Mahal Kita, Kaso

54 0 0
                                    

Mahal Kita, Kaso

Una palang naman
Ay iniibig rin kita,
Kaso nakakatakot umamin
Baka ika'y mairita

Lagi din naman tayong magkachat sa isa't isa
Sabay naglalakbay sa bagong kabanata;
Ng ating istorya
Kasama pa ang ating kaibigan na kung tawagin ay barkada

Close naman tayo sa isa't isa
Halos talambuhay nga ay alam na
Kapag may tinanong ang ating guro tungkol sa'yo;
Ako na ang sasagot diba?

Sa isyu
Sa husga
Sa mga sabi-sabi nila
Dedma lang tayo sa kanila

Nabalitaan ko rin
Na ika'y may pagtingin sa akin
Ayaw ko naman na ikaw ay paasahin
Kaya ako muna ay nagtago ng feeling

Ayaw ko muna kasi sabihin sa'yo
Yung tunay na nararamdaman ko
Kasi baka pati ako
Yung masaktan kung hindi mo ko kayang seryosohin hanggang dulo

Aaminin ko,
Sweet ka
Maalaga ka
Mapagalala ka
Matiyaga ka
Mapagpayo ka
Masiyahin ka
Kaya nga happy pill kita

Mahal din naman talaga kita kaso natatakot ako sa isasagot mo
Mahal kita kaso baka layuan mo lang ako
Mahal kita kaso di ko kayang sabihin
Mahal kita kaso baka hanggang magkaibigan lang tayo
Mahal kita kaso minsan kang tayong magkasama
Mahal kita kaso madami pa tayong ginagawa
Mahal kita kaso marami ding nagmamahal sa'yo
Mahal kita kaso baka ayaw sa atin ng taong nakapaligid
Mahal kita kaso hindi ko pa kayang panindigan
Mahal kita kaso masyado pang magulo ang sitwasyon
Mahal kita kaso baka di ka makapagantay pa
Mahal kita kaso ginagawa mong biro lahat ng pagseseryoso ko
Mahal kita kaso mukhang malabo

Basta tatandaan mo
Mahal din naman kita kaya sana kung ano muna meron tayo hanggang dun muna dahil natatakot ako kung sakaling malaman mo...

Poem and Unspoken Poetry:TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon