Mahal Kita, Kahit Masakit Na

24 0 0
                                    

Mahal Kita, Kahit Masakit Na

Gusto ko sanang umamin
Ako ay may pagtingin
May sasabihing ipaparating
Na mahal kita

Gustong gusto ko iyan sabihin
Kaso kaibigan lang ang turing mo sakin
Lalo na't ang laki ng tiwala mo;
At ako pa ang pinagkwekwentuhan mo tungkol sa babaeng iniibig mo

Sa bawat pagkwekwento mo
Nasasaktan ako
Bakit ba kasi ganto?
Hindi mo ba kayang ibalik ang pagmamahal ko o sadyang manhid ka lang, gago!

Hindi ka nga pala manhid
Pero kaya mong manggamit
Para lang sa tao na iyong iniibig
Ako pa nga ang napili mong panggamit para sa kapakanan mo

Hindi mo ba nararamdaman?
Na ako rin ay may pakiramdam
Na ako rin ay nasasaktan
Na ako rin ay may minamahal

Pano mo nga pala mararamdaman
Kung lagi mo akong inuunahan
Magpapaliwanag pa sana ako tungkol dito
Kaso bigla kang sasabat at uunahan ako

Lagi ka naman ganyan
Lagi mo siyang pinagtatanggol
Lagi mo siyang kinakausap
Lagi mo siyang sinasamahan
Lagi mo siyang pinapasaya
Lagi mo siyang pinipili
Lagi nalang naman

Kasi ano pa naman ang karapatan ko?
Kung siya ang mahal mo
Ako yung kaibigan mo
Kaibigang ginagamit para sa kakaguhan mo

Isang araw nga bigla ka nalang naglaho
Naglaho na parang bula
Sabay putol ng pagkakaibigan natin
Pano pa naman kasi tapos mo na akong gamitin dahil nakuha mo na siya

Sinubukan kong manlimot
Sinubukan kong hindi magparamdam
Sinubukan kong wag ka nalang mahalin
Sinubukan ko lahat ng makakaya ko
Pero bakit panandalian lang ang nagagawa ko?

Siguro dahilan rin ang pagiging malapit natin
Akbay, Yakap, Hawak-kamay at iba pa
Lalo na ang mabubulaklak na salita na ginagamit nating dalawa
Pati na ang lahat ng ala-ala

Tangina! Sinusubukan ko namang kalimutan ka
Kaso bakit ganon?
Mahal kita kahit masakit na...

Poem and Unspoken Poetry:TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon