"BESHIE tara na." malakas na tawag ng kanyang kaibigan mula sa labas.Tinatamad na lumabas siya ng banyo. Medyo masama ang pakiramdam niya. Pagkagising palang niya kanina ay nakaramdam na siya ng pananakit ng puson. Pakiramdam niya darating sa kanya.
Nang makalabas siya ay nakita niyang wala na ang kaibigan sa silid nila kaya dali-dali na rin siyang lumabas.
"Beshiewap okay ka lang?" tanong nito ng makababa siya.
Marahang tumango siya.
Nagpunta sila sa may kusina para mag-almusal. Binilisan na nila ang pagkain dahil ano na ring oras ng magising sila.
Nang matapos sila ay agad na rin silang nagpaalam kay Manang.
"Beshie sa house guest tayo ngayon. Maglilinis tayo ng mga kwartong na-bakante na." Sabi ng kanyang kaibigan habang naglalakad sila.
"Okay." Tipid sagot niya.
"Ayos ka lang ba talaga beshie?"
Nginitian niya ito para iparating na okay lang naman talaga siya.
"Siguro kaya ka matamlay beshie dahil hindi mo nakita si sir Edward bago tayo bumalik sa quarters natin noh?" Nanunuksong sabi nito.
"Baliw. Saan mo naman nakuha niyang sinabi mo sa akin?"
Tumawa lang ito.
"Bilisan na nga natin, kung anu-ano naiisip mo diyan eh." Sabi niya.
"Pfft! Bagay talaga kayo ni sir..."
"Tantanan mo nga ako Flor!" putol niya sa sinasabi nito.
"Totoo naman eh." Pamimilit pa rin nito. "Kahit masakit besh ibibigay ko sayo si sir Ed." madramang dugtong nito sabay tawa nito ng malakas.
"Baliw ka na talaga Flordelisa!"
"Pero beshie siguro kaya ka pinagsusungitan ni sir kasi kras ka niya. Aheks! kenekeleg meh."
"Tss! Bahala ka nga diyan. Baliw!"
Nagmadali siyang naglakad para iwanan ito.
"Sandali beshie! Ikaw talaga oh. Hindi ka mabiro. Baka ikaw na may kras kay si..."
Huminto siya sa paglalakad at lumingon dito. Pinandilatan niya ito. Ang lakas ng pagkakasigaw nito. Kahit sila lamang dalawa ay natatakot siyang may makarinig dito. Malay ba niya kung sila lang ba talaga ang tao. Baka isipin nilang may gusto siya sa boss nila.
Tumawa lang ang timang na kaibigan. Tumakbo ito palapit sa kanya at kumapit sa braso niya.
"I love you beshiewap." Malambing na sabi nito.
NANG matapos nila ang panghuling kwarto ay mag-aalastres na. Gutom na gutom na siya. Hindi na niya malaman kung puson pa ba o tiyan na ang masakit sa kanya.
"Grabe iyong huli beshie parang dinaanan ng bagyo. Sobrang daming kalat naman iyon." Sabi ng kanyang kaibigan.
Kasalukuyan silang naglalakad sa may pasilyo habang hila-hila ang mga garbage bag.
"Oo nga eh. Gutom na ako Flor."
"Ako rin beshie. Nagrereklamo na mga anak kong anakonda sa tiyan."
Natawa siya sa sinabi nito.
"Beshie saglit lang ha. Tinatawag kasi ako ng inang kalikasan. Mauna ka na. Sunod na ako. Ano ba ito? Bigla-bigla nalang." Biglang sabi nito.