Ikaw pa rin

31 2 0
                                    


Ikaw pa rin

Ilang buwan na ang lumipas
Ngunit damdamin ko hindi kumukupas
Ikaw parin talaga
Sabi ng puso kong nagpapakatanga

Kahit ano pang sukat ng hapdi at sakit
Na sa buhay ko ay sasapit
Ito ay aking titiisin
Kahit iba ang iyong iibigin

Alam kong ang damdamin kong ito
Hindi na mababago
Kaya ang damdaming ito
Ay akin na lamang tinatago sa'yo

kahit na ako'y iyong pinaasa
at sayo'y walang natamasa,
ㅡ kagustuhan ko sa iyo
ay kailanma'y hindi magbabago.

Poem and Unspoken Poetry:TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon