“Hiling”
Kailan kaya tayo babalik?
Sa dating pagkakaibigan natin
Sa dating turingan natin
Ang tanong ito pa ba ay mababalik?
Matalik kitang kaibigan
Pero hindi ka man lang nagpaalam
At basta basta mo nalang ako
Biglang iiwan
Nakakapagod lang umasa
Kung sakaling babalik pa sa dating tayong dalawa
Kasi yung pagkakaibigan padin natin
Ang tanging pinaglalaban ko
Bakit ka pa nangako
Kung hindi mo rin naman tutuparin
Bakit mo pa sinabi sakin
Na yung pagkakaibigan natin
Ay hanggang dulo
Pero ikaw naman ang unang sumuko rito
Babalik ka pa ba?
Babalik pa ba sa tayong dalawa?
Babalik pa ba ang turing natin sa isa't isa?
Babalik pa ba ang lahat ng ating ala-ala?
Sana naman bumalik tayo sa nakaraan
Para naman
Makita mo muli
Kung gaano tayo
kasaya...
kaligaya...
Laging magkasama...
Pinagtatanggol at nagpapayuhan sa isa't isa...
Nakakamiss lang ang nakaraan
Kung san hindi mo pa ako biglang iniwan
Hindi yung nagkagirl friend ka lang
Ako na ay iyong kinakalimutan
Pano naman ang ating pinagsamahan?
Oo nga't mas mahalaga siya kesa sa akin
Dahil kaibigan mo lang ako
Pero tandaan mo rin naman ako yung nandito para sayo
Noong panahon na nahihirapan ka bumangon sa mundong ito
Parang dati'y pinagmamalaki mo pa ang pagkakaibigan nating dalawa
Pero dahil nga dumating siya
Dumating na ang iyong sinisinta
Isa lang naman ang hinihiling ko
Huwag mo kong iwan
Dahil ikaw lang ang natatangi kong kaibigan
Sana naman iyong tuparin