindi lahat ay napapahalagahan
Pagdating ng guro sa silid aralan
Hatid nila'y solidong kaalaman upang ang utak nating estudyante ay punan
At balang araw ay ating pakinabangan

Iniindang pagod nila ay kailangan tiisin
Mahabang pasensya ang kailangan nilang pairalin
Lalo na sa mga ulong tigasin
Ang kanilang mga maling gawain ay kailangan tamain

Oras ng pagtuturo ay mahaba
Kesa sa pamilya nila na dapat sila'y nagaalaga
Kulang ang oras ng pagaaruga
Kaya minsan ay pasimple silang napapaluha

Guro natin ay kailangan galangin
Guro ang siya'y pangalawang magulang natin
Kaya lahat ng guro kailangan irespeto dahil sa kanila tayo natuto
Kaya para sa lahat ng guro na nandito SALAMAT SA INYO AT KAMI AY SALUDO

Poem and Unspoken Poetry:TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon