Words op MAISDOM

66 6 12
                                    

Bagong akda. Na-tripan ulit gumawa ng panibagong random. Nag-enjoy ba. Walang magawang matino eh.

Napag-isip-isip kong masyadong mabait 'yung dating ng "The Philosophies of a Corn". (Talaga ba???). Sa totoo lang, parang total opposite 'to nun. Eto siguro ang pessimistic side. 'Di nakaka-inspire. Lakas makapagdrama. Mamumura 'nyo 'ko sa pagkagago ko.

Naisip ko lang kasing kelangan kong magkaroon ng outlet para sa mga kabaduyan at rants ko sa buhay. Malulunod ako kung hindi. Parang tae lang 'yan eh, kailangan mong ilabas. (Teka, nakakalunod ba 'yung tae?) Tingin ko nga mapupuno ng mga mura 'tong akdang 'to kaya pinapaalalahanan ko na ang magbabasa nito na kung 'di ka sanay makabasa ng ganun, 'wag mo na 'tong tuloy. Baka mapangiwi ka kung makakabasa ka ng mga FUCK, FUCKSHIT, FUCKINGSHIT, PUCHA, PUTANGINA, TANGINA, PUCHAKAN, KINGINA, PAKSHET, PAKINGSHET, etcetera. Whatfuckingever. Baka nga pati grammars ko mali-mali at may typographical errors. Nasa peak ang emosyon ko kadalasan kapag nag-a-update ako kaya gan'yan. Pati kakornihan ko nasa peak. Kaya nga kapag binabasa ko ulit matapos kong i-publish, saka ko mapapansing, "YUCK! Puchakan na 'yan. Ang korni ko." Pero hindi ako magiging si Pilosopong Mais kung hindi.

Okey.

Bakit "Walang Bigas"? Originally, dapat "ANGST! ANGST!" title nito pero nung tinignan ko ulit sa dictionary para masiguro kung ano ibig sabihin ng salitang "angst", napag-alaman kong mali pala 'yung intindi ko sa kahulugan nun simula nang malaman kong nag-e-exist 'yung salitang 'yon. Pucha, lakas makatanga. Ginagamit ko pa naman 'yung term na 'yun tapos mali pala. Gago. Kaya ayan, naging Walang Bigas.

Nung elementary ako, sinasabi namin 'yan kapag 'yung joke o kung anumang hirit ng isang tao ay sobrang... waley. As in panis. Pambasag ba. 'Di ko din alam kung bakit "walang bigas".

So, wala namang may pake. Kaya ayan, lipat sa next part na o kaya i-divert mo na mga mata mo. Bahala ka. Da tsoys is yors, tsong.

Walang BigasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon