Pa-epz si Totz!
Sorry ngayon lang ulit ako naligaw dito. Cancel dayoff kasi kami last December kaya heto super slow na ang update. At hanggang ngayon busy pa rin kami. Hay buhay ang hirap kumita para mabuhay.. hehehe
I'm back! Sa totoo lang bumalik ako sa pagbabasa nito, ne hindi ko na alam kung ano na ang mga nangyayari sa kwentong ito.
I hope hindi pa rin kaya nagsasawang maghintay sa nilalangaw na istoryang ito.
Salamat pa rin sa patuloy na nag-aabang dito.
TUMINGIN siya sa paligid bago muling ibinalik ang tingin niya sa may tubig. Kung gaano kalinaw niyang nakikita ang kanyang repleksyon sa tubig ay kabaliktaran naman sa nangyayari sa kanya sa kasalukuyan.
"Dale tara na baka hinahanap ka na nila." untag ni Conde sa kanya.
"Nasaan si Flor, Conde? Bakit hindi ko maintindihan ang lahat? Bakit bigla nalang akong si ate Kristina?" naguguluhang tanong niya dito.
"Si Flor ay si tadhana Dale."
"Tad..tadhana? Paano nang..."
"Pinaglalaruan ka ng tadhana Dale."
"Magkaibigan kami ni Flo..."
"Nagpapanggap siya Dale. Hindi mo siya kaibigan dahil walang puso ang tadhana,hindi siya tulad ng mga mortal. Noon pa man ay sinusundan ka na nito Dale. Hindi ko alam kung bakit bigla ka nalang si Kristina." sabat nito.
"Ganoon ba kabigat ang ginawa ko Conde? Parte pa ba ito ng ginawa kong kasalanan?"
"Hi...hindi ko alam Dale."
"Hindi naman siguro ako si ate 'di ba?" muling tanong niya.
Nilingon niya ito.
Marahan itong tumango. Nakahinga siya sa sagot nito.
Namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Hindi na rin siya nagtanong pa dito dahil pakiramdam niya wala na siyang makukuhang sagot mula rito. Pakiramdam niya parang may kung anong inililihim sa kanya ang kanyang kaibigan.
"Tara na Dal.."
"Mary.."
Tatayo na sana siya ng bigla siyang matigilan ng marinig niya ang boses na isa pang nagpapagulo sa kanyang isipan.
"Mary.."
Dahan-dahan niyang nilingon ito. Kita niya sa mga mata nito ang matinding pag-aalala at pangungulila o baka naman dinadaya lamang siya ng kanyang paningin.
"Sabi ni Flor dito kita matatagpuan. Hindi ko siya maintindihan..pero sumubok ako..."
"Edward.."
Dahan-dahang tumayo siya at tuluyang humarap sa binata.
"Alam mo ba kung saan-saan na kita hinanap... buti naroon si Flor. Bakit hindi ko naisipang baka... baka narito ka? Pero.. naguguluhan pa rin ako Mary."
"Nakita mo si Flor.."
Tumango ito.
"Nasaan si Flor?"
"Huh?"
"Nasaan si Flor.." pag-uulit tanong niya.
"Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko.. alam kong napakaimposible ng sasabihin ko sayo pero si Flor... kakaiba siyang nilalang."