Sistema ng Social Media

55 1 1
                                    

Ang tulang ito ay inaalay ko sa mga nagpakain o nakain na ng sistema ng social media
Ang pamagat nito ay "Sistema ng Social Media''

Bago ko simulan tatanungin ko muna kayo
Anong chapter ka na ba sa wattpad
Anong episode ka na ba sa anime at kdrama
Pero bakit yung takdang aralin mo hindi mo kayang atupagin

Like mo dp ko 3 likes kita
Gumawa ng fake account para magshout out ng iba at hindi makilala
Puro kasikatan lang ang hinahanap sa media
Ganyan na ba ang sistema? Halos lahat nakakain na

Gagawa ng memes na katawa-tawa
Sasali sa sikat na grupo o banda
Puro kapilosopohan naman ang sinasagot sa iba
Para lang mapansin nila

Magpapasikat sa kababaihan
Para siya ay paghanggaan
Piling ng iba sila'y kagwapuhan
Kapat sila't kinausap ng matinuan puro lang sila dahilan

Ang iba naman ay pinagpalit ang kanyang kaibigan
Para lang sa kanyang kasikatan
Pinagpalit ang kanyang tunay na kaibigan
Para sa kanyang kasintahan

Ang daming tao na mas pipiliin pa ang kanyang kapakanan
Basta maabot lang ang uso at kasikatan
Uulitin ko ang sinabi ni Dr. Jose Rizal "Kabataan Ang Pag-asa ng Bayan"
Pero bakit hindi natin ito mapatunayan sa kasulukuyan?

Pipiliin pang makapagpost ng #OOTD
Kahit ang kapalit nito ay sugar daddy
Sa edad nating ito ganto na ba natin ibabase?
Bakit hindi natin lagyan ng respeto ang ating sarili

Magkaibigan ang turingan
Pero yung isa iba na ang turing sa kaibigan
Kaya kayo nasasaktan
Yung pagkakaibigan binibigyan niyo ng kahulugan

Magpopost sa facebook na "kakabreak ko lang"
Kinabukasan may jowa nanaman
Maglalaslas kapag hindi pinansin ng kanyang minamahal
Sabay post sa FB, twitter o kung ano pa yan na #Laslas

Ganto na ba ang basehan sa kasalukuyan
Likes na ang basehan ng kagandahan at kagwapuhan
Iphone at braces na ang simbolo ng kayamanan
Dibdib na ang basehan ng pagmamahalan?

Mamaya pagkatapos ko rito
Ako ay paguusapan at huhusgahan
Tanong ko lang bakit pag nagkamali ang isang tao
Inyo ng pagtatawanan at sisiraan

Ang social media ay para makatulong sa ating pag-aaral
Pagsasaliksik at pakijkipagkomunika sa iba
Ngunit bakit hindi natin magamit ng maayos
At nagamit pa natin ito sa masamang paraan

Sa isang mali ay madaming huhusga
Sa pagkakaibigan may malisya
Puro kasikatan ang nasa isipan
Ngunit ang problema sa buhay ay hindi magawan ng paraan para masolusyunan

Hinahanap mo rin ba sila? O isa ka na sa nakain sa sistema

Poem and Unspoken Poetry:TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon