HINDI na niya ata mabilang kung ilang beses ng naghikab ang babaing katabi niya.
Gumising siya ng maaga para gisingin din ito. Alas-tres palang ng madaling araw ay agad na siyang gumayak para puntahan at sunduin ito.
"Dale..." mahinang tawag niya.
Umungol ito bilang sagot.
Hindi niya napigilan ang sariling mapangiti dahil dito. Mukhang bibigay na ito sa antok.
Halos araw-araw na nilang ginagawa ang pag-aabang ng pagsikat ng araw. Ganoon din sa paglubog nito.
Mabuti na lamang ay lagi siyang nagdadala ng kumot para ibalot sa katawan nito kung hindi maninigas na ito sa lamig.
Tinignan niya ang oras sa suot niyang relo. May isa pang oras silang hihintayin. Medyo inaantok rin naman siya pero kaya naman niyang labanan.
Nakaupo silang dalawa sa may buhangin habang nakatanaw paharap sa dagat. Nakasandal ang ulo nito sa balikat niya at nakapikit ang mga mata nito.
Awtomatikong napangiti siya ng marinig niya ang mahinang paghilik ng katabi niya.
Aaminin niyang masaya siyang kasama ito. Alam niya sa sarili kung bakit ganoon ang nararamdaman niya dito. Higit pa sa pagkagusto ang nararamdaman niya sa dalaga. At higit pa sa pagkakaibigan ang gusto niyang mangyari sa pagitan nila.
Gusto niyang ipagtapat dito ang nararamdaman niya ngunit kailangan muna niyang ayusin ang relasyon niya kay Suzy. Alam niyang masasaktan niya ito pero mas masasaktan lang niya ito kapag pinatagal pa niya.
He can't help it anymore. Hulog na hulog na siya sa babaing katabi na sa maikling panahon pa lamang niya nakikilala.
"MADAYA!! Bakit hindi mo ako ginising! Kahapon ganoon din." Birong-inis na sabi niya kay Edward.
"Tss! Sino bang natulog? Ako ba Mary?" Pagsusungit nito.
"Kahit na."
"Pfft! Tara na nga. Kain na tayo." Nakangiting sabi nito sabay hila sa kanya.
Hindi na naman niya maiwasang magulat sa tuwing hahawakan nito ang kamay niya. Kinakabahan siya na hindi niya maipaliwanag. Bumibilis ang pagtibok ng kanyang puso, pero naroroon pa rin ang pagkirot na hindi niya maintindihan. Hindi na lamang niya iyon pinapansin dahil masaya siyang kasama ang binata.
Kung pag-ibig man ang nararamdaman niya sa binata ay natatakot siya. Alam niyang may kasintahan na ito at ayaw niya iyon masira lalo na ang pagkakaibigan nila.
"Mary..."
"Huh?" Napatanga siya dito.
"Something wrong?" May pag-aalala sa boses na tanong nito.
Umiling siya bilang sagot.
"Tell me what's wrong. Hindi ka matitigilan diyan kung wala lang."
"Wa..wala talaga Edward. Naalala ko lang sila lola." pagsisinungaling niya.
"Gusto mong bisitahin sila?"
"Pwede ba?" Nagkaroon ng pananabik sa puso niya sa sinabi nito. Idinahilan man niya ang dalawang matanda ay totoo din namang namimis na niya ang mga ito.
Nakangiting tumango-tango ito.
"Salamat boss!" masayang sabi niya.
"Sama ako ha."
Nagthumbs-up siya dito bilang sagot. Kung gusto nitong sumama, isasama niya. Saka kahit hindi niya aminin ay gusto niya talagang isama ito. Gusto niyang kasama ito palagi. Ewan ba niya kung bakit?