Kahit Panandalian

24 0 0
                                    

"Kahit Panandalian"
Unspoken Poetry

Una, ikaw ang kaunaunahan kong naging totoong kaibigan diba?
Dahil sabi ko sa aking isipan, buti ka pa hindi nangiiwan at lagi akong sinasamahan at ang ating istorya may bagong kabanata nanaman

Nabigla ako ng nalaman kong pangalawa lang pala ako sayo
Pangalawa dahil nga may mahal ka at magkaibigan lang tayo

Bakit sa pagdating ng tatlong linggo
Bigla ka nalang naglaho sa piling ko?

Apat na kaibigan na ang nagsabi sa akin;
Na itigil ko na ang paghihintay ko sayo na pagbabakasakali ko kahit sumagot ka man lang sa mga chat ko kahit iba na ang iyong kapiling

Lima ang pandama na nagsasabi na ako'y umaayaw na
Nakakasawa na maghintay lalo na't nalaman kong may pinagbubusy-han ka palang iba

Sabi nila sa akin na ang panganim ay walang halaga
Walang kwenta ang lahat lahat ng ating pinagsamahan lalo na't ng dumating siya

Pito ewan ko ba kung pampaswerte ito pero bakit naging malas ako?
Akala ko hindi mo ako iiwan pero nagulat ako ng bigla mo akong nilisan ng walang paalam

Walo nakakagago
Ang sakit na ng damdamin ko hindi ko akalain na ang aking munting kaibigan ay nakahanap na ng iibigin kaya parang wala ng ako, wala ng ako na parang dati bumubuo ng mundo mo

Siyam sayang ang ating pagkakaibigan at pinagsamahan
Bakit dumating pa ang iniibig mo? Kakalimutan mo rin pala ako

Sampu baka sa susunod na araw ay babalik ka sa kagaya ko pagkatapos ka niyang iwan
Kaso imposible dahil marupok kayong pareho, pero malaki ang pasasalamat ko

Salamat dahil ikaw ay laging nandiyan
Salamat dahil lagi mo akong sinasamahan
Salamat dahil inintindi mo ako
Salamat dahil kahit ako'y malakalokohan tinanggap mo ako
Salamat dahil lagi mo akong pinapayuhan
Salamat dahil lagi kang bumubuo ng araw ko
Atleast kahit panandalian
Ika'y naging tunay na kaibigan

Poem and Unspoken Poetry:TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon