Kung Hindi Ako

60 2 0
                                    

Kung Hindi Ako

Ang tulang ito ay inaalay ko sa mga taong umaasa
Umaasa pero gusto ng sumuko sa larangan ng pag-ibig
Dahil nga ang iniibig mo, sinta;
Ay iba

Alam ko sa sarili ko
Hanggang magkaibigan lang tayo
Pero ako'y umaasa at nagbabakasakali sayo;
Na baka sa isang araw makita mo rin ang halaga ko

Pero nagkamali ako,
Sa sobrang lapit na nga natin sa isa't isa
Tila'y akala nila may namamagitan na
Akala din nila may kahulugan na

Yung araw na best friend kita
Lagi tayong magkasama
Sabay tinatahak ang mga problema
Pero sa atin ay walang malisya

Kahit puro issue ang naririnig sa iba
Tayo lamang ay dedma
Pero hindi mo din alam na ako'y nagtatago
Nagtatago ng feelings sayo kaso nga lang manhid ka

Gusto ko sana umamin sa'yo
Kaso alam ko ifrifriendzone mo lang ako
Kaya hindi na ako nagsalita pa,
Dahil alam ko sa sarili ko may mahal ka ng iba

Ako yung naging isang daan
Patungo sa inyong pagmamahalan
Hindi naman sa pagmamayabang
Pero ako'y ginamit mo lamang

Gusto kong ipagmalaki sa iba;
Na ginamit mo lang ako para mahalin ka niya
Pak ganern diba?
Epektibo sa karupukan niyong dalawa

Nagulat ako sa isang araw na hindi ka na nagparamdam sakin
Kada chat ko sa iyo sasabihin mo "sorry magkachat kami"
Hindi naman masakit sa piling
Kasi sobrang sakit lang para sa akin

Ikaw kaya gamitin?
Matutuwa ka ba sa iyong kalokohan?
Para lamang pagselosin;
Ang taong iniibig para lang maibalik ang inyong pagmamahalan

Tangina! Nakakagago na
Alam ko namang masama magmura
Pero mas masama pag pinili pa kita
Tinuring kitang totoong kaibigan pero nagulat ako ng biglaan mo akong nilisan

Kasi kahit hindi mo ako mahalin
Basta yung pagkakaibigan natin
Ang tanging pinaglalaban ko kaso gusto ko ng sumuko,
Bakit pa ako lalaban kung iba naman anv pinaglalaban mo?

Bakit pa ako magmamahal ng kagaya mo,
Kung iba naman ang iibigin mo?
Bakit pa ako muling makikipagkaibigan sa iyo,
Kung ako'y iyo lamang kakaibiganin para gamitin

Kaya kung pwede lang kung hindi ako
Sana patinuin ka niya bro;
Sana hindi ka niya gamitin kagaya ng ginawa mo sa akin
Sana tunay na ang pagmamahalan dahil sayang lang ang ginawa mong panggamit sakin

Nakakasawa ka patinuin
Nakakasawa ka mahalin
Nakakapagod gawing pangalawa,
Nakakapagod kahit iba na ang iyong sinisinta

Pero basta tandaan mo
Kahit hindi na ako ang kasama mo
Kahit hindi na ako ang malapit na kaibigan mo
Kahit hindi na ako yung taong gustong magpatino sayo

Kahit hindi na ako yung taong nandiyan para sayo
Kahit hindi na ako yung taong kayakap at kaakbay mo
Kahit hindi na ako yung taong mamahalin ka ng todo
Kahit hindi na ako at kakalimutan mo nalang ako

Basta masaya ka
Kahit nasa piling ka na ng iba
Pero tandaan mo;
Mahal kita at nandito ako kung sakaling saktan ka niya

Poem and Unspoken Poetry:TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon