Pinakilig LangSa isang araw na ako'y muli mong kakausapin
Ako ay tila kikiligin
Sino nga ba ang hindi kikiligin?
Sa pagbanggit ng iyong mga mabubulaklak na salita ikaw nalang ang aking hilingPangalawa iyan ang iyong turing
Pero hindi mo ba nararamdaman ang piling?
Piling na kaibigan lang ang matuturing sa isang kagaya ko
Pero kahit mahirap kaya kong tahakinTatlo tara laro tayo ng taguan
Kaso kahit hindi pa ako magtago hindi mo parin ako mahanap
Pano pa kaya kapag nagtago na ako?
Oo nga pala papano mo ko hahanapin kung iba naman ang hinahanap moApat na beses mo ng pinaintindi sa akin
Na hanggang kaibigan lang
Pero ikaw parin ang tinitibok ng aking damdamin
Baka sakaling ako muna'y kakapit at maghihintay kung baka sakaling ako'y iyo ng mahalinLima ang pandama
Na nagsasabi na ang panganim ay
Itigil na
Tumigil na dahil pinapakilig mo lang ako
At walang kahulugan ang lahat ng iyonPito numerong pampaswerte sa iyo
Baka sakaling mahalin mo rin ako
Pero sa dulo
Iba parin ang pipiliin moWalo salo-salo ang mga mabubulaklak na salita
"Ako nalang"
"Swerte ako sayo"
"Basta sagutin mo ko"
"Baliw ako sayo''
"Akin ka nalang"
Iba't ibang uri ng salitang pampakilig lang
Sabay akbay, yakap at hawak kamay sa kagaya ko
Kaya ako nagiging tanga bakit ba ikaw pa ang tinitibok ng damdamin koSiyam bakit ko ba binibigyan ng kahulugan?
Sabi nga ng iyong kaibigan na ako'y pinapakilig mo lang
Hindi mo ako papaasahin
Dahil iba ang iyong mamahalinSampu kailan ba ako matututo?
Sabi mo PINAPAKILIG MO LANG AKO DAHIL MASARAP SA DAMDAMIN
Nakakagaan ng loob na ako'y utuin
Pero sa ngayon na namulat ako sa katotohananBAKA NAMAN PWEDENG SA SUSUNOD NA "AKO DIN AY IYONG MAHALIN WAG LANG PURO KILIG ANG HANAPIN SAKIN"