"BESHIE?? Anong nangyayari sayo?" gulat na tanong ng kaibigan niya ng magising ito.Umiling-iling siya dito sa kabila ng patuloy niyang pag-iyak.
Mahigpit na humawak siya sa kanyang damit sa tapat ng kanyang dibdib at piniga ito.
"May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong nito.
Muli siyang umiling-iling dito.
Umayos ito ng upo at inalalayan din siyang maupo rin. Magkatabi sila sa isang kama. Maluwang naman ang kama na kasya ang apat na katao ngunit sila lang namang dalawa ang natutulog sa isang silid.
Pinunasan nito ang mga luha niya na ayaw pa rin huminto sa pagtulo gamit ang kamay nito.
"Sabihin mo sa akin ang problema beshie! Alam kong hindi ka okay. Iiyak ka ba sa gitna ng gabi ng wala lang? Miss mo ba ang lola at lolo mo?"
Umiling siya bilang sagot.
"Ano nalang? Trip mo ba 'yan."
Narinig niyang mas lumakas ang ulan sa labas kaya hindi niya napigilan mapaiyak ng malakas at yumakap sa kaibigan.
"Nasasaktan a..ako Flor! Ang sakit! Pero hindi ko alam kung... kung ba..bakit?!" paghihinagpis niya.
"Ha?? Ano?? Anong nasasaktan ka? May nanakit ba sayo?" naguguluhang tanong nito.
"Ang sakit-sakit ng dibdib ko Flor. Kumikirot ang puso ko. Nasasaktan ako." Umiiyak na sabi niya.
"Kumalma ka."
"Bakit ang sakit nito? Bakit parang may hindi ako naiintindihan?"
"Mary.. tama na... pati ako naiiyak." pagpapatahan ng kaibigan niya.
"Florrr... Ayoko ng ganito! Nasasaktan ako!!" Umiiyak na pagsisigaw niya.
"Tama na beshie.. tama na." umiiyak na saway ng kaibigan niya.
KINAUMAGAHAN nagising siyang mabigat ang pakiramdam.
Tinignan niya ang katabi, alam niyang napuyat ito sa pagbabantay sa kanya. Dinamayan siya nito ng hindi nila malaman pareho ang dahilan ng nararamdaman niyang sakit.
Inayos niya ang kumot sa katawan ng kanyang kaibigan. Maaga pa ayon sa relong nakasabit sa may dingding. Hindi pa sumisikat ang araw dahil madilim pa rin sa labas.
Nagpasya siyang bumangon at bumaba.
Dahil sobrang aga pa, wala pang gising ne isa sa mga kasamahan niya kaya nagpasya siyang lumabas muna.
Nilakad niya ang papuntang tabing dagat. Nakatsinelas lamang siya kaya ramdam niya ang basa sa tinatapakan niya. Napayakap siya sa kanyang sarili dahil sa lakas ng hangin na nanggagaling sa dagat. Tanging alon ng dagat at pag-ihip ng hangin lamang ang kanyang naririnig.
Nagpasya siyang hintayin ang pagsikat ng araw. Parang kinakalma kasi ng dagat ang pakiramdam niya.
Napahinto siya sa pag-isip ng may mahagip ang mga mata niya na nakabulagta sa buhanginan.
Noong una ay natakot siya at nagdalawang-isip kung lalapitan ba niya ito. Pero nakonsenaya siyang iwanan ang kung sinumang nakabulagta sa di kalayuan. Dali-daling lumapit siya para matulungan ang taong nakahiga sa may buhangin.
"Ah.. eh... buhay ka pa ba?" kinakabahang tanong niya.
Siyempre ang tanga niya para umasang sasagot ang taong sa tingin niya ay patay na.
Pero ganoon nalang ang gulat niya ng umungol ito.
"Bu..buhay ka nga!"
Gamit ang kanyang kanang paa ay niyugyog niya ang binti nito para gisingin ito.