Dating Tayo

27 0 0
                                    

Dating Tayo

Umaasa ako na kung babalik ka pa ba sa piling ko
Nagbabakasakali din kung gusto mo ba ako
Nagtatanong sa sarili kung kakalimutan,
Nalang ba ang nakaraan nung ako'y iyong nilisan

Kung hindi mababalik ang ikaw at ako
Puwede bang iulit nalang ang dating tayo?

Handa naman akong panindigan ang lahat ng ating plano
Kahit hindi ka sigurado sa nararamdaman mo
Pero ito ako naghihintay sayo
Kahit na iba pa ang iniibig mo

Gustong gusto ko balikan ang lahat ng ala-ala
Kaso wala akong magawa dahil tapos na

Dahil nga nandiyan na siya
Ang iniibig mo sinta
Dahilan kung bakit moko iniwan,
Para sa kanya

Aam ko nung una
Magkaibigan lang tayong dalawa
Pero hindi mo alam na ako'y humahangga na
Pero huli na ang lahat ng gusto kong umamin sayo, may iniibig ka na pala

Pero namimiss ko yung ikaw at ako
Yung dating tayo

Na magkasama sa hirap at ginhawa
Na sabay tinatahak ang problema
Na nagkwekwentuhan, nagdadaldalan, nagsisiyahan at iba pa
Akala nga ng iba tayo na

Akala lang nila
Pero yung totoo? May mahal kang iba

Namiss ko yung ngiti mo habang ako ang dahilan nito
Namiss ko yung yakap mo tuwing pumapatak ang luha ko
Namiss ko yung akbay mo tuwing napapagod na ako
Namiss ko yung ikaw at kung anong meron tayo

Noon nung wala pa siya
Siya na mahal na mahal ka
Mahal niyo din ang isa't isa
Kaya ako'y nagparaya at nilayuan ka

Nilayuan kita
Kasi bigla mokong iniwan yun pala para sa kanya

Gusto kita habang gusto mo siya
Bata kung sakaling saktan ka niya, naghihintay ako kung babalik ka pa
Kahit hindi na maibalik ang una
Kahit ulitin nalang ang simula ;ng ikaw at ako

Ang dating tayo...

Poem and Unspoken Poetry:TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon