Chapter 8

631 59 22
                                    


"DALE.... Dale.... Dale.... gumising ka."

Bigla siyang napabalikwas at napatingin sa paligid.

Kumirot bigla ang sentido niya kaya napahawak siya doon.

"Oy beshie anong nangyayari sayo?" Tanong ng kalalabas na kaibigan mula sa banyo.

Umiling siya bilang sagot. Tatayo na sana siya sa kinahihigaan niya ng mas lalong kumirot ang ulo niya. Parang hinahati sa dalawa ang ulo niya. Sa sobrang sakit napasigaw siya.

"Beshiewap! Beshie!" Natarantang sigaw ng kaibigan niya sabay lapit sa kanya.

Hinawakan nito ang mga kamay niya pero iniwaksi lamang niya iyon.

"Ang sakit!! Ang sakit!!" Malakas na daing niya.

"Hoy besh! A..anong nangyayari sa iyo?"

Hindi niya sinagot ang kaibigan dahil may boses na pilit na sumisingit sa kung saan.

"Dale...."

"Sino ka?!" Malakas na tanong niya sa kabila ng pamimilipit niya sa sakit.

"Dale..."

"Oy beshie ano ka ba?! Hindi mo na ba ako kilala?!"

Hawak ni Flor ang magkabilang braso niya habang pilit na pinipigilan siya.

"Dale..."

Sa bawat pagtawag nito ng kung anong pangalan ng boses na iyon ay mas lalong kumikirot ang ulo niya.

"Pakiusap..  tumigil ka!" Pagsisigaw pa rin niya.

"Beshie anong nangyayari sayo? Ako ito si Flor, kaibigan mo." tarantang tanong ng kaibigan niya.

"Dale... gising na."

Sa sobrang sakit ng ulo niya hindi na niya napigilan ang sariling mapaiyak.

"Tumigil ka!!" malakas na sigaw niya.

"Dale... huwag kang palilinyang kay tadhana."

Huling narinig niya bago nagdilim ang paningin niya.









"HOW'S Mary, Manang?" tanong niya sa yaya niya.

Ito ang tumayong ina niya mula pagkabata.

"Tulog pa rin siya hijo. Kaninang umaga nagsisigaw ang dalawang magkaibigan kaya napatakbo kami sa itaas. Naabutan na naming walang malay itong si Mary sa silid nila." Nag-aalalang sagot ng matanda.

Napabugtong-hininga siya.

Nang malaman niya sa kaibigan ang nangyari ay bigla siyang napatakbo sa quarters ng mga ito.

Kaya pala buong maghapon niyang hindi ito nakita. Akala niya masama pa rin ang pakiramdam nito dahil sa pagkakaroon nito ng buwanang dalaw iyon pala ay may nangyari na dito.

Hindi pa niya nakakausap si Flor dahil maghapon itong nakabantay sa kaibigan nito.

Parang binundol ng kaba ang dibdib niya ng malamang nawalan ng malay ang dalaga. Nagpatawag pa siya ng doktor para tignan ang dalaga. Pero maayos naman daw si Mary at walang anumang sakit. Marahil daw pagod lamang daw ito.

"Bakit hindi ka pumasok sa loob para personal na makita siya hijo?" untag ni Manang sa kanya.

Nag-alangan siya kung susundin ang sinabi ng matanda. Sa nangyari kahapon, sobra siyang nag-alala ng bigla nalang ito umiyak sa harapan niya at iwan siya. Hindi pa rin maialis sa isip niya ang bumalatay na sakit sa mga mata nito bago siya nito tuluyang iwanan kahapon. Halos hindi siya nakatulog sa kakaisip dito.

My Lovely Cupid (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon